STEPHEN'S POV
Grabe ang sakit ng ulo ko. May amats padin ako. Pero good thing nakatulog ako ng maayos kagabi.
Nandito na ko sa school ngayon, palakad nako papunta sa room ko ng may marinig ako. Na lalong kinasakit ng ulo ko.
"Hoy nakita niyo na ba yung bagong tranfer na student? Kamuka ni Drea." G1
Pinagsasabi nito? Baka multo nakita niya.
"Sinong Drea?"G2
"Si Drea Kim. Akala ko nga siya eh. Kamukang kamuka. Akala ko nag multo. Pero hindi." G1
Drea Kim
Drea Kim
Drea Kim
Drea Kim... Pau-ulit sa utak ko yung narinig ko. Kamuka daw ni Drea Kim. Si Drea bumalik?
"Oh talaga? Ay ayan siya! Kamuka nga!" G3
Napatingin ako dun sa paparating na babae. Si Drea nga. Natutulala ako sa nakita ko. Hindi ko alam kung totoo ba. Hindi ko napigilan sarili ko. Naglakad ako at sinalubong siya. Tapos niyakap ko siya.
"DREA?" Para akong lutang nung nakita ko siya. Parang panaginip. Sarado utak ko sa ibang bagay. Sakanya lang nakatuon utak ko.
"HA?" Gulat si Drea. Nakalimutan niya na bako? Sabagay sa akala niyang ginawa ko sakanya. Ano ba dapat gawin niya.
"Diba ikaw si Drea? Buhay ka? Babawi ako sayo. Alam mo namang hindi kita niloko at mahal na mahal kita. Babawi ako sayo." Gusto kong bumawi sakanya sa isang taon na hindi ko siya kasama. Namiss ko siya sobra. At papatunayan ko sakanya na hindi ko siya niloko kahit kelan.
"Ha? Hindi ako si Drea. Alexandrea pangalan ko. Teka miss! Teka yung girlfriend mo umiiyak. Bakit ka naman kasi nangyayakap ng ibang babae." Bigla ako napatingin sa paligid ko. Wala namang babae. Tyaka wala ako girlfriend. Tingin niya ba talaga niloko ko siya.
"Wag mo iniiba usapan Drea. Kahit kailan hindi kita niloko. At hindi mo kaylangan magpanggap ng ibang tao para kunwari hindi mo ko kilala. Dahil alam ko ikaw yan."
"ANO BA KASI PINAG SASABI MO? BALIW KA BA? Ang drama ng buhay mo. Sigi mahal na mahal mo na si Drea ba yun. Hindi mo nga siya niloko. Sigi lang paglaban mo yang pag-ibig mo. PERO ang problema hindi nga ako si DREA eh. Alexandrea. A-L-E-X-A-N-D-R-E-A. Ako si Alexandrea Han. Gets mo? At pwede ba alisin mo yang pagakakayakap mo. Nakakamanyak ka."
"Talaga bang malaki galit mo sakin?" Bigla nalang tumulo luha ko.
"Talaga bang malaki pag kabingi mo? O may sayad ka. Wag mo kong iniiyakan dyan. Hindi pako patay. Talagang umi-eksena pa tayo dito. Hindi nga kasi ako si Drea. Naman eh." Hala nagdadabog na siya. Si Drea nga to. Gantong ganto si Drea. Lalong humigpit pag kayakap ko sakanya.
"Miss na kita. Mali yung nakita mo. Mahal na mahal kita. Hindi kita kaya lokohin alam mo yan." Oo alam kung paulit ulit nako. Pero yan lumalabas sa bibig ko eh.
"Hindi ako makahinga. Grabe ka makayakap. Bibitawan mo ko o bibitawan mo. Kung hindi tatadyakan kita sa ano mo. Napipikon nako sayo. Late nako. Sinisira mo araw ko. Hindi ako nagbibiro." Gantong ganto si Drea. Pati pananalita pag galit. Pero malambing. Ang kulit lang. Namiss ko to.
"Bibilang ako tatlo, pag dika umalis dyan sa pagkakayakap mo. Luluhod ka ng wala sa oras. ISA! DALAWA! TATLO!"
At ayun na nga. Sinipa na niya ko pataas sa aking toot.
"ARAY!" Grabe ang sakit. "BAKIT MO KO TINADYAKAN?" HIndi ko maiwasang sumigaw. Sakit grabe.
"Eh ang kulit mo. Ayaw mo humiwalay sapag kayakap. Isa pa, para magising ka rin sa kahibangan mo." Lumhod si Drea sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
Lady Love Ghost Bound
Teen Fiction"YOU’RE NOT DEAD, BUT YOU’RE NOT ALIVE EITHER. YOU’RE GHOST WITH A BEATING HEART."