ENTRY#19

11 1 0
                                    


You're Always In My Heart (One shot)
By: ReadenPeregrin

Kapag nagmahal ka lahat gagawin mo para sa taong mahal mo.Mahirap man o madali ipaglalaban mo parin sa huli. Hanggat nagmamahalan kayo, pero paano kung isa na sa inyo ang sumuko? Ipagpapatuloy mo parin ba? Lalaban ka parin ba?At 'till the end mamahalin mo parin ba ang taong sumuko at iniwan ka?

_____

Sheyn's POV

Nakakainis ang aga-aga ako inaasar ng bwiset na lalaki na 'to. Hindi nya ba alam na badtrip ako, oh well pano nga naman nya malalaman. Tsk. Hindi ko nalang sya pinansin kahit anong asar nya. Tuloy lang ako sa paggagawa ng poem dito, aish. Walang pumapasok sa utak ko.
At sa wakas din tumahimik nadin 'tong damuho na 'to sa kakaasar sa'kin. Ngunit nag kamali pala ako ng magsalita muli sya.

"Sheyn, pwede ba'ko manligaw sayo?" nabitawan ko 'yung hawak kung ballpen nang marinig ang sinabi nya. Ano? manliligaw sya, tapos mangyayari nanaman 'yung pang-iiwan sa'kin nung ex kung timer! 'Wag nalang!

Hinarap ko naman 'tong damuho na 'to."Mr.Sai Estrada kung wala ka ng ibang maasar sa'kin pwede ba umalis ka nalang"

"Sino ba may sabing asar 'yun? This time I'm f*cking serious, Sheyn Miguel" sa tono nga ng pananalita nya seryoso sya, pero malay ko ba kung sa loob-loob nya hindi.

Sa totoo lang since nag break kami ng ex ko lagi na nya akong inaasar, nilalapitan, at pinapatawa pero lahat ng 'yon 'di ko maappriciate, dahil para sa'kin lahat na ng mga lalaki manloloko.Kaya 'di nyo ako masisisi dahil first heartbreak ko ang ex ko na 'yun.

"Wala akong pake!"

Tumayo na'ko at iniwan na sya sa may cafeteria. Tsk. Walang magawa sa buhay, kaya ako ang pinagtitripan.

Dumeretcho nalang ako sa may classroom, nang makarating dun ay dun ko lamang naramdaman na nakasunod pala sa'kin si Sai. Bwiset talaga!

"Ano ba?! 'Wag mo nga ako sinusundan!"

Kumunot naman ang kanyang noo sa pagsigawa ko.

"Hindi kita sinusundan. Dyan din po ang room ko"sabay turo nya sa room at ngumiti ng nakakaloko. Inirapan ko nlang sya at dumerecho nalang sa upuan ko. At minalas ka nga naman katabi ko ang damuho.

________

Gaya nga ng sabi in Sai ay liligawan nya ako at tinuloy nya nga 'yon 2 weeks narin ang nakalipas.Pero ako ito so dedma.

"Sheyn oh," umangat naman ang ulo ko sa pagsusulat at tinignan ang inaabot sa'kin ni Sai.

"Ano 'yan?"pagtataka kung tanong isa ba namang sobre.

"Sobre.."

"Oh, I know, pero bakit sobre? Ano laman nyan?"

Ngumiti nalang sya ng tipid sa'kin. Para nanlulumo ang mga mata nya. 2weeks from now tahimik nalang sya Hindi na sya 'yung makulit na kilala ko.

"Hehe, basta promise me na bubuksan mo 'to after 2 months, ha?"aba may palugit pa.

"Edi sana ibigay mo nalang din 'yan after 2 months" may saltik.

He sighed"E, baka kasi..."

"Baka kasi..?"

"Wala... Wala. Sige na nga sabi mo e.Ahm sheyn nga pala titigil nadin ako sa panliligaw.."parang binagsakan ako ng langit at lupa dahil sa sinabi nya, sabi ko na nga ba e.Pero parang may kumirot sa part ko.

