P.S

0 0 1
                                    

P.S

Sorry Crush!!

Waaaaaaah!! Sorry talaga.

Hindi ko talaga kaya eh.

I CAN'T!!

HINDI KO MAGAWA.

I hope hindi ka sa akin magalit kung malaman mo man ang ginawa ko. I mean ang hindi ko magawa para sa'yo.

Sorry talaga!!

Humihingi ako ng tawad dahil hindi ko mabura ang picture ni Fire habang naggigitara siya sa phone ko. Hindi ko kasi talaga magawa.

At saka maniwala ko buburahin ko na naman talaga sana eh. Pipindutin ko na nga 'yung delete button eh kaya lang umepal si Bal. Sabi niya...

"Oh? Buburahin mo?"

"Ang magaganda di na nag-e-explain."

Tumango tango naman siya. Akala ko ayos na kaya lang nagtanong ulit siya.

"Bakit?"

"Anong bakit? Eh anong gagawin ko dito? Baka mamaya magkavirus cellphone ko dahil sa pang-- a-ano dahil sa mukha nito."

"Grabe ka naman virus agad? Akala ko ba you two are good?"

"Oo nga. Pero di naman ibig sabihin nun ay mag-tabi ako ng picture niya di ba?"

"Oo nga pero, ayaw mo bang itabi 'yan? Ang gwapo niya kaya diyan."

Kaya naman ayun nga Crush tiningnan ko ulit 'yung picture ni Fire at ayun ang gwapo nga. Pero alam ko naman na mad gwapo ka. Di ba?

"O? E a-anong p-pake ko?"

"Asus! 'Wag mo ng burahin. Sayang naman eh pero...kung ayaw mo talaga bahala ka." Sabi niya saka ako iniwan. Oo ganun siya kasama iniwan niya ako.

Kaya naiwan akong nakatingin sa picture ni Fire. Nakangiti siya. Nakatingin sa iba ang mata, gwapo, at gwapo ulit. Kaya bakit ko nga ba idedelete?

Kaya sorry talaga kung hindi ko nadelete. Naisip ko kasi di naman masamang mag tabi ng gwapo sa gallery. Don't worry pag nagmeet na tayo pupunuin ko ng picture mo ang cellphone ko. Iwa-wallpaper ko pa kung gusto mo!

Basta spare me this one. Ang gwapo niya lang kasi talaga.

Humihingi ng sorry,

Coco

DE: Book 2 Dear CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon