Chapter 7 - Krystal and Sedrix Part 2

126 14 2
                                    

Chapter 7 - Krystal and Sedrix, Part 2.

Naserve na yung foods sa amin.. pero parang nawalan na ako nang gana kumain. 

"Krystal, gusto mo ba mag-open up sa akin muna before we eat?" -Sed 

"Huh?" -seriously hindi ko naintindihan yung sinabi ni Sed. 

"Sabi ko, usap muna tayo before we eat. Kakasabi ko lang diba? Bffs na tayo remember?" -Sed 

"Ah... Kasi Sed..." -Ako 

"So si Luwii pala ang nagpapatibok nang puso mo?" -Sed 

"Unfortunately, Oo." -Ako 

"Kelan pa?" -Sed 

"Since nung highschool tayo... Remember the day na nasalo niya ako nung nasa play kami nila Joonmy? Yung angel ako? Tapos naputol yung tali ko, tas bumagsak ako at nawalan ng malay? Si Luwii ang nandun for me... Siguro dun nag-start yun..." -Ako 

"Then..." -Sed 

"Totoo lang crush ko lang naman talaga siya, pero habang nagiging sweet siya sa akin, habang nagpapaka gentleman siya sa akin, pakiramdam ko naiinlove na ako sa kanya. Para sa akin siya ang savior ko." -Ako 

"Tuloy lang Krystal..." -Sed 

"Ayoko naman sabihin sa kanya. Kasi ilang beses na rin kami umabot sa point na halos masabi ko nang I like him, pero it turns out na joke lang palagi yung pagsisimula niya sa topic nay un. Totoo lang Sed, naiiyak na ako kanina pa nung makita ko siya with that girl." -Ako 

"Sabi na nga ba Krystal eh, noon pa man si Luwii ang gusto mo sa barkada." -Sed 

"Oo, pero wag ka mag-alala wala naman akong balak paabutin 'tong nararamdaman ko sa malayo eh... Kuntento na ako na close kami at mabait siya sa akin. Natatakot ako masaktan Sed eh. Natatakot akong mareject." -Ako 

Pero naiyak na talaga ako. Hindi ko alam bakit ganito ako ngayon. Siguro nga nagseselos ako dun sa kasamang girl ni Luwii. Kasi alam ko never kaming aabot dalawa sa ganung stage na nakita ko between the two of them.

Nakakainggit sobra. Pero ayokong magulo pa ang barkada. Lima na nga lang kami, sisirain ko pa ba? Paano nalang kapag inamin ko na kay Luwi na I Like him then he responded na he doesn't feel the same? Ang sakit nun dba? 

Tapos ano magkakailangan kaming dalawa? Ngayon ko pa ba gugustuhing mangyari yun? Ngayong may responsibility kaming lima kay Baby Suzi. 

HELL NO OF COURSE!  

"'Wag ka mag-alala Sed, magiging okay naman ako agad eh." -Ako 

"Pero what if Krystal gusto ka rin ni Luwii?" -Sed 

"Imposible yun Sed. Sure ako dun." -Ako 

"Hindi natin yun masasabi Krystal. Magulat ka na lang dyan bigla, may gusto na rin pala sa'yo si Luwii or kaya si Joonmy or mas malala matakot ka kapag si Kairan nagkagusto sa'yo. Hahahahaha!" -Sed 

"Alam mo sabagay Sed, nakakatakot nga kung si Kairan magkakagusto sa akin.." -Ako 

"Oo dadaanin ka nun sa dahas, para magkagusto ka rin pabalik sa kanya. Hahahahaha!" -Sed 

"Loko ka Sed ah! Sumbong kita kay Kairan mamaya eh... Pero thank you ah! Highly appreciated ko ang lahat. Tara kain na tayo..." -Ako 

"Haha! Wag naman. Walang anuman. Sige tas mag-ikot na ulit tayo after kumain." -Sed 

I responded a smile... Mabuti na lang talaga andito si Sedrix! ^^ 

--- 

Pagkatapos naming mamili, umuwi na kami. To our surprise, nakabalik na agad si Kairan at Joonmy sa condo tas nilalaro na nila si Baby Suzi. 

"Oh? Ang aga ninyo ah? 5pm pa lang ah?" -Ako 

"May binili akong toys for Suzi eh. Excited ako umuwi." -Harungas na sagot ng harungas na si Kairan. Kakainis talaga 'toh! ~.~ 

"Ako din kasi Soo, may binili ako for Suzi.." -malumanay na sagot naman ni Joon. 

"Ahhh! Kami din namili for Suzi!" -sabay itinaas ni Sed yung mga paperbags nang dala naming ^^ 

-- 

"Oh?! Andyan na pala kayo.. Halina at naghanda ng makakain si Yaya Tess ^^, si Yaya muna bahala kay Suzi." -Ate Selene 

Nagpunta naman agad kami sa dinning area... 

Nagkwentuhan na rin kami ng mga nangyari sa amin buong maghapon, nagsuggest din si ate Selene na pansamantala, every noon hanggang hapon ida-drop niya ditto si Yaya Tess tas susunduin niya before evening pagkagaling niya sa work para kahit paano makatulong sa aming lima. 

Napakasaya nang kwentuhan namin ng dumating si Luwii. 

Biglang napatingin si Sedrix sa akin... 

"Ate Selene! Andito ka pala! Yaya Tess! Hello po!" -Luwii 

"Oh Luwii, lalong gumagwapo ah! Inspired ba?" -Ate Selene 

"Nako ate Sel, inlababo yang si Gago. Ano nga ulit name nung lagi mong kasama maglunch? Si Erie? Tama ba?" -Sabi ni Kairan. 

So Erie pala ang name nung kasama ni Luwii kanina. 

"Shut up Kairan.." -sagot naman ni Luwii 

"Ikaw Luwii madaya ka ah, hindi mo pinapakilala sa amin si Erie? Tama ba?" -Joon 

"Wehhhhh? Eh bakit ikaw Joonmy kalian mo ipapakilala si Angel sa amin?" -sagot naman ni Luwi kay Joon 

ANGEL .. shet naalalala ko na naman yung nangyari kaninang madaling araw.. 

"Sus! Angel ka dyan, ikaw Kairan si Shane kalian mo ipapakilala sa amin..." -dagdag pa ni Joonmy 

"Luh? Si Shane? Dine date ko lang yun wala nang iba pa. hanggang dun lang yun. Ikaw Sedrix?" -Kairan 

"Ako? Solid Krystal Soo lang ako.." -sagot ni Sedrix sa kanila. Haha! Natawa naman ako kasi ang sama na naman ng tingin nung tatlo kay Sed. 

"Hay naku, mag-asawa na nga kayong apat, para magkaroon nang dagdag na apat na nanay si Suzi.." -pagbibiro ko sa kanila. Pero natahimik silang apat. 

"Oh bakit? Natahimik kayo?" -Ako 

"Eh ikaw Krystal? Wala ka bang boyfriend? Or kahit nagugustuhan man lang?" -tanong ni ate Selene sa akin. 

"Wala po ate eh. Pero meron po akong nagugustuhan. Pero hindi nga lang po ako gusto. Hehehehehe. Kairan tara na mag-ayos. Punta na tayong restobar^^. Sige po ah, ayos lang ako... may work pa eh" -pagpapaalam ko sa kanila.

Ayoko na ma-prolong pa na makasama si Luwii for now. It hurts you know ^^

Four Dad And One MomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon