~Coco~

1 0 0
                                    

Coco

Dahil sa mga busy pa ang mga kasamahan ko tumambay muna ako sa shore para isagawa ang plano ko.

Umupo ako sa hindi maabot ng tubig at nanood lang sa pag alon ng dagat. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko pero ganito ang napapanood ko kapag nag-eemo ang bida.

Kaya naman ginagaya ko lang siya. For sure nandiyan lang sa likod o sa paligid si Crush at by now ay spotted na niya ako at ginagawa lang siya ng plano on how to approach me.

Alam niyo na intimidating ang ganda ng diyosa.

Pero after 45 minutes

"Haaay. Don't tell me wala pa din dito si Crush?"

Napasubsob na lang naman ako sa magkabilang tuhod ko.

I guess si crush di mahilig sa vacation o kaya naman sa beach.

"Emo?"

Napaangat naman ako ng ulo at napatingin sa nagsalita.

"Ikaw pala." Lumingon uli ako sa dagat. Magtatakip silim na. "Saan ka nanggaling?"

"Diyan lang sa tabi tabi. Anong ginagawa mo dito?"

Huminga ako ng malalim. Inintay ko si crush na lapitan ako. Sarap sabihin ganun kaya lang wala nama-- teka!

"Takip silim na di ba?" Nalilito naman siyang tumango dahil sa naghihisterical kong tono. "Shemay! This is the perfect timing!"

"Huh? Timing para saan?" Marahas kong ipinaling ang ulo sa kaniya at nagsimula ng itaboy siya. "Teka! A-Ano bang ginagawa mo? Bakit mo ako tinataboy?"

Tinaboy ko pa din siya. "Basta wag ka na magtanong." Itinulak ko pa din siya kaya lang mas mabigat siya kaya wa epek. "Haaaaay."

Nang mapagod ako ay tumigil na ako. Wala din naman palang epekto sa kaniya. Ano ba siya tuod at di man lang naipod sa pagkakaupo.

"Oh? Pagod ka na? Bakit ba kasi?"

Bahala na nga, mukhang wala naman dito si crush. Next time na lang siguro for sure nandun na siya. Di ba? Di ba?

Itinuon ko uli ang paningin ko sa palubog na araw. Hindi ako umimik. Hindi naman ako galit sadyang nag-iisip lang.

"Alam mo ba kung ano ito?"

Tumingin ako sa tinutukoy niya. Ipinakita niya ang kamay niya na magkakatapat ang bawat daliri at habang sumasara ng hindi sagad at bumubukas.

"Eh? Hindi. Ano ba iyan?"

Bago siya sumagot ay ngumiti muna siya kaya naman na curious ako. Ano nga kaya 'yun?

"Edi ano pa? Gagambang nagpupush up sa harapan ng salamin! Ha haha haha haha haha---" huminto siya sa pagtawa. "Bakit ganiyan ang itsura mo? Di ka ba natawa?"

Hindi ko iniba ang itsura ko. Pinaningkitan ko pa din siya ng mata. Ano ba ang nakakatawa sa sinabi niya? Hindi ko tuloy matukoy kung ako ba ang walang sense of humor o sadyang corny ang jokes niya.

Nang wala siyang makuhang sagot ay umimik na siya.

"Okay sige, sige. May isa pa ako. Dito Tatawa na ikaw sigurado." Sabi niya. "Noong unang panahon. May maboyfriend girlfriend na pusit." Kwento niya. Napatitig naman ako sa mukha niya habang nagkukwento.

"Napagdesisyonan ng dalawang pusit namagpakasal kaya nagpunta sila sa simbahan." Patuloy niya.

Ako naman ay nakatitig pa din sa kaniya. May maliit pala siyang nunal sa may natatakpan niyang noo. Sobrang liit lang.

DE: Book 2 Dear CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon