Entry#1

4 0 0
                                    

Dear Crush,

Nasa mall kami ni Bal kanina ang daming tao kasi may mall tour ang isang banda na sikat ngayon. Boy band siya. At talaga namang patok na patok sa kabataan. Syempre lalo na sa mga teenager na nasa stage na mapupusok kagaya ko, ni Bal, ni Steel, ni Zinc at ni Fire. Isama na din natin 'yung nasa ibang bansa na sina Xei at Xid.

Kaya tinanong ako ni Bal. Sabi niya,

"Maiba ako, wala ka bang crush, Coco?"

Nagulat ako syempre sa tinanong niya pero umiling ako. Tapos sabi ulit niya.

"Abnormal ka talaga Mafwend. Pero teka, ano ba ang ideal crush mo?"

Kaya naman napaisip ako.

Malaki na ako pero di ko naranasan magkacrush.

Kaya naman future crush, kung asan ka man. Pakita ka na. Kanina kasi nakita ko si Bal sinundo ni Zinc. At ayaw mang amin ng future mong prinsesa ay nainggit ako.

Sana may Zinc din ako. Kaya crush kung asan ka lumabas ka naman oh!

Love

Coco

DE: Book 2 Dear CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon