Chapter 11

253 5 0
                                    

Ito na!!!!! HAHA sana magustuhan nyo. Sorry kung medyo natagalan. BUsy kasi LOL kahit Christmas break busy-busyhan lng eh noh? Anyhow wag na nating patagalin ito.  

=============================================================

That Girl's P.O.V.

"aaron... where are you taking me?" piniringan nya kasi ako habang inaalalayan ako patungo sa direksyon na hindi ko alam.

"To #11 in the list, dalhin sa pinakamagandang place, that's where I'm taking you, sa pinakamagandang lugar."

saan kaya? hmmm...

"Here we are." we stopped at dahan dahan nyang tinanggal ang pagkakapiring ng mata ko at nabigla ako sa nakita ko... we are at a high place, more like a cliff at may mga nakapaligid na puno at sa bawat puno ay may mga nakapaskil na... litrato ko?

"Para kasi sakin, ang pinakamagandang lugar ay kung nasan ka." sabi nya habang nakangiti sa kin. oh how I love his smile!

Umupo kami sa bandang dulo ng cliff na may nakalatag na blanket, nasa likod ko sya at yakap yakap nya ako. Ansarap talaga pag niyayakap nya ako ng ganto, para bang ayaw nya na akong pakawalan pa. Ganto pala ang pakiramdam ng mahalin ka din ng taong mahal mo, there's no word to describe it.

"Thanks aaron."

"It's all my pleasure." he placed his face next to mine, magkadikit ang mga pisngi namin,

"May I ask, why do you want to be sent to the blackhole?"

Napangiti ako,

"Alam mo kasi ang blackhole eh isang unknown na bagay na kung saan pag nakapasok ka na eh hinding hindi ka na makakaalis pa dun, dun ka na permanently. At gusto ko makapunta don, sa isang blackhole na kung saan hinding hindi na ako maaalis pa."

"Bakit ayaw mong maalis sa blackhole?"

"Alam mo kasi Aaron, people die and afterwards, we are gone and as well as forgotten pero alam mo pag nasa blackhole ka, hindi ka na pakakawalan ng blackhole. Gusto ko ganun, yung hindi na ako pakakawalan pa... Pero iignore mo na lang yun sa list, impossible naman yun eh."

"Impossible? hindi ah,."

 nabigla ako nang sabihin nya yun,

"Katunayan nga, nandun ka na eh."

"Ha?"

"Kung definition mo ng blackhole ang pagbabatayan eh pasado na ang puso ko. Hinding hindi ka na makakaalis sa puso ko."

Ako na siguro ang pinakamasaya at pinakaswerteng babae sa balat ng lupa. Ansarap talaga pag minamahal ka ng taong mahal mo. hindi ko inakalang ganito yung mangyayari, nung una eh para lang akong tanga na sinubukang magpaturo sa kanya na magmahal ulit... kasi inaakala kong hindi pa 'yon nawawala kaya nagkakaganon ako dati, hindi pala ako nagkamali sa inakala ko. Bumalik ulit 'yon' pero hindi ko aakalaing mamahalin din nya ako. Pero bakit ngayon pa? na kung saan, ilang araw na lang eh kelangan ko ng gumising sa magandang panaginip na ito. May katapusan 'to eh.. malapit ng tumunog ang alarm clock at pag tunog nun eh wala na... gigising na ako at babalik sa realidad... isang realidad na noon eh tanggap ko pero ngayon, sa mga nangyayari sa loob ng maikling panahon eh hindi ko na matanggap pa ang realidad na meron ako. antanga ko kasi, ano bang pumasok sa isip ko at pinili kong makasama sya sa loob ng 30days?

Hindi ko kasi naisip agad naisip yung posibilidad, hindi naman kasi ibig sabihin na chickboy sya eh hindi na sya magbabago.

pero sana... hindi na lang sya nagbago para hindi ako mahirapan tanggapin ang realidad paggising ko.

"Aaron?"

"Hmm?"

"Di ba may #14 pa? Gusto ko sa #14 eh iispend natin ang mga natitira pa nating araw with no worries, gusto ko hindi mo iisipin na hanggang 30days lang ang meron tayo."

That Girl.... My silly Girl ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon