~Coco~

1 0 0
                                    

Dahil asa ibang bahay ako ngayon o ibang lugar ay namamahay ang katawan ko.

Ganito talaga ako kapag wala sa sariling bahay. Hindi nakatulog kaya naman tinatanghali lagi ng gising.

Ewan ko ba sakit na ata talaga ito ng magaganda. Kaya  kung hindi ka namamahay, hindi ka maganda.

Dahan-dahan dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga para maiwasan magising si Bal. Pagod kasi 'yan panigurado. Medyo mahaba din ang biyahe papunta dito.

Nang nakatayo na ako ay kumuha ako ng isang jacket na may hood at saka lumabas.

Isinuot ko ito at maging ang hood para walang nakakita sa akin.

Baka kasi akalain enkantadia ako dahil sa kagandahan taglay ko. Mamaya isipin nila ako si Kylie Padilla di ba?

Nang malapit na ako sa lobby ay natanaw ko si Beki Juls na papasok ng hotel kaya naman tumalikod agad ako para di niya makita ang mukha ko.

May dala siyang plastic. God knows what's inside that plastic bag.

Nang makalampas siya ay nakahinga ako ng maluwag.

Lumabas na ako ng hotel at saka suminghot ng malamig na hangin.

"Huwaw!! Ang lameeeeeeg!!"

"What are you doing here?"

"Ay kalabaw!"

"What are you doing here?" Pag-uulit niya. Huminga muna ako ng malalim at bumawi sa pagkagulat.

Mukhang mapapaaga ako ng meet kay Lord kung palaging ganito ang eksena.

"Wala. Ikaw?"

"I'm following you. I saw you went out from your room. Kaya sinundan kita."

Napatango na lang ako.

"Do you want to have a cup of hot chocolate?"

"Oo! Oo! Oo!"

***

Nandito kami sa may bay ng dagat kung saan buhay na buhay ang mga tao.

Hindi ko akalain na sa ganitong oras ay ang daming tao sa lugar na ito. Hindi naman siya ganoon kalayo sa hotel pero nakahilera siya sa mga stall dito sa may bay.

Ang ganda nga ng lugar, from lights to furniture and especially 'yung uniform ng mga staff.

Naka scarf silang hairband sa ulo sabay skirt ay may parang apron. Mukha silang anime.

"May ganito pala dito?"

"Ah, oo nakita ko lang 'yan kanina habang naglilibot ako." Paliwanag niya. "Hmmm, this is nice."

Napatingin tuloy ako sa hot choco ko at nakiinom din.

"Hmmm. Ang sarap!!"

Bulalas ko. Sunod naman ay nakarinig ako ng mahinang tawa.

"Bakit?" Tanong ko.

"Wala." Sagot niya. "Here." May inabot siya sa akin na mangkok ng maliliit na marshmallow. "Put some of that to your drink. Masarap."

Sumunod ko naman ang sinabi niya at saka ininom ng may kasamang marshmallow.

"Ang sarap nga!!"

"Told you!" Sabi niya saka itinuon ang paningin niya sa libro na dala niya. Kelan pa siya may dala niya.

Ako naman ay patuloy ang paginom ng hot choco at ang pagnanakaw ng simpleng pagsulyap sa kaniya.

Mukha siyang matalino na cold na tao dahil sa itsura niya ngayon. Reading glasses with matching book. And iadd mo pa ang serious look. Sobrang layo sa katotohanan na maloko siya, baliw, bano, at epal sa buhay ko.

DE: Book 2 Dear CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon