Chapter 8 - I LIKE YOU
Pagkatapos nung eksena nayun, nag-ayos na nga kami at pumunta na kami ni Kairan sa restobar. Wala naming bago dun. 3am na kami nakauwi ni Kairan, marami pa kasi kaming tinapos na inventory. At pagdating namin ni Kairan sa condo, naabutan naming tulog na sa sofas si Sedrix at Joonmy. Habang si Luwii naglalaptop.
"Oh tol? Bakit gising ka pa?" -Kairan
"Ahhh...wala inantay ko lang kayo umuwi matutulog na rin ako." -Luwii
"Wow tol nakakatouch naman inantay mo pa kami." -Kairan
Loko si Kairan nagboses bading. Hahahaha =)) nilapitan ko at chineck si Suzi,ang gandang bata talaga niya. Parang angel ... Angel ... Napatingin ako kay Joonmy. Magsimula nung madaling araw, lagi ko nang iniisip kung sino si Angel. Kung tutuusin close naman kami ni Joon eh. Pero bakit parang ni minsan hindi niya naikwento sa akin o sa amin si Angel.
Pagkatapos nun pumasok na ako sa loob ng kwarto.
Nag-ayos na ako ng sarili ko at nagprepare para matulog. Medyo natagalan ako sa banyo pero nagulat ako paglabas ko dahil nakita ko si Luwii na nakahiga sa kama ko.
"Oyy panget alis dyan!" -Ako
"Watda? Sinong panget?!" -Angas na tanong ni Luwi sa akin.
"Tssss. May iba pa bang nandito bukod sa ating dalawa?!" -pa-angas na tanong ko rin sa kanya habang nagsusuklay.
"Oo yung multo sa likod mo.." -Luwi
"YAHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" -Ako po yan sumigaw -_- tumakbo ako papunta sa kanya. Tae kasi. Ayoko pa naman sa lahat ay mga multo at dugo. Wthell.
Pag-angat ko nang ulo ko ... nagkatinginan kami ...>.< ano lagi na lang ganito? Awkward kailangan palagi kapag eksena naming dalawa ni Luwii. -_-
"Ah... eh...ikaw kasi eh..." -pagsasalita ko habang nakatingin sa mga mata nya
Dahan dahan na akong umupo nang maayos at muli nang nagsuklay.
*silence...krooo. Kroooo. Krooooo.*
"Krystal ..." -Luwi
"Yo wazzup?" -nakatalikod na sagot ko sa kanya..
"I .. I saw you with Sedrix kanina sa mall.." -Luwi
OMG! O.o ano daw?!
"Ah... eh.... What about it? Ano naman kung nakita mo kami?" -Ako
"I saw your expression nung makita mo kami nung kasama ko... I just wanna ask if ..." -Luwi
"If what?" -Ako
"If ... you're jealous?" -Luwi
Ano bang dapat kong isagot sa kanya? >.<"
"Huh?! Adik ka ba Luwi? Bakit naman ako magseselos?!" -pagdedeny ko.
"Really? Kahit kaunti hindi?" -Luwi.
Habang nagtatanong siya palapit siya nang palapit sa akin. Errrr! Ano ba bakit ganito nararamdaman ko? Kinikilig ba ako or what? -_-
"Hindi talaga swear..." -ako
"Ah... mabuti naman. Akala ko kasi nagseselos ka sa girlfriend ko eh." -Luwi
WTHECK. GIRL FRIEND?!
"GIRLFRIEND?!!!!" -Malakas na tanong ko sa kanya. Waaaa! Krystal ano ka ba. Baka mahalata na ni Luwi na inlove ka sa kanya -_-
"Hahahaha! Yah! I thought you're not jealous? Bakit ganyan na naman reaction mo hah?" -Luwi
"Letse! Masama bang magulat?!" -asar na sagot ko sa kanya.
"Stop cursing nor saying bad words Krystal!" -pagsaway nya sa akin.
"Tsssss...paano nakakainis ka..." -ako
"Selos ka lang kasi eh. Ayaw pa aminin." -Luwi
"Luwii?! Bakit naman ako magseselos?!" -Ako
"Kasi may girlfriend na ako... and kasi gusto mo ako?" -luwi
NAKAKAINIS GUSTO KO SIYANG BANGASAN NGAYON. GUSTO KONG SIRAIN YUNG GWAPONG MUKHA NIYA! -_-
"Yah! You stupid creature! Kahit kalian hindi ako magseselos dun sa kasama mo! Una sa lahat mas maganda ako dun! Ampanget kaya nung kasama mo! Pangalawa pa dyan bakit ako magseselos?! Anong pakielam ko sa girlfriend mo? Kahit na gusto kita noon pa hindi ako ganun kababaw para magselos sa panget na katulad nun!!!!!" -bwisit na sagot ko kay Luwii.
Sabay irap! Ano ka ngayon! Nakakainis kasi eh...pagtingin ko ulit sa kanya, nakangiti si Loko...
"Oh anong nginingiti ngiti mo dyan?! Kala mo gwapo ka?" -ako
"Hahahaha... Halika nga dito..." -sabay hinatak niya ako at ...
"Lu...lu... luwi..." -paano ba naman kasi niyakap niya ako...
"I was just testing you... kung ano magiging reaction mo...hahaha! I didn't know na maririnig ko mula sa'yo na you like me noon pa.." -Luwii
ANO DAW?! MAY SINABI BA AKONG GU.. GU...GUSTO... KO SIYA?
*Flashback sa utak ni Krystal*
"Yah! You stupid creature! Kahit kalian hindi ako magseselos dun sa kasama mo! Una sa lahat mas maganda ako dun! Ampanget kaya nung kasama mo! Pangalawa pa dyan bakit ako magseselos?! Anong pakielam ko sa girlfriend mo? Kahit na gusto kita noon pa hindi ako ganun kababaw para magselos sa panget na katulad nun!!!!!"
*Balik sa katinuan na Krystal*
AY BOBO >.<
"Walang bawian ah?" -Luwii
"Nang ano?" -shit. Kunware hindi ko na lang alam.. >.<"
Medyo lumayo si Luwii tsaka niya ako tinignan pero halos yakap niya pa rin ako. Gets ninyo ba? Kung hindi, bahala kayo... hahaha! Basta gusto ko itong ganitong feeling.. yakap ako ng loves ko =)))))))))))))))
"Na.. you like me.. kasi.. me... I.. Iike you more...." -sabi ni Luwi then he smiled at me.
Natulala ako sa sinabi niya. Napa-smile na nga lang ata ako habang natutulala. Hindi ko akalaing maririnig kong sasabihin ni Luwii yun sa akin.
Pakiramdam ko ang saya saya ko ngayon...
"You... you like me?" -Ako
"Yeah... sobra..." -Luwii
Pagkasagot nya, niyakap niya ulit ako =)) Pero by this time.. niyakap ko na siya pabalik.
Ang sarap naman ng ganito.. yung yakap mo yung taong gusto mo... yung taong dati mo pa pinapangarap..
Minsan yung pagiging careless ko, may kinapupuntahan din pa lang maganda...
Ganun lang kami ni Luwii ng ilang minuto.. walang pagkangawit akong nafeel. Masaya ako eh! Super =))