~Coco~

0 0 0
                                    

Isang araw na ang nakalilipas mula ng bumalik kami.

At for sure katakot takot na sermon ang natanggap ni Steel sa parents niya. Ako nga na hindi naginom nasermunan na siya pa kaya?

"Saan ang lakad?"

"Ma!"

Lumapit ako kay Mama para magbeso at manlambing.

Mula nung nagkasakit ako ay humigpit na si Mama sa paglabas labas ko. Kasi daw kung saan saan ako nagsususuot kaya kailangan ko pang lambingin si Mama para lang makalabas.

"Nakapang-alis ka ata. May lakad?" Nakataas kilay na tanong ni Mama.

Agad naman akong umakap kay Mama.

"Ma, ano kasi may bibilhin lang ako sa mall. Saka papalamig na din."

"Bakit? Ano bang bibilhin mo at sa mall pa? At saka, wala ka bang aircon sa kwarto?"

"Ma, bakasyon po. Alangan naman pong bulukin ko sarili ko dito? At saka nagpramis na po ako di ba na hindi ako papagabi."

Ganiyan lagi ang eksena namin kapag gusto kong lumabas

"Sige, sasama na lang ak--"

"Ma naman! I'm not a kid anymore. Wag niyo naman po akong paghigpitan ng ganiyan."

"The last time  na hindi kita pinaghigpitan nagkasakit ka. Kaya don't ask me something that I cannot give to you anymore." Seryosong sabi ni Mama. "Kung gusto mong lumabas wait for me. If you don't, then go back to your room."

Wala naman na akong nagawa dahil Mama ko siya at anak lang ako. At di ko din naman siya masisisi. It's my fault after all. Kaya ito ang resulta ng action ko before.

Pero paano ko mahahanap si Crush kung kasama ko si Mama?

Bahala na nga!

***

Nang makarating kami sa Mall sa arcade agad ako pumunta at syempre kasunod ko si Mama. Para akong bata na may Yaya.

Inilibot ko ang paningin ko sa arcade. Madaming naglalaro kasi walang pasok kaya bentang benta ito sa kabataan.

Hmmm, saan ka kaya mahilig? Sa basketball ba? O baka naman tekken?

"Ma!"

"Oh?"

"Dun lang po ako sa basketball." Nginuso ko ang stand ng basketball na nakahilera sa gilid.

"Sige. Basta balik ka dito?"

Tumango muna ako kay Mama bago nagtatakbo sa basketball.

May isang naglalaro. Lalaki, matangkad. At mahusay. Pwede na sana kaya lang hindi ko type.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DE: Book 2 Dear CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon