Maraming salamat po sa lahat ng nagbasa ng aking obra.
Nakakatuwa makita muli ang mga pangalan ng mga datihan nang nagbabasa pa sa aking blog. Huling nabasa ko mga pangalan niyo ay noong sinulat ko pa yung Sa Aking Mga Kamay.
Apat na taon na nakalipas pero eto parin po ako nagsusulat parin. Pasensya na po kayo kung hindi ko na naibabahagi ng libre ang aking mga akda mula noong 2010, pinili ko na po ang pagsusulat bilang trabaho ko.
Last year nagtampo ang marami pagkat nagbahagi ako ng libreng obra kaya lang…sa ibang gerne (wink wink)…itong Artistahin ay isa ulit sana sa mga e-books na balak ko ibenta. Kaya lang sunod sunod na problema naranasan ng ating bansa…kaya naisip ko na magpaligaya nalang sa paraan na alam ko. Sakto pasasalamat ko narin ito sa lahat ng walang tigil na sumuporta sa akin mula nung nag uumpisa palang ako.
Alam ko madami sa inyo ang nabitin sa kwento pero dito sa unang libro ng Artistahin, pinakilala ko ang mga bawat karakter ng maigi at alam naman ng karamihan na ang salitang “Move On” ay madali lamang bigkasin pero hindi ganon kadali gawin.
Madami gumawa ng haka haka kung pano magtatapos ang kwento pero napaka boring naman na masyado pag predictable yung kwento. Tulad dito marami siguro ang nakatuon pansin lang sa malalaking kaganapan, nakalimutan pansinin yung mga simpleng detalye.
E pano yan naka move on na ang bida natin hehehe…
Mga huling araw ng Disyembre ay ilalaan ko naman para sa sarili at pamilya ko. Buong taon na pagsusulat ay sadyang mahirap din. Pagsapit ng 2014 e magiging abala ulit ako sa trabaho pero uunahan ko na yung mga may negatibong pag iisip….itutuloy ko ito!
Take Two (Artistahin Book 2)
http://www.wattpad.com/story/15583369-artistahin-take-two-ongoing
BINABASA MO ANG
Artistahin
Teen FictionModern day beauty and the beast story. Sundan ang kwento ng binatang di nabiyayaan sa panlabas na kaanyuan sa kanyang pagtahak sa landas patungo sa pag-ibig Due to the success of Dare, my first take on the modern day beauty and the beast theme, i de...