Chapter 9: Revelation Day

13.8K 186 21
                                    

Chapter 9: Revelation Day

Papasok ng simbahan si Enan kasama ang kanyang magulang, biglang tumunog ang cellphone niya kaya tinignan siya ng kanyang ina. “Turn it off” sabi ni Rosa. “Ma I have to take this, sorry pero sa talent center po kasi ito” biro ni Enan kaya natawa si Robert, ang kanyang ama.

“Yes a wonderful Sunday morning, this is Enan” sagot ng binata kaya napahaplos sa noo si Rosa at napailing. “Holy..” bigkas ni Enan pero di niya natuloy pagkat tinignan siya ng masama ng kanyang ama. “Nasa simbahan tayo” sabi niya.

“Mauna na po kayo, I really have to take this” sabi ni Enan sabay tumakbo sa malayo. “I beg your pandon, did I hear you right?” tanong niya. “Sorry, she was ambushed by the reporter. Bumigay siya sa inis at nagpainterview. Umamin na siya” sabi ni Arlene.

“What? Teka, akala ko ba mag uusap usap pa kayo para planuhin yan? Pano na to?” tanong ng binata. “Kasi nairita siya, today is Sunday at alam mo na mga showbiz talkshows sa hapon. Yung kabila may pasabog so kinukulit siya nung reporter para meron din silang pangontra” kwento ni Arlene.

“Oh my God. You mean to say ipapalabas yan mamaya? Mamaya na? Teka lang di pa ako ready” sabi ni Enan. “Akala ko ba you can handle your end?” tanong ni Arlene. “Oo pero teka lang naman, hindi ko pa naumpisahan e. Plano ko gawin biro biro sa parents ko muna, balak ko kulitin sila at idiin na girlfriend ko artista. Para sana pag reveal e…oh no teka lang naman. Wala ba way istop yan?” tanong ng binata.

“Wala na e, Cristine also agreed already na ilalabas nila na yon mamaya sa show” sabi ni Arlene. “Oh boy” bulong ni Enan sabay haplos sa kanyang noo. “O sige na I just wanted to you to know para makapaghanda ka. Sorry talaga, I was not there to stop her from talking. Jelly called me up kanina lang to tell me about it so tinawagan kita agad para alam mo” sabi ni Arlene. “Sige okay lang, bahala na” bulong ni Enan.

Pumasok siya sa simbahan, nakita niya nanay niya kumaway sa malayo kaya nagtungo agad siya doon. Pagkaupo ng binata napahaplos agad siya sa kanyang puso sabay tinignan ang kanyang mga magulang.

Sa bahay di parin mapakali si Enan, lakad siya ng lakad kaya napansin tuloy siya ng kanyang ama. “Are you okay son?” tanong ni Robert. “Dad eighteen na ako so di naman siguro kayo magugulat kung nabalitaan niyo may girlfriend ako diba?” tanong ng binata.

“May girlfriend ka na? Sino? Bakit di mo sinasabi sa amin?” tanong ni Rosa. “Ah well…mother, your surprised reaction is quite insulting” biro ng binata. “Fernando, meron o wala?” tanong ni Rosa. “Ma, expected na yan diba? Kasi artistahin ako” hirit ng binata pero di natawa ang kanyang mga magulang.

“Enan, meron o wala?” tanong ni Rosa. “Son, when you say girlfriend hindi lang one way yon ha. Baka di niya alam” biro ni Robert kaya natawa si Enan. “Fine, meron na po at kinikilala din niya ako bilang boyfriend. Daddy talaga, alam ko naman yon ano” sabi ng binata.

“Wow, sino siya? Bakit di mo sinasabi sa amin?” tanong ni Rosa. “E kasi its complicated po e. Artista po kasi siya kaya we wanted to keep it between us only muna” sabi ni Enan. “Hay naku, eto nanaman tayo” sabi ni Rosa sabay natawa nalang habang papunta sa kusina.

“Tignan mo si mama o, walang tiwala sa akin” sabi ni Enan patampo. “Enan sinasakyan naming yang pag aarte mo pero pag ganyan na bagay na iho hindi na maganda” sabi ni Rosa. “Your mom is right son, we can play along but when it comes to that its not right anymore” dagdag ni Robert.

“So you two do not believe me? Why? Akala ko ba kakampi ko kayo? I am telling the truth. Artista talaga girlfriend ko” sabi ni Enan. “Oo na oo na sige na nga, so should I cook or oorder nalang tayo for a change?” tanong ni Rosa. “I just wanted to be the one to tell you bago niyo pa malaman sa iba” bulong ni Enan.

ArtistahinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon