That Girl's P.O.V.
"Are you ok?"
"H-huh? ah.. oo..."
nakaupo kami sa ilalim ng puno ng narra, sabi ko 'oo' pero I'm really not fine... sumasakit yung ulo ko sa totoo lang, umaatake nanaman tong 'sakit' ko...
"Eh bakit ang tahimik mo?"
"W-wala naman.." hindi siguro sya sanay na tahimik ako, gusto ko mang kulitin sya para hindi sya mag-alala eh hindi ko talaga kaya, sumasakit talaga ang ulo ko.
"Masakit ba ulo mo? napansin nya siguro ang paghilot ko sa aking sentido.
"Ah... eh.. oo..." obvious nanaman eh. hindi ko na matatanggi pa. Sakit ng ulo lang naman eh, hindi nya naman siguro mapapansin.
"Gusto mo ihatid na kita sa inyo para makapagpahinga ka?"
"No need, kaya ko pa naman eh.."
"O sige, sabi mo eh..." nabigla ako ng bigla nyang inihilig yung ulo ko sa balikat nya,
"Dito na lang tayo."
ipinikit ko ang mga mata ko, ansarap ng pakiramdam na alalay nya, para bang nawala yung sakit ng ulo ko lalo na ng haplus-haplusin nya yung buhok ko,
"Alam mo ba, may kaparehas ka ng amoy ng buhok... ganang ganan... amoy strawberry, ambango... hindi ko lang maalala kung sino sya..."
nabigla ako sa sinabi nya... parang kilala ko yung sinasabi nya...
"Bakit hindi mo maalala?"
"Ewan.. hindi siguro sya ganong kahalaga noon sakin.."
ganun pala... hindi mo talaga maaalala ang tao pag hindi sya mahalaga sayo, doesn't it sound unfair?
"Pero baka ikaw, sobrang halaga nya sa'yo, bakit hindi mo sya pinahalagahan?"
"Siguro nga pero may pagkasira din kasi ako eh, nasaktan ko yung taong yun eh dahil lang sa patuloy kong pagmamahal non dati sa taong nananakit din sakin. weird ko noh? Patuloy ko pa rin noong minamahal yung taong nananakit sakin."
"hindi naman kita masisisi, hindi lang ikaw ang weird. ako din."
"Sino ba yung lalaking nanakit ng damdamin mo dati?"
"Nah. wag na nating pag-usapan pa."
"Sabagay, he's just a part of your past already."
"No, he isn't. he's still my present at sana maging hanggang future eh sya pa din." naramdaman kong humigpit yung pagkakayakap nya sa'kin at hinalikan nya ang tuktok ng ulo ko.
"Pedeng hindi na lang sya, pedeng ako na lang?"
natawa ako sa sinabi nya, "Oo naman."
"Mahal kita". ansarap pakinggan, sa pagkakataong ito eh sigurado na akong totoo ang sinabi nya.
"ako din naman."
"ikaw na talaga." at yun na ang huli kong narinig sa kanya at pagkatapos nun eh nagdilim na ang paningin ko at hindi ko na alam ang nangyari.