Sa Music Room:
"I am tita----ni-----um-----------" last part ng lyrics in a high note and flat note? what the--
*Clap!* *Clap!* *Clap!*
"Ok guys break nga muna tayo."
"Ok Ma'am!"
Katatapos lang ng rehearsal namin kaya nagdiritso kagad ako kung saan
nakalagay ang bag ko. Siguro nagtataka kayo kung anung rehearsal toh?
Magpe-perform kasi kami sa Sport Fest this upcoming September. Ganon naman lagi eh.
Required kami laging magparticipate since hindi naman kami kagalingan sa sport.
Oo nga pala, member ako ng Golden Voice Choir ng campus kaya nga may parehear-rehears
pa akong nalalaman dhaba?
"A-Amelyn..s-sorry.." pag-a-apologize ng gurl na kapartner ko sa rehearsal kanina.
Gosh-- tinawag nya ba akong "AMELYN"? Kapal ah! feeling close. Bwisit,
ba't pa ba sya lumapit baka matampal ko toh ng di oras eh. Naha-hyblood na naman
ako.
"..kung nagflat na naman ako sa last part kanina." pagpapatuloy nya. Yeah right, ilang
beses na syang nagpa-flat sa last part ng song at ang nakakahyblood pa hindi nalang
nya sabihin na hindi nya kaya ng hindi kami paulit-ulit. Hindi ko parin sya inimik
kaya kinuha ko nalang ang lalagyan ko ng tubig para uminon.
"Amelyn pls pansinin mo naman ako oh." sabay hawak sa braso ko kaya napahinto
ako sa pag-inum ng tubig. Ewan ko pero bigla talagang nag-init ang ulo ko kasi
inopen pa nya yung kanina na talagang kinaiinis ko.
"You know what, kung hindi mo kaya JUST SAY IT. Hindi yung para tayong sirang
plaka dito. Always remember si AMELYN SANICO tong kapartner mo kaya ayusin mo."
sarcastic kong sabi ng tumigil na sya sa kakakulit sa 'kin. Isipin nyo ng mataray
ako pero sa practise lang naman ako ganito dahil hate ko talaga yung mga paulit-ulit.
Saka mabuti na rin yung sinabi ko para marealize nyang hindi pipitsugin tong kapartner
nya.
Nong nakaalis na sya medyo humupa narin ang init ng ulo ko kaya naman kinuha ko
na yung gamit ko para pumunta sa comfort room. Alam nyo na~ para makapagretouch
para naman hindi nakakahiya sa mga taong makakakita sa akin. Pagbukas ko ng pinto
tumambad kagad sa harapan ko ang mga nakakasilaw na bagay.
*click* *Click* *Click*
"Ms. Amelyn anong masasabi nyo sa nagna-number one nyong hit single?" tanong nong
babaeng reporter habang nakatapat yung mic nya sa akin na para bang naghihintay ng
sagot ko. Kainis bat ba hindi ko naisip na nandito pala sila sa labas ang tanga ko
talaga! Hindi kasi sila pinapasok ni Ma'am sa loob para daw makapagconcentrate
ako sa practice kaya lang nawala naman sa isip ko. -_- Alangan namang bumalik pa
ako sa loob nakakahiya naman sa mga fans ko baka nakalive pa ata ito.
"Totoo po ba ang mga napapabalitang kayo daw ang susunod na kakanta sa laban ni
Manny Pacquiao?" tanong uli ng isang reporter.
Ok para sa mga hindi parin makagets sa mga nangyayari. Pinagkakaguluhan po ako
ngayon ng mga reporters at napakaraming camera ang nakatutok sa akin kulang nalang
mabulag na ako sa sobrang liwanag. So bat nga ba ako pinagkakaguluhan? Well, hindi
naman sa pagmamayabang pero isa po akong SIKAT NA SINGER! kaya dun sa mga hindi pa
nakakakilala sa akin itaga nyo na sa baga nyo ang pangalang AMELYN SANICO dahil
itong GOLDEN VOICE ko ang mag-aangat ng lahing pilipino.
Parang kailan lang isa lang akong hamak na amateur singer sa gilid-gild na kulang
nalang langawin na ako ng mga bangaw sa basurahan pero ngayon pinagkakaguluhan na
nila ako. Ikaw ba naman lumampaso kila Mariah Carey, Britney Spear at Whitney Houston
tignan ko lang kung hindi ka maging sikat. Nakipagshowdown kasi ako sa kanila nong
nagguesting ako sa show ni Oppra. Nadiscover kasi ako ni Oppra sa Youtube kaya
ayun in-invite nya ako sa show nya eh sakto namang nagguesting din pala dun sila
Mariah Carey kayo ayun nagrequest ako ng showdown. Malay ko bang mangingibabaw ang
boses ko kekesa sa kanila. Hahaha After nang makasaysayang showdown na yung pagkauwi
ko sa pinas hindi magkamayaw ang mga offer sa akin yung iba nga di ko na napagbigyan
alam nyo na hectic na eh.
"Ms. Amelyn, how does it feel na mas pinili kayo ni Manny Pacquiao kekesa kay Charise?"
Nabalik lang ako sa reality nong tinanong ako ng lalaking reporter. Anak ng--ang
dami naman nilang tanong ni isa wala pa akong nasasagot.
"Ms. Amelyn sumagot naman po kayo." Putek! ayan na nagrereklamo na sila. Naku! bahala
na nga si Batman.
"Oh well, Im so flattered na ako ang pinili ni Manny na kumanta sa next fight nya
kaso pinag-iisipan ko pa kung tatanggapin ko. Medyo hectic kasi ang sched ko.
Alam nyo na may guesting pa uli ako kay Oppra sa araw na yun."
"How about Charise? Balita namin nagkaroon daw kayo ng away dahil sa hindi pagpili
sa kanya?" echoserang reporter to gagawan pa ata ako ng issue.
"Oh about Charise? Were friends! actually sabay nga kami magpaparebond ng hair kay
Ricky Reyes eh." Opps wag kayong maniwala huh echoz ko lang yun sa kanila para hindi
ako mahot issue sa THE BUZZ at SHOWBIZ CENTRAL mahirap na.
"Excuse me guyz! I have to go." pagpapaalam ko sa kanila. Bago pa sila makapagsalita
kumaripas na talaga ako ng takbo kaya lang hinabol parin nila ako. Grabe ang hirap
talaga maging isang SIKAT! Ang hirap takasan ang mga paparazzi na to pero mabuti
nalang at natakasan ko naman sila.
BINABASA MO ANG
Etoile Maiden [On Hold]
Teen FictionNakaencounter na ba kayo ng isang girl group na lapitin ng gulo? Eh boy group kaya na feeling pogi na mukha namang dinosaur pero may fansclub naman? Eh pano pa kaya kung pagsamahin pa sila? Siguradong rumble 'toh. ^O^ Samahan natin sila sa walan...
![Etoile Maiden [On Hold]](https://img.wattpad.com/cover/9819559-64-k213598.jpg)