Chapter 1: Enan
Pagdating sa parking area agad lumabas si Enan. Tumayo siya ng tuwid, tinaas ang mga kamay niya sabay ngumiti. “Can you feel it? Sumigla nanaman ang school natin dahil muli sila mabibiyayaan araw araw. This school is so lucky to be graced by my presence” landi niya.
Bungisngis yung dalawa sa loob ng kotse at sabay pa napailing. “He is normal, as if walang nangyari” bulong ni Shan. “Oo nga, same old Enan. Pero ano nangyari sa fingers niya? Bakit naka cast sila?” tanong ni Clarisse. “Ewan ko pero tanong ko mamaya” sabi ng binata.
Naglakad na yung tatlo papunta sa kanilang tambayan, may tatlong lalake doon at yung isa parang galit ito kay Enan. “Sorry fans wala munang autograph today ha kasi injured fingers ko o. Last time kasi halos one thousand nagpautograhp sa akin. Alam niyo naman I cannot refuse my fans” landi ni Enan at nagtawanan yung dalawa ngunit yung isa napatingin lang sa malayo.
May mga babaeng dumaan, tumayo si Enan at kinawayan sila. “Good morning pretty girls” bati niya. “Hi Enan” sabay sabay na bigkas ng mga babae kaya ang binata todo mister pose sabay nagbigay ng flying kiss. “See you in class pretty girls” sabi niya sabay naupo.
“Ayos pare sino nanaman mga yon? Magkano naman binayad mo sa kanila?” tanong ni Shan. “Ganon? How dare you call yourself my bestfriend. I am offended by your statement” banat ni Enan at nagtawanan yung iba. “Oo nga first time may pumansin sa iyo ha” biro ni Clarisse.
“Hoy babae wag kang bitter. Pagkatapos mo malaman true feeling ng boyfriend mo pati ikaw tinitira mo na ako ha. At bakit pa kayo nagtataka? They are my fans, hinahangaan nila ako. Kayo mga kaibigan ko hindi niyo parin tanggap na artistahin ako?”
“But I understand you, kasi araw araw niyo ako nakasama kaya siguro immune na kayo o sanay na. Kaya sa paningin niyo normal nalang ako. I understand and I am not hurt, just be happy for me pagkat ganito talaga ang sikat” banat ni Enan at laugh trip ulit sila.
“Tae! Mga kaklase namin mga yon” sabi nung maskuladong lalake sa dulo. “Kaklase niyo mga yon Greg?” tanong ni Clarisse. “Naninira ka ng trip!” sigaw ni Enan at tumayo si Gregory at nagkaharap yung dalawa. “Ano tara” hamon nung malaking binata kaya napatayo narin yung iba at pinaghihiwalay yung dalawa.
“Gago ka Enan pag di ka tumigil talaga di lang dalawang daliri babaliin ko sa susunod” sabi ni Greg. “Masyado kang pikon! Kung ikaw manlait sa akin ayos lang pero pag ikaw pinikon ko war freak ka agad. Kung marunong ka bumato matuto ka din sumalo” bulyaw ni Enan.
“Mafeeling ka gago ka, wala ka itsura tapos nag gaganyan ka feeling artista. Mahiya ka nga sa sarili mo” sabi ni Greg. “Excuse me, tanggap ko itsura ko at aminado ako pangit ako, masama ba mangarap? Ha? At ikaw kung makalait ka…you should know matagal ko na tanggap, at dahil sa iyo inspired ako magtuloy mabuhay kasi alam ko meron ka” sabi ni Enan.
Nagtakip ng bibig si Clarisse sabay tumalikod para tumawa, yung mga umaawat natatawa narin kaya lalong nagwala si Greg at sumagi ang isang suntok niya sa mukha ni Enan. “Bitawan niyo nga ako, nakakarami na kasi yan e” sigaw niya.
“Di kita papatulan, pag pinatulan kita lalo ako maiinspire mabuhay pag napapangit ko pa mukha ko. Kung sa ngayon agwat natin dalawang paligo, pag pinatulan pa kita ten levels ng paligo na lamang ko at baka maging international star na ako dahil sa iyo” sabi ni Enan.
BINABASA MO ANG
Artistahin
Teen FictionModern day beauty and the beast story. Sundan ang kwento ng binatang di nabiyayaan sa panlabas na kaanyuan sa kanyang pagtahak sa landas patungo sa pag-ibig Due to the success of Dare, my first take on the modern day beauty and the beast theme, i de...