*Ting! Ding! Ting! Ding!*
*Ting! Ding! Ting! Ding!*
Tumunog na ang bell hudyat ng pagsisimula ng mga klase. Kaya naman nagdire-diretso
na ako sa klase namin. As I entered the classroom lahat sila'y tumahimik na kala mo
gangster lang pumasok. Ni ultimo paglunok pinipigilan nila at sa tuwing tumitingin
ako sa kanila ay sya ring pag-iwas nila. Kaya naman tahimik nalang akong nagdiretso
sa upuan ko. Nakakairita talaga ang ganito.
"HOY MS. MAQUINTO!" sigaw ng adviser teacher namin mula sa likod ko. Mukhang
galit sya at grabe huh sinigawan nya ako kahit wala naman akong ginagawa sa kanya.
Kaya naman sa sobrang inis ko bigla ko syang nilingon at sinabing..
"Problema moh!" sarcastic kong sabi habang nakatitig ng masama sa kanya.
"ah-eh wala lang naman basta next time maggreet ka naman pag may teacher na sa
harapan ok..heheh" napakamot nalang sa ulo ang adviser teacher sa sobrang takot.
Nang makaupo na ako nagsimula na ang mga bulong-bulungan sa paligid.
"Grabe nakakatakot talaga si Marie. Pati si Ma'am di nakapalag." bulong ng
isang girl.
"Oo nga! kaya nga ayoko syang maging friend eh." bulong naman ng isang girl.
Grabe huh..magbubulong-bulungan nalang yung maririnig ko pa talaga. Sipain ko
nga isdang toh eh.
"Pre ang cool nya noh. Mukhang type ko na ata sya." bulong nong isang guy
habang nakangiting nakatingin sa may direction ko. Upakan ko kaya toh.
"Pre binabalaan kita ~ lapitan muna ang lion wag lang si Marie. Yun lang naman
kung gusto mo pang mabuhay." bulong naman nong isang guy. Pashnea tong janitor
fish na toh i-compare ba ko sa lion sakmalin ko kaya toh.
"But why? I think she's a nice girl naman pre." bulong nya uli. Buti pa tong isang
toh nakikita ang good side ko.
"Anu kaba naman pre di mo ba sya kilala. Sya si JOEMEL MARI MAQUINTO.
International Black Belter yan pre. Baka gusto mo paglasug-lasugin nya katawan mo.
Grabe yan paglumaban kala mo lumalapa lang ng hayop. Grabe pre kung napanood
mo lang kung pano nya hinamon at nilampaso sila Jackie chan at Jet li.
Kalunos-lunos talaga sinapit nila sa halimaw na yan." seryoso nyang sabi
habang binubulong nya sa katabi nya. E kung polbusin ko kaya ngayon katawan
ng janitor fish na toh.
"Eto pa pre. Kilala rin sya sa pagiging KILABOT!" bulong pa nya uli.
"KILABOT? Ng alin? Leader ba sya ng isang gang?" tanung nya.
"Hindi pre. KILABOT sya ng DANCE FLOOR! Grabe pre, kung makapaghead spin yan
parang di babae para syang umiikot na trumpo sa floor. At kung makapagbreak
dance hindi sya mapigilan para syang whirlwind yung tipong kaylangan munang
mag-evacuate kung ayaw mong masalanta. Ganon sya ka--"
*Togsh*
Napahinto kaagad yung guy sa pagsasalita ng biglang may tumamang tennis ball
sa ulo nya.
"Anak ng--" galit nyang sabi habang lumilingon sya sa likod para hanapin kung sino
ang taong bumato ng bola sa ulo nya. Saktong napatingin sya sa direction ko at
bigla syang nanginig at biglang pinagpawisan. Nakasalong baba ako habang
nakatingin ako ng masama like this. +_+ yung tipong sinasabi ng tingin ko
"subukan mo pang magsalita hindi kana sisikatan pa ng araw."

BINABASA MO ANG
Etoile Maiden [On Hold]
Teen FictionNakaencounter na ba kayo ng isang girl group na lapitin ng gulo? Eh boy group kaya na feeling pogi na mukha namang dinosaur pero may fansclub naman? Eh pano pa kaya kung pagsamahin pa sila? Siguradong rumble 'toh. ^O^ Samahan natin sila sa walan...