EM 08 - Savior

38 2 0
                                    

(A/N:  OMG! Wala na talagang tulugan ‘toh!!!!! Kailangang samantalahin ang paggana ng utak ko. Nyahahahahaha… Enjoy! ^_^)

Sa loob lamang ng isang gabi nasaksihan naming lahat ang mga bagay na kahit sa totoong

buhay ay hindi namin aakalaing mangyayari. Bagay na sa mga pelikula lamang makakikita

pero ngayon nangyayari na sa harapan namin. Matapos magkabitak-bitak ang katawang lupa

ni Kuya Fred, isang impakto ang tumambad sa harapan namin na mukha pa yatang galing sa

kaibuturan ng dagat. Meron kasi syang malalaking palikpik na pula na nakapalibot na

parang abaniko sa likuran ng ulo nya. Sa magkabilang pisngi naman nya ay may mga nakadikit

na maliliit na pangil ata ng dinasaur at punong-puno ng kulubot ang mukha nya.

Maiitim din ang kanyang labi at kung makatingin ay parang gusto na nya kaming kainin.

"Ngayon~ sinong gustong unang mamatay!!!" sabay dahan-dahang lumapit sa amin ang

Impakto habang kami naman ay napapaatras na sa sobrang takot.

"SILA!!" sabay tulak ng mga club president sa grupo nila Jeff dun sa harapan ng impakto.

"TEKA! BA'T KAMI!!" pagrereklamo ng tatlo na halos manigas na sa sorabng takot.

"Dahil kayo lang naman ang LALAKI dito. Kaya kayo dapat ang unang ialay!"

pagpapaliwanag ni May Ann. Speaking of LALAKI, sila nga lang ang kaschoolmate naming

guy dito except kila kuya fred na naging impakto na at kay manong driver na nahimlay

na sa kinauupuan nya sa sobrang takot.

"ANONG LALAKI! MGA BADING KAMI NOH~!”  pangangatwiran ng tatlo kay May Ann.

Pesteng mga lalaki toh! imbis na sila ang pumuprotekta sa 'min sa mga ganitong sitwasyon.

Mukhang mas gusto pa ata nilang magtago sa mga saya namin eh.

"Kayo-- nagagawa nyo pang-umarte.."  +_+   sabay tingin ng masama sa kanila. Feeling ko

para na akong si Vegeta na nagsuper saiyan sa sobrang inis ko sa mga kumag na to.

"INA'Y KO POH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"  sa sobrang takot unti-unti silang napaatras palapit sa impakto.

"...ini-IMPAKTO na nga TAYO DITO!!!" sabay suntok ko sa mga pesteng lalaki sa harapan ko.

Kaya lang nakailag ang mga mokong kaya ang nasuntok ko..O_O

Opo tama po ang nasa isip nyo. Nasuntok ko nga ang impakto at tumalsik ito. Kasabay

ng pagtalsik ng impakto ang sya ring pagbukas ng pinto ng bus dahilan para lumanding

ito sa labas. Pagkabagsak ng impakto biglang nagsara ang pinto ng bus.

"Magaling Idol!" (^_^)V napatingin nalang ako kay Donya na nakapwesto malapit sa pinto.

Nakapeace sign sya na para bang natutuwa sa nagawa ko? T-teka~ a-ano bang- nagawa ko..

"WOW! ANG GALING TALAGA NI IDOL!" pagbubunyi ni Legend sa bagay na hanggang ngayon

pilit ko paring inaalala.

"Ano bang magaling don? Chamba lang yon!" pangongontra ni May Ann kay Legend.

Oh Sh*t! Hindi toh totoo--- I can't believe it!!!! Du-dumapo ang kamao ko sa impaktong

Etoile Maiden [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon