Chapter 4 - This is it >.<
Matagal tagal din kaming nakipag-usap kay Ziyan, ibinilin na niya lahat ng dapat ibilin. Naikwento na rin niya sa amin ang iba pang mga nangyari sa kanila ni Sunyoung nung mga panahong hindi sila nagpaparamdam sa amin. Based din sa mga narinig ko mula sa kanya, hindi ko akalain na magiging ganun kaseryoso si Ziyan sa buhay niya. Sa aming 9, siya ang pinaka wreckless, kung iisipin ninyo si Kairan ang wreckless mali kayo dun, manyak lang po talaga siya. >.<
Si Ziyan napakabarumbado niya kaya nga nagtataka rin ako kung paano siya nagustuhan ni Jinri noon, eh super lagi sila nag-aaway niyan before. Kung baga the more you hate the more you love ang peg nila. Pero sa Ziyan na nakita ko kanina, nagbago na talaga siya. Nagmature na rin ang itsura niya. Sa tono ng mga pananalita niya, mararamdaman mo yung urge niya na mafulfill lahat ng responsibilities niya.
-
Sa ngayon, pauwi na kami sa E9C, nandito ako sa sasakyan ni Luwii. Syempre karga ko pa rin ang magandang si baby Suzi na kasalukuyan ay tulog na tulog. Yiee! One big happy family ang datingan namin dba? Sana totoo nalang ito. Eme. Pero ewan ko ba, hindi ko naman kasi maramdaman na kahit katiting eh gusto ako ni Luwiiloves ko :( ngunit ganun pa man, siya pa rin ang ultimate crush ko. :")
-
"Krystal ..." -Luwii
"Yes?" -ako
"Tingin mo ba magiging effective tayong magulang kay Baby Suzi?" -Luwii
"Hmmmm, tingin ko naman Oo. 'wag lang talaga natin siya msyado ilalapit kay Kairan. Baka baby pa lang mahawa na ng pagka-pervy eh." -ako
"Hahahahahahaha!" -Luwii
ANONG NAKAKATAWA SA SINABI KO? -___-
"Luwii, anong nakakatawa sa sinabi ko?" -ako
"Kasi naman, feeling ko tuloy you like Kairan..." -Luwii
LIKE DUH? Bakit naman niya naisip na gusto ko si Kairan?! Sandali kaming natahimik sa loob ng kotse.. Luminga nalang ako sa daan.. maya maya lang nagsalita na ulit si Luwii.
"Paano ba naman kasi, all of a sudden naisisingit mo siya sa topic.. nakakaselos na Krystal ah ..." -Luwi
TAMA BA YUNG NADINIG KO? NAGSESELOS DAW SIYA?! Waaaaaaaaaaaaa! =))
"Huh? Nagseselos ka?!" -may halong tone ng saya yung sagot ko sa kanya.
"Hahahahahaha! Syempre joke lang yun. Ikaw naman, bakit gusto mo ba ako magselos?" -natatawang tanong ni Luwii sa akin.
"Huh? Ah.... Eh..... hmmmm..." -wala kasi akong masabi. Waaaaaaaaaa! Kill me now!
"Oh natatahimik ka dyan.. baka totohanin mo ah? Nagjojoke lang ako. Hehehehe..." -Luwii
"Ah. Hehe. Hindi ah.." -Ako
SABI NA EH. >.< Joke na naman. Pero sana totoo nalang. Mabuti hindi ako sumagot sa tanong niya kundi pahiya lola ninyo. :-/
-
Tuluyan na kaming natahimik dalawa sa loob ng kotse. At sa wakas nakarating na rin kami sa parking. Agad ko naman nakita si Joon na pababa ng sasakyan niya. Mag-isa lang siya. Ah! So kay Kairan pala sumabay si Sed. Bumaba na nang kotse si Luwi at pinagbuksan kami ni Baby Suzi. Odba paanong hindi ako maiinlove sa kanya? Sweet na gentleman pa. =))
-
"Soo!" kumakaway na tawag ni Joon sa akin.
"Yow!" ngiti ko naman sa kanya. Agad siyang lumapit sa akin at kinuha si Baby Suzi..