ENTRY #9

26 3 0
                                    

title: worst
pseudonym:TheFhudge
Story:

Umagang umaga at nag aabang ako ng text niya para batiin ako sa anniversary namin. Lately hndi na kami mashadong nagkakausap or nagkakatext dahil busy siya sa mga bagay na hindi ko alam. Pero eto ako, pinagbibigyan lang siya sa mga pinag gagagawa niya nagpapakatanga. Bakit? Dahil mahal ko siya e.

*Tututot*
Bigla kong tinignan kung sino ang nagtext sa akin pero laking panghihinayang ko dahil si ethan lang pala. Bestfriend ko.

Ethan:
Happy anniversary sainyo! Pakatatag kayo! Pag ikaw niloko niyan upakan ko yan!

Natawa naman daw ako sa last na sinabi niya. Hindi naman ako lolokohin ni mark e. Mahal ako non.

Nagreply na lang ako ng thankyou sa kanya tapos naligo na ako. Pupuntahan ko na lang siguro si mark sa condo niya. Baka tulog pa yon, pagod sa work niya.

Nagpaganda ako ng todo. Nagdress pako. Nagpabango at nag make-up para magandang maganda ako sa harap niya.

Pagdating ko sa tapat ng condo niya medio half open pa yung door. Papasok na sana ako ng may narinig akong nag uusap kaya sinilip ko muna.

Nakita kong nakaupo si mark habang nakakalong sa kanya yung babae. Nakikita ko yung sarili ko sa babae.

"Makipag break ka na kasi sa kanya para hindi na tayo nagtatago." Sabi nung babae habang gumagapang ang kamay sa katawan ni mark. Sobrang sakit na ng nararamdaman ko. Hindi ako makapaniwala..

"Hindi pa pwede. Alam mo namang malaki utang na loob ko sa kanya e."Sabi ni mark at hinalikan ang babae.

Kusang tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Sobrang sakit. Yung tipong parang pinipiga yung puso ko. Yung parang tinutusok ng libo libong krayum. Masakit.. Sobra.. Napahagulgol ako kaya tumigil sila sa paghahalikan at napalingon sa akin.

Nanlaki ang mata ni mark pagkakita sa akin. Bigla siyang napatayo kaya parang natumba yung babae.

"J-jaf?"

Nauutal na sabi niya. Kitang kita ko ang kaba sa mga mata niya. Hindi na ako nagtago. Nagpakita na ako sa kanila.

"B-bakit ka andito?" Natatarantang tanong niya.

Shit! Parang binaril yung puso ko. Tamang tama! Ako lang ba nakakaalam kung bakit ako nandito? Ako lang? Wala siyang alam na anniversary namin ngayon? Sabagay ako lang pala ang nag MAMAHAL..

"H-happy a-anniversary." Halos pabulong at utak utal kong sabi. Masyado ba akong tanga at binati ko pa siya?

Muling nanlaki ang mata niya. Ako nga lang talaga ang may alam.. "J-jaf sor-" bigla ko na siyang sinampal. Alam ko na sasabihin niya. Sorry? Sorry dahil niloko niya ako? Sorry dahil hindi niya ako mahal?

"Tama na mark.. Sampal na sampal na sakin o. Rinig na rinig ko na kitang kita ko pa! Tapos ipapamukha mo pa sa akin.. Nagsosorry ka dahil ano? Dahil hindi moko mahal? Tangina! Mark! Durog na.." Sabi ko habang tinuturo yung part ng puso ko. Tulo lang ng tulo ang luha ko.

"Durog na.. Mas lalo mo pang dinudurog.. Hindi ba pwedeng magpasalamat ka na lang? Dahil minahal kita, Nagtiis ako..Kesa magsorry ka dahil hindi moko mahal.. Masakit e." Hindi ko na alam kung san ko pa nakukuha ang kakapalng ng mukha ko.pinunasan ko ang natitirang luha sa mukha ko.

"Jaf sorry.." Aniya at akmang lalapit sa akin pero lumayo ako.

"Sorry nanaman? Durog na durog na durog na mark!hindi ko kelangan ng sorry mo! Kelangan kong mamili ka sa amin ng babaeng yan!" Sabi ko at tinuro ang babaeng pinaka ayokong makita. Pinakasusuklaman ko.

"Jaf naman. Wag ganto." Nagmamakaawang sabi niya. Ganyan ba talaga kahirap mamili? Ganon ba niya ka mahal yung babaeng yon para magmakaawa siya ng ganyan.

Write A Shot Contest: TragicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon