Chapter 11: Duda
Biyernes ng umaga sa tambayan hindi mapakali si Clarisse. “Enan, sana wag ka maooffend ha, pero parang wala kang girlfriend” sabi ng dalaga at lahat napatingin sa kanya. “Just because hindi niyo kami nakikita magkasama?” sagot ni Enan. “Hindi e, kasi pag meron ka you should be happy” sabi ng dalaga.
“Funny, my mom said the same” sabi ni Enan. “Sorry talaga ha, kasi parang wala naman nagbago sa iyo. You should be inspired and yun nga happy” hirit ni Clarisse. “Happy ako, kaya lang mahirap mag multi task kasi e. Tuloy hindi ko naipapaikita happiness ko kasi ang artistahin masyado madami iniisip”
“I belong to everyone, ang isang artistahin ay public figure kasi e. Iniisip ko din feelings ng mga tagahanga ko” sabi ni Enan. “Do you even think of her? Does she inspire you?” tanong ni Clarisse. “Teka nga, yang pagtatanong mo e may halong pagdududa na ha” sabi ni Enan.
Tumiklop si Clarisse at dinikitan si Shan pagkat nasaktan niya damdamin ni Enan. “Pare sensya na pero she means well” sabi ni Shan. “I understand if you have doubts kasi nga di niyo kami nakikita magkasama. Di niyo ako nakikita katext siya o kaya tinatawagan. May trabaho siya, ako may schooling, we respect each other’s time. Pag may time na kami para sa isa’t isa, we do spend it together”
“Ganon lang po yon. Oo hindi pangkaraniwan pero ano magagawa ko?” sagot ni Enan. “Sorry na, wag ka na magalit” sabi ni Clarisse. “Bakit ano ba gusto niyo makita?” tanong ni Enan. “Dude, idol, kasi pati sa mga social media nagdududa na sila e. Baka daw pakana lang yan o gimmick ni Cristine” sabi ni Greg.
Niyuko ni Enan ulo niya sabay hinaplos ito. “So pati kayo napapaniwala na fake relationship ito?” tanong niya. “Hindi, naniniwala kami sa iyo, kami pa nga nakakita mismo e” sabi ni Greg. “So why are you doubting then? Teka wag niyo na sagutin, kasi we don’t match diba? Kaya may doubt kayo kasi we don’t match” sabi ni Enan.
Tumayo ang binata, kinuha niya backpack niya sabay nagwalk out. “Enan pare wait” sabi ni Shan. Sinuway ni Enan kamay ng kaibigan niya at tinuloy ang kanyang lakad, si Clarisse niyuko ang kanyang ulo at nabalot ng guilt. “Tsk I told you naman kasi wag mo na ibring up yang issue e” bulong ni Shan.
Sa likod ng building nagtago si Enan sabay tinawagan niya si Arlene. “Hello Enan, I was actually about to call you” sabi ng manager ni Cristine. “I have a problem on my side, my friends are doubting me already. Mga kaibigan ko na yon ha, what more yung mga di ko kilala” sabi ni Enan.
“Yun na nga e din sasabihin ko sana e, so naisip ko na after your class you come visit the studio” sabi ni Arlene. “Ano? No no no” sabi ng binata. “Anong no? Sabi mo we tell you what to do then you do it diba? Naka ready na yung pass mo, Jelly will meet you sa entrance later when you get here” sabi ni Arlene.
“Teka lang, ano naman gagawin ko doon?” tanong ng binata. “They want proof then I am sure magiging news ang pagdalaw mo sa studio. Ang goal lang natin is makita ka dumalaw, makita ka nila pumasok sa dressing room niya and that is it. That is enough to make the headlines trust me” sabi ni Arlene.
“Oh I see, pero okay lang ba sa kanya yon? Di ko kaya masira mood niya?” tanong ni Enan. “Hindi, we did not tell her yet. Parang surprise visit, and oh Jelly will go get a boquet of flowers para kunwari ikaw nagdala non, then iapapasundo kita diyan later” sabi ni Arlene.
BINABASA MO ANG
Artistahin
Teen FictionModern day beauty and the beast story. Sundan ang kwento ng binatang di nabiyayaan sa panlabas na kaanyuan sa kanyang pagtahak sa landas patungo sa pag-ibig Due to the success of Dare, my first take on the modern day beauty and the beast theme, i de...