"Grabe ang ganda nya talaga." *_* sabi nya habang tinutulak nya yung nasa harapan nya.
"Oo nga! hindi talaga ako nagkamali ng piniling course." *_*
"Ms. Margaret mahal ko." >_< sigaw nong isang guy.
"Ms. Margaret pansinin mo naman ako pls." >_<
"Ms. Margaret!!!" sigaw uli ng isang guy.
Pagsusumamo ng mga boys sa likod ko habang nagbabasa ako ng Chemistry book.
Kahit masyado na silang maingay hindi ko sila kayang sigawan o batuhin
ng kung anu-ano masisisi ko ba sila kung masyado sila nagagandahan sakin.
Opo lahat sila nagkakarandarapa po sakin. Hindi naman sa pagmamayabang
pero mas maganda pa po ako sa inyo (no hard feelings huh). Sino ba naman ang
hindi nakakakilala kay Ms. MARGARET CALUGAS ang campus crush ng lahat
especially dito sa Nursing department. Golden hair, blue eyes, kissable lips,
perfect shape of body, smooth skin (kutis artista) and beautiful face.
Grabe nung nagsabog ata ng kagandahan sakin bumagsak eh wala ng natira
para sa mga classmate ko dito.
"Shhh..." pagpapatahimik ko sa kanila in a sexy way.
"Hindi ako makapagconcentrate sa binabasa ko so behave lang kayo dyan ok?"
pagsasaway ko sa kanila in a soft voice sabay kindat.
"Ok" sagot nila sabay upo naparang mga aso.
See. Napasunod ko sila using my charm. Hahaha ganyan ako kaganda.
Hindi lang basta ganda ang hawak ko. Hawak ko rin po ang title ng Ms. Earth 2008.
Opo pambato po ang beauty ko. Model din po ako ng bench at ng mga sikat na
product dito sa Pilipinas. And speaking of Boyfriend, syempre meron! maganda eh
at hindi kung sino-sinong cheap ang pinapatulan ko mga bigatin po.
At sa maniwala po kayo o hindi meron po akong (7) seven BF in one month. Every day
iba-iba po ang BF ko bale kung ikaw BF ko sa weekdays four days lang po tayo mag-on
at kung natapat ka sa weekend sorry nalang pero 3 days lang po tayo. ^^
Siguro kung tatanungin nyo po ako kung ilang days ang pinakamaikling nakarelationship
ko. Siguro wala pa pong days, mga 30 mins. lang po siguro ang pinakamaikli bale
four days na po ang pinakamatagal ko namang relationship. So sa isang taon
nakaka84 BF ata ako. Grabe pwede na ata akong maitala nito sa
Guiness Book of World Record. hahaha pero estimate ko lang naman yun sensya na
mahina sa math eh. Well, sabihin nyo na akong player na kung player ayoko namang
sayangin ang ganda ko sa isang lalaki lang. Mas marami mas maganda.
Saka hindi ko naman lahat sila siniseryoso eh. Pero kahit ganon masaya na
sila as long as kasama nila ako at nabigyan sila ng chance na maging BF ko. San kapa.
Kung may Cassanova Prince ako naman ang Cassanova Queen ditto.
BINABASA MO ANG
Etoile Maiden [On Hold]
Fiksi RemajaNakaencounter na ba kayo ng isang girl group na lapitin ng gulo? Eh boy group kaya na feeling pogi na mukha namang dinosaur pero may fansclub naman? Eh pano pa kaya kung pagsamahin pa sila? Siguradong rumble 'toh. ^O^ Samahan natin sila sa walan...
![Etoile Maiden [On Hold]](https://img.wattpad.com/cover/9819559-64-k213598.jpg)