"Uy, joke lang araw hahaha araw kits liligawan 'no. Kaya lang kasi mawawala muna ako ng matagal, pero nakapagpaalam narin naman ako sa adviser at ibang subjects teacher, baka mamiss mo ako ha. Seryoso din ako na mahal kita. Nung wala na kayo mg ex bf mo dun ako naglakas ng loob na lapitan ka. Pasayahin ka, kahit lagi mo ako pinagtatabuyan."At ngumiti sya ng pilit. Ako naman 'tong parang naaawa saknya, dahil yun pala ang dahilan ng pangaasar nya.

"Bakit ka mawawala?saan ka pupunta?"

"Ah, pupunta lang kami sa tita ko na dumating galing ibang bansa"

"Ah.Okay"

____

Malapit na matapos ang month ngayong October at sabi ni Sai katapusan ng October ko daw buksan ang sobre, pero nasakanya naman e. At hanggang ngayon hindi parin sya pumapasok, grabe 'yun napasarap ang bakasyon ah. Pero sa totoo lang namimiss ko na ang kakulitan nya at sya. Nagte-text naman sya pero hindi sya tumatawag. At alam ko rin naman na hindi sya ganoon kayaman at tama lang ang kinikita ng parents nya. Kaya nga sa mga quizzes masasabi ko ang talino nya. Sya lagi ang nakakaperfect na kwento nya rin sa'kin na gusto nya maging doctor para magamot ang may sakit. Geez, gusto ko nabasya o mahal?

"Class, listen"napatingin naman ako kay ma'am na adviser namin.

"Kilala nyo naman diba si Sai Estrada, right? His mother is here"

At this time sa katabi ni ma'am, mama pala 'yun ni Sai. Pero bakit parang kinakabahan ako. Nakayuko si ma'am at umiiyak ang mama ni sai

"Magandang umaga sa inyong lahat... A-ko.. Ang na-na..y ni Sai... Gusto ko.. Lang.. Sa..sabihin s..a laha..t na nagi...ng kaibigan ng aki..ing anak na."Hindi na napigilang ng nanay ni Sai ang humagulhol. Nagingilid narin ang luha ko. Si ma'am na pinapakalma ang nanay ni Sai at si ma'am na umiiyak na.

Ano ba kasing nangyari?

"Wa..la na ang..akin..g ana..k"

At nagsimula na ngang magsibagsakan ang kanina pang nagbabadyang luha.

Pero bakit? Nung isang araw lang katext ko sya at tumawag pa sa'kin.

"May sakit syang brain cancer,class at kanina lamang sya pumanaw"

Pero.. Bakit? Pano nangyari 'yun?
Hindi e! Hindi 'to totoo e!

"At...bago pumanaw ang...aking anak may iniwan syang sobre... Ibigay ko daw Kay... Sheyn Miguel.. At sorry daw"

Hindi ko na napigilang humagulhol.
Dahil bakit kailangan nya pang mawala? Hindi ko manlang nasabing mahal ko sya.

Inabot sa'kin ng nanay nya ang sobre. Pagkaabot na pagkaabot nya ay tumakbo na ako papunta sa Cr at pumasok saisang cubicle.At agad kong binasa ang sulat.

Dear, Sheyn Miguel

Alam Kong kapag nabasa mo na 'to ay wala na'ko. At salamat dahil sayo nagkaroon ako ng kahit isang chance namabuhay. Pero alam ko din na hindi na'ko tatagal.'Wag munang isipin ang ex mo, ha. Maghanap ka ng taong mamahalin ka talaga. Mahal kita, pero wala e hanggang dito nalang talaga. Sorry kung iiwan kita. Sana mahanap mo ang the one mo sasabihin ko Kay God 'yun pagdating ko dun.Nga pala may poem ako para sa 'yo.'Wag kang umiyak ng umiyak Ha, You're always in my heart remember that.

--
For Now I'am Dying
Untouched by the wind
Carrying the pain
And Helplessly Drifting

Silence Had Romed
Like no one had gone
And guilty of love
Down Hearted by someone

Assuring of Something
Wishing for something
Still hoping for someday
Has lightened my pathway

Lost like a treasure
And gone like a ghost
I would die with my words
And sleep with my memories

Always remember Sheyn you have a place in my heart

I love you

____
Sincerely yours
Sai Estrada

"I love you too Sai, You're always in my heart"

End

Write A Shot Contest: TragicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon