Chapter 21: Doubt
Huwebes ng umaga pagdating sa tambayan lumayo konti si Enan at naglabas ng folder. Binuklat niya ito sabay nagsimulang magbasa. “Enan you have a quiz?” tanong ni Clarisse. “Oh this one? I am just reviewing my script for the movie” landi ni Enan at napatawa niya yung mga kabarkada niya ngunit walang naniwala.
Nag fake cough si Enan sabay habang nagbabasa umaakting ang mga kamay niya. Naintriga tuloy si Shan kaya lumapit siya at nakisilip. “Holy..” bigkas niya kaya lumapit narin si Clarisse at inagaw yung folder.
Nanlaki ang mga mata ng dalaga, palipat lipat tingin niya sa script at sa kanilang kaibigan. Tumayo sina Greg, Jason at Tommy at sumilip at lahat sila napatingin kay Enan. “Akin na nga yan, I need to memorize my lines pa” sabi ng binata.
“Enan artista ka na talaga?” tanong ni Clarisse. “Please return that to me, I really need to memorize my lines” landi ni Enan. “Pare! Anong movie to? Oh shit, totoo ba ito pare?” tanong ni Gregory. “Give it” sabi ni Enan sabay kinuha yung script at nagtuloy magbasa.
Mga kaibigan niya nanatiling nakatayo maliban kay Shan na nakikibasa sa kanya. “Pare, is that real?” tanong niya. Sinara ni Enan yung folder sabay hinaplos ang kanyang ulo. “Please, I need space. You are all choking me, alam niyo ha, ganito talaga ang artista no. Correction magaling na artista kasi dito ako sa madaming distractions nagmememorize”
“This is a challenge to myself actually but if you keep disrupting me then how am I supposed to deliver an Oscar winning performance?” banat ni Enan at walang kumibo sa kanyang mga kaibigan. “Enan totoo ba talaga yan?” tanong ni Clarisse kaya natawa na si Enan.
“Look at the logo, dapat nga di ko pinapakita ito sa inyo pero I trust all of you. This is as real as it gets my friends” sabi ng binata. “Oh my God, artista ka na talaga” sabi ni Shan. “Ouch, that is so painful to hear. Ikaw bestfriend ko pa. Ngayon ka lang naniniwala na artista na ako?” tanong ni Enan.
“Napasok ka ni Cristine? Wow men. Pero ano role mo? Extra lang ba?” tanong ni Gregory. “How dare you? My level of handsomeness as an extra? Are you serious? Pag extra ako ang bida e yung mga Santo at Santa na ng langit. How dare you. Pag ako extra e star studded ng Oscar winners na ang mga movie”
“Wala pa ako awards pero alam na nila ano kaya ko kasi isang titig palang sa akin, oozing na ako ng talent and handsomeness” landi ni Enan. “Enan, tell the truth” sabi ni Clarisse. Niyuko ni Enan ulo niya sabay dahan dahan tumayo. “Kaibigan ko kayo. Bakit naman ganyan pagdududa niyo sa akin. Mga kaibigan ko kayo” bulong niya sabay nagsimula nang maglakad.
“Uy Enan sorry, I didn’t mean to…” bigkas ni Clarisse na humabol sa kanya. Tumawa ng malakas si Enan sabay hinarap ang mga kaibigan niya. “O ha, patikim lang yon” landi niya kaya laugh trip yung iba habang si Clarisse nagtaas ng kilay at piningot ang tenga ng binata.
“Tell the truth!” sigaw niya. “Oo na to naman naninira ng trip e” sabi ng binata. “So ano yan? Ninakaw mo lang?” tanong ng dalaga. “Hindi, I really have to memorize it kasi ako yung magiging practice partner ni Cristine” sabi ni Enan. “Really? As in ikaw yung kasama niya magrerehearse?” tanong ng dalaga.
“Oo, kaya nga eto sineseryoso ko kasi ayaw ko siya biguin” sabi ni Enan. “So hindi totoo na artista ka?” tanong ni Greg sabay nagtaas ng isang kilay. “Artistahin na may nobyang artista, e ikaw what have you?” sumbat ni Enan sabay ngisi. “Okay, wala ako sinabi” banat ni Greg kaya nagtawanan sila lahat.
“Grabe pare, super astig sana pag totoong artista ka na” sabi ni Shan. “In due time, pangit naman yung gagamitin ni Cristine powers niya. Gusto ko makilala talaga ako sa aking skills. Sad to say they don’t even give me a chance kasi. Kinukuha nila ako based on my handsomeness. Hello! Di ako tulad ng mga iba no porke gwapo at maganda artista na”
BINABASA MO ANG
Artistahin
Teen FictionModern day beauty and the beast story. Sundan ang kwento ng binatang di nabiyayaan sa panlabas na kaanyuan sa kanyang pagtahak sa landas patungo sa pag-ibig Due to the success of Dare, my first take on the modern day beauty and the beast theme, i de...