Chapter 10 - Problema mo?!

138 13 3
                                    

Chapter 10 – Problema mo?!

Nagpalit muna ako ng damit tapos pumasok agad ako sa kwarto ni Baby Suzi naabutan ko dun si Sed.

“Annyeong bestfriend!” sabi ko sa kanya.

“Annyeong din bestfriend! Haha!” sagot naman sa akin ni Sed.

“Taray nagKoKorean na tayo ngayon!” –ako

“Hahaha! Nahawa ka na ba kay Kairan at Joonmy?” banat naman ni Sed.

“Loko ka talaga!” sabi ko naman sa kanya.

“Oh kamusta date ninyo kanina?”

Bigla naman akong napangiti ng malapad sa kanya. Naalala ko kasi na ikukuwento ko nga pala kay Sed yung nangyari kanina.

“Ahm… Sed wala pa naman sila Kairan at Joonmy di ba?”

“Oo si Luwii rin wala pa naman di ba pagkarating ninyo kanina sumabay ulit ng alis kay Yaya Tess?”

“Ah oo. Hindi siya ngayon matutulog dito sa E9C, dun sa mga Mommy niya. So dahil wala payung dalawa, magkukwento na ako.”

“Osige game.” –Sed

Habang dumedede sa bote si baby Suzi sinimulan ko na magkwento…

“Ahm, Sed, kami na ni Luwii..” then nakangiti kong pinakita yung singsing kong suot sa kanya.

“ANO?! WOW! Ang bilis naman! Pero I’m happy for you! Hahaha! Parang nung isang araw lang ang pinaguusapan natin yung pag geget over mo sa kanya sabay ngayon, kayo na!” –Sed

“Kaya nga eh, alam mo ba matagal na rin pala niya akong gusto!” –ako

“Sabi ko sayo diba. Hindi ako nagkamali ung sinabi kong baka may gusto siya sa’yo di ba!” –Sed

“Kaya nga eh. Ang galing mo Sed.” –Ako

“Pero teka, Krystal hinay hinay lang ah. Hindi madaling mag alaga ng dalawang bata!” –Sed

“Gago ka Sedrix ah! Utak mo!” –ako

“HAHAHAHAHAHAHA! Hindi ka na mabiro bestfriend. Grabe ka naman! Haha!” –Sed

“Hahahahaha. Nakakatawa ka tumawa Sed walang mata!” –Ako

“Huweh iniiba usapan. Hahaha!” –Sed

“Che!” –Ako

“Pero take it seriously Krystal, ang bilis kasi ng mga pangyayari. Katulad nga ng sabi ko, nung isang araw namomroblema tayo about dyan sa puso mo, tapos ngayon kayo na. hindi naman nagmamadali niyan si Luwii ano?” –Sed

“Sed sinabi ko rin sa kanya yun. Bakit parang ang bilis. Ang sagot naman niya kasi nga daw hindi na daw mabilis yun kasi HS palang tayong magkakaibigan gusto na niya ako.” –ako

“Kelan nung highschool tayo?” –Sed

“Nung play daw namin nila Joonmy. Nung time din pala na nasalo nya ako, doon niya ako nagustuhan.” –Ako

“Seryoso?” –Sed

“Oo bakit?” – Ako

“Wala naman. Hehe. Ganun naman pala nangyari eh…” –Sed

“Kaya nga eh! Ang saya di ba? Hindi ko lubos akalain na mutual nararamdaman namin.” –Ako

“Pero basta Krystal, hinay hinay lang. wag muna tayong pakakasigurado. I mean, ang bilis kasi ng mga pangyayari eh. Parang may mali? Pero basta enjoyin mo lang, pero wag muna sobra sobra. Ayokong masaktan ka na naman eh. Sarap suntukin ng mukha ng iniiyakan mo eh. Haha!” sabi ni Sedrix sa akin. Ang sweet niya dba? Ang PSP boy, sweet pala.

Four Dad And One MomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon