Entry#8

0 0 0
                                    

Dear Crush,

Bukas na ang alis namin papuntang resort para spend ang sembreak.

Beach 'yun. Madaming foreigners at paniguradong madaming gwapo. Kaya naman sana naman nandon ka.

Hindi na ako magdadala ng two piece. Kasi baka ayaw mo na makita ng iba ang balat ko. Malay mo selfish ka pala at gusto mo ikaw lang. Hihihi.

Pero di ka naman tablado. Aba! Makinis ata ito.

Pero sana nandun ka sa beach resort na iyon. Kasi, aantayin kita.

Tatambay ako sa may shore hoping na tatabihan mo ako at kakausapin.

Kahit anong sabihin mo. Magpakilala ka kung gusto mo, magkwento ng tungkol sa buhay mo, mag-jokes o kahit na nonsense ang sabihin mo.

Basta tabihan mo ako. Hihintayin kita.

Sana nga makita kita.

Hoping,

Coco

DE: Book 2 Dear CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon