(A/N: Grabe!!! Maidens Battle na! Kyahahahah… ~\(>v<)/~ excited na koh!!!!!!!! Eto na maririnig nyo na ang Theme Song ng Etoile Maiden. Enjoy! ^______________^ Now Playing: BORDERLAND by Mami Kawada!! )
Pagbagsak namin sa damuhan bigla nalang kaming sinugod ng mga impakto kaya
naman nagkanya-kanya na kami ng takbuhan.
"HUAWWWWWHHHHHH!!!!" ~ \(TOT)/ ~ ~ \(TOT)/ ~
pagngangawa nila Varga at Golden Voice na narinig ko mula sa malayo.
Hindi ko na nagawang tignan pa kung saang direksyon nagtakbuhan ang mga
kasama ko. Sabay-sabay nagsiatake ang mga impakto sa akin. Kaya naman
napilitan na akong gamitan sila ng dahas. Binigyan ko sila ng matitinding suntok at
sipa na tanging mga Black Belter lang ang nagtataglay. Inilabas ko na rin ang
aking isang daan porsyentong lakas mapataob lang sila. Pati bangis pinakita ko
narin ng masindak naman sila sa akin.
"HETONG-------SAYO!!!!!!!!!!!!!!!" ᕙ(⇀‸↼‶)ᕗ hindi ko na mabilang kung ilang
impakto na ang nagdaan sa bangis ng kamao ko basta ang mahalaga mabibilang
nalang ang mga sumusugod sa akin.
"MATITIKMAN NYO NGAYON ANG BANGIS NG ISANG DONYAHHHH!!!!" halos
manlaki ang mata ko ng makita ko si Donya na may hawak na kunai na pasugod sa
mga impakto na parang isang ninja. Isa-isa nyang pinataob ang mga ito sabay
lumundag pa sya ng pagkataas-taas at inihagis ang mga shurikin na tumama
naman sa mga pagmumukha ng mga impakto. Hay~ (.--) Mabuti naman at
mapapakinabangan din pala ang kaweirduhan nya. Bagay talaga silang magsama
ni Legend. Wait! Speaking of Legend, asan naman kaya yun?
Iginala ko ang paningin ko sa paligid para hanapin ang dakilang promotor na si
Legend. Sa di kalayuan natanaw ko sya na halos pinalilibutan na ng mga impakto.
Nakatayo lang sya sa gitna habang ang kanang paa nya ay nakaapak sa isang
bangkay ng impakto na mukhang nakarolyo pa. Nakangiti lang sya na para bang
hindi inaalala ang sitwasyon nya. Isa-isang nagsisugudan ang mga impakto pero
nakatayo parin sya at hindi gumagalaw. Bago pa sila makalapit pumusisyon
kaagad si Legend na para bang sisipa ng kung ano. Halos matulala nalang ako sa
kinatatayuan ko nang sipain nya ang bangkay na parang soccer ball. Lumipad ito
na parang missile at tumama sa impakto sanhi para tumalsik ito. Paulit-ulit nyang
ginawa yun hanggang sa maubos ang mga ito. Hahanga na nga sana ako sa
ginawa nya kaso bigla syang naglabas ng kung anong bagay mula sa bulsa nya.
*click!* *click!* *click!*
*'\ (^_< )v <--- Legend.

BINABASA MO ANG
Etoile Maiden [On Hold]
Teen FictionNakaencounter na ba kayo ng isang girl group na lapitin ng gulo? Eh boy group kaya na feeling pogi na mukha namang dinosaur pero may fansclub naman? Eh pano pa kaya kung pagsamahin pa sila? Siguradong rumble 'toh. ^O^ Samahan natin sila sa walan...