Annyeong. It's been a year. Grabe. Sorry na. Pero may nag babasa nga ba nito? Mukang wala naman kasi. HAHA.
CHAPTER 7
STEPHEN'S POV
Tapos na kami mamili at pasakay na kami ulit sa kotse ni TEEMO.
Nanaginip pala ako kanina. Ang weird lang. Napanaginipan ko yung nangyari kanina. Yung unang kita ko kay Alex. Nandun ulit yung babae sa Library. Umiiyak siya. There is something on her, na may nararamdaman ako. Anong nararamdaman ko? Hindi ko din ma explain.
"HOY! Tulala ka diyan. Ano iniisip mo?" Teemo
"Ahh wala." Sagot ko. Si Teemo na pala ang nag dra-drive ng kotse ngaun. Badtrip nga kasi si Earl. Papunta na kami kila Aden ngayon.
"Hindi ako makahinga dito. Grabe lang." Sabi ni Shai. Pano kasi napapagitnaan siya ni Earl at ni Ace.
"Bakit ba kasi galit na galit ka ha Earl? Natural lang naman sa babae ang mag ayos ah." Teemo
"BABAE ba yan? Tibo yan diba? Anong natural dun?" Sagot ni Earl. Ang init lang ng ulo niya.
"Sino bang may sabi na tibo ako ha?" Sagot naman ni Ace. Mainit yung ulo nila. Nagkakasagutan sila ni Earl. Pero hindi ako aawat mukang masaya to.
"Kakasabi ko lang diba? Bingi ka ba?" Earl
"Wag kang pilosopo. Bakit mo nasabing tibo ako?" Ace
"Eh diba nga boyish ka manamit. Tapos lagi ka nakasumbrero. Tapos NBSB ka pa. Ahh kasi nga Girlfriend siguro nagkaron ka." Earl
"Purkit Boyish na manamit tomboy na? Anong Girlfriend pinagsasabi mo? Atyaka anong NBSB? May boyfriend ako no!" Sabi ni Ace. Hindi nga may Boyfriend to?
"ANONG BOYFRIEND? ANG DAMING LAWAY. SHEMAY MAG TABI NGA KAYO." HAHA Si Shai nga pala nasa gitna. Mukang nasalao na niya lahat ng laway ng dalawa.
"UMUSOG KA!" Lol mas intense pa tong si Shai sa dalawa eh.
"AYOKO NGA!" Sagot naman ni Earl
"AHHHH AYAW MO AHHHH" Shai
"ARAY KO!!!! ANO BANG PROBLEMA MO AH?" Tinulak ni Shai si Earl na siyang ikinasubsob ni Earl sa lap ni Ace.
"OPSS Sareeehh. HAHA" Si Shai. Mukang sayang saya siya sa ginawa niya.
"ARAYYYYY KO NAMAN!" Si Earl, pano hinampas ni Ace kasi hindi niya ata alam na nayukyok yung muka niya sa lap ni ACE.
"YUCK! YUCK!" Si Earl ng malaman niyang ganun nga.
"ANG KAPAL MO! Bahala ka na nga dyan." Si Ace, halatang pagod na makipagtalo.
"WOO, Pikon. Wala ka pala eh." Si Earl, grabe talaga parang bata. Itong si Ace nanahimik na talaga. Hindi na kumikibo.
"Galit na yan. Baliw ka kasi." Teemo
"Manahimik ka, mag drive ka lang dyan." Earl
"Hindi nga galit ka na? Sooooo ano ngayon? Feeling mo mag sosorry ako. Hindi no? Pabebe ka pa dyan." Earl
"ALAM MO? ANG GWAPO MO SANA. CRUSH NA KITA. GUSTO KITA. ANG KASO NAKAKATURN OFF NA YUNG UGALI MO. MALI YUNG NAGKAGUSTO AKO SAYO." Ace parang iiyak.
Nagulat kami lahat sa sinabi ni Ace. As in seryoso. Si Earl na tameme.
"WAHAHAHAHAHA." Super halakhak si Ace.
"Anong muka yan? Muka ba yan? Wag mo sabihing naniwala ka? Ako mag kakagusto sayo? Sa mukang yan? Sa ugaling yan. NEVERRRR." Si Ace. Grabe lang ang lakas ng trip. Nakaisa siya don. Tupi si Earl.
Si Earl palapit ng palapit kay ACE.
"Baka lunukin mo sinabi mo?" Earl.
Palapit siya ng palapit kay Ace, napapasandal na si Ace. Hindi na siya makakibo.
"Etong mukang to? Eh bakit ka namumula ngayon?" Earl .
"O----o" Ace.
"Oh, bakit ka na uutal? Gusto mo ituloy ko?" Earl.
Siyang sabay na pag preno ni Teemo. Na ikinagulat ng lahat yung nangyare.
"Uy, sorry. May tuu---ma---wid na pu-saaa" sabi ni Teemo na uutal uutal.
Pag ka kita namin kay Ace at Earl. Alam niyo na. Di sindaya. Aksidente lang. Sabay biglang nakipagpalit ulit siya ng pwesto kay Shai. At tahimik na ang lahat, hanggang sa makarating kami kila Aden.
END OF CHAPTER 7
BINABASA MO ANG
Lady Love Ghost Bound
Novela Juvenil"YOU’RE NOT DEAD, BUT YOU’RE NOT ALIVE EITHER. YOU’RE GHOST WITH A BEATING HEART."