(for those who were expecting na si Daniel ang nakarinig kay Julia.. Tricked ya! haha hindi po si Daniel yun :p hindi pa time para malaman nya haha anyway, KathBie and JulKath din po ang chap na 'to :))
_____________________________________________________________________
*Julia's POV*
Natulala ako at Hindi gumagalaw. Bumilis tibok ng puso ko. OMG. Kinakabahan talaga ako. Narinig nya ako.
Julia : A.. anong ginagawa mo d-dito.. K-kath?
Yes. Si Kathryn. Si Kath na kaibigan ni DJ. wait.. CLOSE NA KAIBIGAN ni DJ.
Narinig nya yung sinabi ko kay Yaya. Oh no.
Kath : Nagpunta ako dito kase gusto sana kitang yayain mag-shopping. Eh, nakalimutan ko tanongin sa'yo yesterday yung number mo. Tapos si Daniel, hindi ko ma contact. Kaya pinuntahan kita. Eh bukas yung door. So pumasok na ako.
Teka.. sabi nya hindi nya ma contact si DJ? eh.. katext ko lang yun ah.
Julia : Ah ganun ba..
Kath : sandali nga.. Tama ba yung narinig ko? Gusto mo si Daniel?
Naputulan ata ako ng dila. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. I mean, pano kung sabihin nya kay DJ? Close kaya sila, hello?! I don't think naman na itatago nya yun kase kahapon lang nya ako nakilala. Mas close sila ni DJ.
Pinagpapawisan na ako. Tapos bigla pang umalis si Yaya, ikukuha nya daw kami ng juice. So alone ako with Kathryn ngayon.
Lumapit sakin si Kath with a serious look.Hindi pa rin ako makapagsalita.
Kath : May gusto ka ba kay Daniel?
Inulit nya yung tanong. Bago pa ako makapag-react hinawakan nya ang kamay ko at ngumiti sya.
Kath : Wag kang magalala. You can trust me. Satin satin lang 'to. Hindi ko pagsasabi sa iba. Promise.
Julia : Sure?
Tumango si Kath. Lumuwag na rin sa wakas ang dibdib ko. Hayy salamat. Parang ibang iba naman sya sa pagkadescribe sakin ni DJ. Maarte daw kasi si Kath. Mukha naman hindi eh..
Julia : Ok sige.. Aaminin ko na. Hindi pa naman ako sure eh. Siguro crush ko sya. Pero hindi sigurado.. bago ko palang kasi sya nakilala.
Kath : Umm.. ganon ba? Ay, normal lang yun. Alam mo, ako din naman eh. Nung una ko nakilala si Daniel, crush ko din yun. Pero nawala agad. ahah di ko type.
Patawa nyang sinabi. Siguro nga mawawala din 'to. Hindi pa naman LOVE eh, CRUSH pa lang.
Julia : Pero, wag mo talaga sasabihin kahit kanino ah?
Kath : Syempre naman no, hindi naman ako madaldal. Siguro may pagka-arte lang minsan pero totoo akong kaibigan.
Julia : Salamat Kath :)
Kath : Wala yun :) So ano.. sama ka ba sakin mag-shopping?
Julia : Sige ba! Teka.. kunin ko lang yung bag ko.
Kinuha ko yung bag ko sa taas at binalikan agad si Kath. Tapos nagpaalam na kami kay Yaya.
Nagpunta kami ni Kath sa SM. Hinatid kami nung driver nya. Grabe, mayaman din pala sya.
BINABASA MO ANG
My bestfriend's ex girlfriend.
Fanfictionwhat if mainlove ka sa ex ng bestfriend mo? eh pano kung pati yung bestfriend mo may gusto pa rin sa kanya?