(Pinalitan ko ng name yung story. hindi naman kasi sya nagfofocus sa pagkalove triangle nilang tatlo eh. hehe for now)
...
Karla : Daniel anak. akala ko ba nagpapahinga ka sa kwarto mo?
Daniel : opo, pero bumaba po ako kasi nauuhaw ako. anong ginagawa nya dito?
Ang taong tinutukoy ko ay walang iba kundi si.. Jessy Mendiola! De, joke lang. Hehe. Si Julia talaga yung tinutukoy ko. For me, mas maganda pa sya sa kahit na sinong artista, kahit yung ultimate crush ko na si Jessy Mendiola. Ano nga ba ang ginagawa nya dito? Dapat kanina pa sila nakaalis nina ate Yen ah. At bakit nagpasalamat sa kanya si Mama?
Julia : Kung makapagsalita ka parang ayaw mong andito ako ah.
Patampo na sabi ni Julia.
Karla : Uh guys maiwan ko muna kayo jan. Bibili lang ako ng gamot para sa'yo Daniel. Julia, kaw na bahala sa anak ko ah? Bye guys, I'll be right back!
Nagmadaling umalis si Mama, kaya hindi na ako nakapagpaalam sa kanya. So kinausap ko ulit si Julia.
Daniel : Hindi naman sa ganun. Kaya lang diba dapat *coughs* kasama ka *coughs* ng barkada? *coughs* Bakit ka nandito? *coughs*
Ininom ko yung tubig na nasa baso na hawak ko ngayon, at himas sa leeg ko dahil sa sakit ng lalamunan ko. Nakakairitang magsalita ng ganito, palagi akong umuubo.
Julia : Yan! ayan yang dahilan kung bakit ako nandito. Nasabi kasi sakin ni Yen na masama pakiramdam mo, eh . . naisipan ko.. uh.. damayan na lang kita. Para hindi ka masyadong mag-isa dito ng isang linggo. Kaya hindi na ako sumama sa Bora.
Daniel : Baliw ka ba? Eh di ba first time mong makapunta sa Bora? Minsan lang yun bakit pinagpalit mo pa? *coughs*
Julia : Hindi pa naman ako mamatay eh. Mahaba pa ang buhay. One day makakarating din ako dun. Tsaka, ayaw mo ba neto? May kasama ka sa halip na nagiisa ka lang?
Sinabi ko yun kay Julia kahit na sa loob ko, masayang masaya ako. Akala ko kase isang linggo ko syang hindi makikita at makakasama. Hindi ko alam kung makakaya ko yun at mabuti na lang ganito yung nangyare. Parang sa isang iglap lang, mas gusto ko pa na may sakit ako at maso-solo ko sya habang nasa malayo ang barkada.
Daniel : Naman! Mas pinili mo pa talaga ako. Mahal na mahal mo talaga ako no?
Julia : Sigurado ka bang may sakit ka??!? Ang lakas pa din ng pang-aasar mo! Hay nako, halika na nga, pumunta na tayo sa kwarto mo. Kailangan mo magpahinga.
Inalalayan nya ako habang paakyat sa taas. Kung tratuhin naman ako neto para akong may cancer. Nang dumating na kame sa kwarto ko, Humiga ako sa kama.
Julia : DJ, nagugutom ka ba? Gusto mo bang kumain? Ipagluluto kita.
Daniel : weeeee? marunong ka bang magluto?
Julia : Oo naman. Lola ko kaya nagturo sakin. Oh anong gusto mong kainin?
Daniel : Noodles na lang. Hindi ako masyadong gutom eh.
Julia : ok.
Bumaba si Julia para magluto. Ako naman, pumikit na lang ako at naghintay.
..later..
Pumasok si Julia sa room ko na may hawak hawak na tray with a bowl and the noodles in it. Ang bango. Na-excite tuloy ako kumain.
BINABASA MO ANG
My bestfriend's ex girlfriend.
Fanficwhat if mainlove ka sa ex ng bestfriend mo? eh pano kung pati yung bestfriend mo may gusto pa rin sa kanya?