Four Dads and A Mom
Prologue
Sa mga magkakaibigan, hindi maiiwasan na may mabuong magandang pagtitinginan na hahantong sa pag-iibigan.
Hindi rin maiiwasan ang problema na susubok sa tibay nang inyong samahan.
Kung magpapaapekto kayo, tatalunin kayo ng kapalaran ...
Ngunit paano nga ba kung sa loob ng inyong grupo ay may magmahalan ...
At may mabuong di inaasahan?
Paano kung hindi ito kayang panagutan ng inyong mga kaibigan?
Paano kung hindi ito kayang ipaglaban?
Ano ang gagawin ninyo?
Tutulong ba kayo sa kanilang problema?
O iiwanan ninyo din sila ng basta basta katulad ng pagtalikod nila?
Paano kung humingi sila nang tulong sa inyo?
Handa ba kayong tanggapin ang responsibilidad na dapat sila ang gumampan?
_
Handa ba kayong maging ina at ama sa batang iiwan sa inyo nang inyong kaibigan?
Kung Oo, handa ka bang maging INA ng isang batang magkakaroon din nang APAT na AMA?
Paano ninyo pakikitunguhan ang isa't isa?
Paano kung ang nag-iisang INA ay mahalin pare pareho ng APAT na AMA?
Ano kaya ang mangyayari sa buhay nila?
Tingin ninyo? Is it worth it to have "Four Dads and A Mom" ?