Chapter 1 : Meet the characters =))
[Krystal Soo's POV]
"Jinri, ang tagal naman nila Kairan, isang oras pa tayong mag-aantay? Akala ko ba tapos na sila mag-exam?" pagtatanong ko kay Jin.
"Easy lang Soo, mabilis lang yun, mga 30 minutes lang daw. Nagtext na sa akin si Ziyan." -sagot naman sa akin ni Jinri.
"Nagugutom na kasi ako. Mauna na kaya tayo sa condo?" tanong ko ulit kay Jinri.
"Okay lang naman sa akin. Pero mas okay sa akin kung sabay sabay na lang tayo, mas safe kung kasabay natin sila Ziyan. Huwag ka muna magulo dyan Soo ah, magbabasa lang ako ne'tong librong bigay sa akin ni Ziyan." -sagot ulit ni Jinri.
Nakakapagtaka 'tong si Jinri, bukambibig si Ziyan. Hmmmm. Fishy ah. =))
Anyways, edi tumahimik na lang muna nga ako. AH! Alam ko na, magkukwento nalang muna ako sa inyo!
Hello sa inyong lahat!
Ako nga pala si Krystal Soo Clamonte! Krystal na lang or Soo ang itawag ninyo sa akin. Graduating student. At wala nang kinikilalang magulang. Wala na kasi sila. Matagal na silang nasa heaven. 14 years old pa lang ako nang maaksidente sila at bumangga ang kotse namin kung saan sila nakasakay. Galing sila sa company namin at papunta na sana sila nun sa birthday party ko. Pero hindi sila umabot sa party.
Kaya simula nun, tuwing birthday ko, wala akong ibang nararamdaman kung hindi ang sakit nang pagkawala nang mga magulang ko.
Kung maibabalik ko lang yung oras na yun, hihilingin ko na lang na sana hindi nalang kami naging mayaman. At sana nabuhay nalang ang mga magulang ko, na sana hindi na lang sila nanggaling sa company namin, na sana kasama ko pa sila ngayon.
Sobrang hirap lumaki ng walang nag-aalaga sa'yo. Kung hindi pa dahil sa Lolo at Lola ko, siguro nagpakamatay na ako. Simula noon sila na kasi nag-alaga sa akin.
Pero mabute na lang may mga kaibigan ako simula pagkabata pa lang na nariyan palagi at nakasuporta sa akin.
Sila Joon, Kai, Lu, Sed, Zi, Su, Jin at Chan. May grupo kami. At ito ay pinangalanang E9, or extravagant 9. Mula kasi kami sa mayayamang angkan. Hindi ko alam kung nasaktuhan lang ba, o sinadya? Pero isa lang ang sigurado ako, solid kaming siyam na magkakaibigan.
Sa barkada namin, 3 lang kaming babae. Ako, itong si Jinri at si Sunyoung. The rest? Like si Joonmy, Kairan, Luwi, Sedrix, Ziyan at Chander, they are all gays, GUYS I mean. =))
Si Jinri Ramirez o Jin, siya ang pinakakaclose ko sa barkada. Anak siya ni Tita Kayelyn at Makiree Ramirez, sikat din siya dito sa campus dahil anak siya nang actor at kumbaga siya ang bestfriend ko. Maganda siya at mahilig magbasa ng mga libro.
Si Sunyoung Galvez naman or Su, siya ang dancer nang grupo at crush ng boys. Maganda kasi siya at matured na mag-isip kaya siguro crush siya nang karamihan. Anak siya ni Tita Charity at Tito Jared Galvez.
Si Joonmy Kim naman or Joon, half Korean siya. Dancer, singer, actor. All around na ata siya. Gentleman pa! Anak naman siya ni Tita Mylene at Tito Joon Myun Kim. Magpinsan nga pala ang daddy nila ni Kairan Kim or Kai. Anak naman siya nila Tita Kaila at Tito Jong In Kim. Half Korean din si Kairan. Kaya siguro ang gwapo niya. Kaso nakakainis siya kasi lagi niya akong pinagtitripan. Tapos ang pervy pervy pa nang dating niya. Hindi katulad ng pinsan niyang si Joon, na super disiplinado at perfect leader nang dating. Si Kai napaka maloko. At sobrang chickboy. Magkaibang magkaiba silang magpinsan.
Next sa barkada kong ipapakilala ko ay si Luwii Chavez or Luwi. Sa barkada siya ang medyo crush ko. Hihi. 'Wag kayong maingay. Tahimik lang kasi siya at super manly. Ang gentleman sobra. Mas gentleman pa kay Joon. Kapag tintignan niya ako, para akong natutunaw. -_-
Next ay si Sedrix Cervantes or Sed, ang pinaka isip bata sa amin. Aba walang ginawa kundi maglaro ng PSP, Xbox at kung anu ano pa. Minsan niyaya pa nga ako magdance revo sa megamall. -_- gwapo pa naman sana kaso isip bata talaga siya. Sa pagkakaalam ko crush niya si Jinri eh. =))
Next sa barkada ay si Ziyan Hernandez or Zi, pinakamaangas siya sa barkada. Pero kagaya ni Kai, ang tinik din sa chix. At ramdam ko din na siya ang crush ni Jinri. Haha. Kawawa naman si Sed. -_-
At syempre last but not the least, si Chander Reyes or Chanchan or Chan. Super mabait yang si Chan. At tahimik lang din like Luwiloves . <3
SPEAKING OF LUWILOVES...
"Hello Soo, kanina pa ba kayo dito ni Jinri?" tanong niya sa akin.
"Ah oo, ang tagal ninyo nga eh. Teka bakit mag-isa ka lang? Asan na sila Joon? Si Sunyoung kasabay ninyo ba?" pag-uusisa ko sa kanya.
Pero pagkasabi ko nung name ni Sunyoung, napatungo siya bigla.
Errr -_- ang weird ah, bakit naman siya napatungo. OMG! 'Wag ninyong sabihin na gusto niya si Sunyoung? WAAAAAAAAAAAA! Laslas na Krystal! Saklap -_-
Pero di ako nagpahalata na apektado ako... Pero wait lang, bakit nga kaya? Ang OA tuloy nang dating ko... Hmmm...
"Ah eh - Jin, Soo tara na siguro sa condo. Pinasundo kasi nila kayong dalawa sa akin eh. Sabi nila Joon didiretso na sila sa condo." Sabi ni Luwi.
"Hah? Bakit? Asaan na ba sila Ziyan? Sabi nya sa'ken siya daw susundo sa amin ni Soo." Ayan na naman po si Jinri sa pagtatanong kay Ziyan. Kahit tuloy di nya aminin napapaghalataang crush niya si Ziyan -_-
"Kasi Jin alam ko mauuna na sila dun. Kanina pa sila nakalabas kaya tara na..." pagyaya ulit ni Luwi sa amin.
"Ah ganun ba... Okayy..." malungkot na sagot ni Jin kay Luwi. Disappointed si Baklang Jinri. Hm..
At napagdesisyunan na nga naming bumiyahe papunta sa condo. Oo nga pala nakalimutan kong sabihin na may pinag-isistayan kaming isang malaking condominium. At ang masaya dyan sarili naming perang 9 yung pinambili nun. Nagwork kami part time at nagmodel ang iba sa amin. Hanggang sa nakakumpleto na kami ng perang ipambabayad dun. Ayaw nilang gamitin ang pera nang mga magulang nila. Pero ako kumuha ako sa pera namin. Hello, sino pa ba ibang gagamit nun dba? -_-
Ayun dun kami naka-stay, at may sari sarili kaming kwarto dun. May business din ang barkada namin na coffee shop, restobar, dress shop at flowershop. Nakakaproud lang kasi masyadong mauutak at business minded ang mga kaibigan ko. Kaya alam kong hindi kami maghihirap na magkakaibigan eh. Haha. =))
*Habang nasa sasakyan*
Nasa likod si Jinri at pareho kaming nasa front seat ni Luwiloves.
"Jinri?" tawag ni Luwi.
"Yes?" sagot naman ni Jin.
"Ahmm... ano...ah... easy ka lang mamaya ha?... I mean.. nevermind..woohhh" sabay buntong hininga ni Luwi. Tinignan ko naman siya at halatang may problema siya.
Ano kaya yun? Hm...hindi rin umiimiksi Jinri. Anyare? Ansaveh? Anek? Anong meron? >.<
After 30 mintues nakarating na rin kami dito sa may parking. Pagkatapos ay umakyat na kami, pagbukas namin ng pinto.. Nakaupo silang lahat sa sofa at pareparehas na may seryosong mukha.
Tapos si Ziyan, hawak ang kamay ni Sunyoung... agad kong tinignan si Jinri at napansin kong may luhang namumuo sa kanyang mga mata...
Bumalik ang tingin ko sa mga nakaupo, at napansin kong si Sunyoung parang umiiyak?
OH GOD! ANO BANG MERON?