~Coco~

1 0 0
                                    

Coco

"What are you doing?"

Abot Mars na taas kilay kong tanong sa lalaki na nakaupo sa sofa namin.

"Ah..sitting?" Pilosopo niyang sagot. "Depende na lang kung may iba ka pang nakikitang ginagawa ko?"

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at pasaring na tumabi sa kaniya.

Hindi ko siya tiningnan nakatingin lang ako sa unahan. Iniisip ko kasi kung paano kami nauwi sa ganito. We hate each other a lot...noon.

Pero ngayon, hindi man kami ganun ka okay pero we're good. Nag-aasaran pa din kami pero alam mong in a way na na walang hate na kasama.

Parang nature na lang talaga namin at nakasanayan. Wala ng gantihan.

"How did we end up like this again?"

Wala sa hulog kong tanong.

"Uh? Maybe because I'm handsome?" Pinalo ko kaagad naman siya sa baraso. "Aray!"

"You wish!" Gatol ko. "Pero maybe because I'm gorgeous."

"Now that's what we call joking." Banta naman niya.

'Yan! 'Yan ang Sinasabi ko. From almost cursing each other turns to ganiyan. Biro biroan na lang.

Ewan ko ba after kong mahospital things changed. At change talaga ah!

Dati akala ko tubig at langis talaga pero parang ngayon hindi naman kasi ngayon mag kasama na kami. Things do really change nga naman. Nothing is permanent in this world ika nga kung hindi ang change.

"Tubig at langis."

Sabay kaming napatingin ni Fire kay Ate Mimi na may soot na earphones sa tenga.

"Oh!"

May hinagis siya sa amin at sakto naman na nasalo ni Fire.

"Bakit ka me ganito?"

Inagaw ko naman kaagad kay Fire ang hinagis ni Ate Mimi
Isa siyang Flyers ng isang beach resort. Dito lang siya around Laguna.

"Oo nga, saka bakit mo binigay kay Fire?" Takang tanong ko.

"Di ba Sembreak niyo na sa Friday?" Naguguluhan naman kaming tumango. "Then spend your sembreak their."

"Ano? Kaming dalawa lang? No way! Ayoko!" Agad na depensa ko.

Ano siya baliw? Naging good lang kami pero di kami best of friends para ipatapon nila sa lugar kasama si Fire. Hello! Maganda lang ako at hindi ako ganun kadaling makalimot.

Kaya naman tanda ko pa lahat ng kabulastugan na ginawa niya ano!

"Tss! Who told you na kayo lang dalawa? Ha?" Tanong ni Ate Mimi na may seryosong mukha. "Asan na? Papatayin ko?"

Napairap na lang naman ako! Sorry na! OA lang.

"As I was saying. Invite your friends. Sa amin dapat 'yan ng friends ko kaya lang hindi kami pwede. May biglang project."

Kwento ni Ate Mimi. Haaay, collage days nga naman. Di ko tuloy ma-imagine na kolehiyo na ako next year. Feeling ko tuloy magmakaka-wrinkles ako at mapapaaga ang pagtanda ko.

Pero dahil likas na akong maganda syempre hindi halata.

Iniwan na kami ni Ate Mimi sa Sala. Si Fire na tinitingnan ang Flyer at ako na wala lang.

"Alam mo Coconut! Why not?"

"Huh?" Naguguluhan kong tanong.

"Why not! Why not let's spend the sembreak together!"

DE: Book 2 Dear CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon