"zzzzz....zzzzzz.....zzzzz...."
"Hoy gisingin mo na sya." pabulong na utos ng girl sa guy na nasa harapan nya.
"zzzzz....zzzzzz.....zzzzz...."
"Ba't ako! Baka madamay pa ako dyan eh" pabulong na sagot ng guy.
"zzzzz....zzzzzz.....zzzzz...."
"Sige na mukhang sasabog na sya eh." bulong uli ng girl habang nakatingin sa harapan.
"zzzzz....zzzzzz.....zzzzz...."
5 --------
4 --------
3 --------
2 --------
1 --------
0 --------
*BOOM!!!!*
"MS. DOLLENTE -------------------------------------!!!!!!!!"
Sa sobrang lakas ng sigaw akala mo may sumabog na bomba..akala ko nga nasa
gera na ako sa Iraq. Kung makasigaw naman kasi parang end of the world na.
"Pambihira -- natutulog yung tao eh!" sabi ko sa sarili ko habang dahan-dahan
kong minulat ang mga mata ko. Pagmulat ko isang nerd frogy (bading po kasi)
ang nasa harapan ko. Nag-aapoy ang aura nya na parang sugo na sya ni satanas.
Naglabasan na rin po mga kulubot nya sa mukha na parang nagputukan na ang mga
tumor nya. Nakapamewang sya habang nakatingin sya ng masama sa akin na parang
lalapain na nya ako.
"BAKIT KA NATUTULOG SA KLASE! AT NAGDALA KAPA TALAGA NG UNAN!"
sigaw nya sabay hampas ng paper fan sa ulo ko. Yung paper fan po na madalas
ipamalo ng mga teacher sa mga pasaway na student sa mga anime series.
"Eh hindi po kasi ako comportable pag walang unan." pangangatwiran ko
habang hinihimas ko ang ulo ko.
"ANAK NG --- GINAWA MO PANG BED TIME ANG KLASE KO!" sigaw nya uli sabay hampas.
Ayos ah nakakadalawa na tong frogy na to ah.
"HOY! HINDI PORKET MC (Magna Cumlaude) KA! GAGANYAN KANA SA KLASE KO!
MAHIYA KA!" sigaw nya uli sabay hampas na naman. Potek! ipasalbage ko kaya 'to.
Anyway, linawin ko lang po since high school MC na po ako.
Kahit tignan nyo pa po yung year book ko nong high school nangunguna pa
po ang pangalang "MA. IRIZA KRIZEL DOLLENTE" Magna Cumlaude!
Siguro iniisip nyo na super sipag ko mag-aaral na palabasa ako ng mga makahallow
block sa kapal na libro yung tipong nakasalamin na sa sobrang pagbabasa. Pwes,
isa pong malaking NO! capslock at nakabold pa po ang font ng NO! as in total OPPOSITE
po ng lahat ng nabanggit ko. Ang totoo hate ko ang pagbabasa hindi rin po ako
masipag mag-aral lagi nga po akong natutulog sa lahat ng klase ko minsan nga
tulo laway pa ako kaya nga nagdala na po ako ng unan lagi po kasing bumabakad
yung desk ko sa pisngi ko pagnatutulog at nagigising nalang po ako pagtumunog
na ang bell which is uwian na o kaya break time. So panu ako naging MC eh
puro tulog lang alam ko. Wait, baka isipin nyo nagcheat ako sa mga exams ko..
yung tipong lahat ng sagot sinulat ko na sa katawan ko ano ako si Joaquin bordado.
Oy, hindi po ako ganon ah. kahit tulog pansitan ako inosente po ako.
Kahit nga mga teacher at classmate ko nagtataka nga rin eh kahit ilang
beses nila ipaulit ung exam at kahit sampung tao pa nakabantay perfect parin
exam ko. So panu nga ba nangyari. Basta wag kayong maingay huh..ang totoo wala
naman talagang daya sadyang iba lang talaga ang capacity ng utak ko.
Nasa 64gb po memory ng utak ko meaning madali po ako makaabsorb ng
mga bagay-bagay kahit isang tingin ko lang sa bawat page o sa mga nakasulat na
lecture sa blackboard eh memorize ko na at kahit natutulog ako lahat ng mga
naririnig kong discussion eh naaabsorb ko rin. Sabi nga nila ako daw ang new
generation ni Einstien.
"HOY! NAKIKINIG KABA SA'KIN!" inis na sigaw nya sabay hampas na naman ng
kanyang paper fan sa ulo ko. Pigilan nyo ko nakakailan na 'to.
"Eh ano bang pake mo!" seryoso kong sabi sa kanya na mukhang bibirahan na
naman ako ng sigaw.
"Bakit may ibubuga kana ba sa'kin?" sabi ko uli habang nakangiwing nakatingi sa
kanya na parang nang-aasar. Sobra na eh kung makasermon kala mo pinapabayaan
ko mga grades ko.
"Tutal! matatalino naman kayo...." inis nyang sabi habang kinukuha nya mga gamit
nya sabay talikod sa'min.
"....magself study nalang KAYO!!" sabay labas ng classroom na sya ring pagbubunyi
ng mga student dito.

BINABASA MO ANG
Etoile Maiden [On Hold]
Genç KurguNakaencounter na ba kayo ng isang girl group na lapitin ng gulo? Eh boy group kaya na feeling pogi na mukha namang dinosaur pero may fansclub naman? Eh pano pa kaya kung pagsamahin pa sila? Siguradong rumble 'toh. ^O^ Samahan natin sila sa walan...