Dear Crush,
Kung bakit hindi mo ko nilapitan kanina habang nakaupo sa shore ay hindi ko alam.
Siguro nga naintimidate ka talaga sa taglay kong ganda o kaya naman ay dahil umepal si Fire. Pero ito lang ang hiling ko. Sana ay hindi mo nakita ang ginawa ni Bal kanina. 'Yung pagkuha niya ng picture kay Fire habang naggigitara. Pramis hindi ko ginusto 'yun. Pero aaminin ko na ang gwapo ni Fire habang naggigitara. Naisip ko tuloy, di ba ang mga gwapo ay sama sama.
Naisip ko. Friend ka kaya ni Fire?
O baka naman si Steel ka?
Pero hindi maari! May Bal na ang bakal na iyon eh.
Pero baka naman si Xid ka?
Ewan malay natin.
Basta crush, wag mo na pansinin ang kinuhang picture ni Bal kanina ah.
Buburahin ko na lang. Okay?
Love
Coco
BINABASA MO ANG
DE: Book 2 Dear Crush
RandomNung maging okay kami ni Fire things got different. The set up and everything. Even my feelings. May mga nadagdag din na karakter sa buhay namin at may mga bumalik. Ngayon hindi na lang pagkainis ko sa kaniya ang proproblemahin ko. Ngayon pati na di...