We arrived at a certain Sylvana Heights. Hindi ko alam kung saan eksakto ang lugar na iyon but the place is beautiful. Hindi iyon tulad ng mga pangkaraniwang housing village. Sylvana Heights is a little bit of everything – may mga puno, may mga bahay, and from where we are – tanaw na tanaw ko ang dagat. Gusto ko sanang i-appreciate pa ang buong paligid kung hindi lang paulit-ulit kong naiisip ang sinabi ni Helios sa akin kanina.
I looked at him. He was sitting beside me – we were still in the car. Tahimik lang siya sa buong byahe at hindi naman ako nag-abalang magtanong o magsimula ng usap sa kanya. Ayoko siyang makausap. Namumuhi ako sa kanya – galit ako sa mga bagay na gusto niyang gawin at mga bagay na alam kong pinapalano pa lang niya. Naiiyak ako sa katotohanan na baka hindi ko matanggihan ang gusto niya dahil gusto ko na talagang makalaya.
He turned to me. “Are you thinking about my offer?”
“Gaano ako kasigurado na tutupad ka sa usapan?” Mahinang tanong ko. Tumaas ang dulo ng bibig niya.
“You are actually thinking about it.” He said to me. Oo pinag-iisipan ko talaga. Alam kong mali pero ano pa ba ang mawawala? Nakuha na niya. Kung anong mangyayari pagkatapos noon, hindi ko alam at walang kasiguraduhan – heto na siya at ipinapangako sa akin ang kalayaang ilang buwan ko na ring gustong makamtan – tatangi pa ba ako?
I looked out of the window again and just sighed. Am I really thinking about it? I wanted to cry. Tuwing naiisip kong pumayag, naiisip ko rin si Zach – if I agreed, I will cheat on him. Iyong naunang dalawang pagkakataon na may nangyari sa amin ni Hector, hindi counted dahil pinilit niya ako, but this time, he’s giving me a choice.
It’s him, versus my freedom and I’m choosing my freedom pero paano si Zach? Mapapatawad niya pa kaya ako? Matatanggap? Hindi ko alam. I feel pressured right now.
Nag-angat ako ng tingin nang biglang huminto ang sasakyan sa tapat ng isang malaking bahay. I knew the house is Hector’s. Napansin kong mahilig siya sa glass windows. Iyon ang pagkakapareho ng lahat ng bahay niya.
Nauna siyang bumaba sa akin. Sumunod ako. Kasabay ng pagbaba ko ay nakita kong bumaba na rin sa van sina Manang at Kathryna. Ngumiti sila sa akin. Tumango lang ako.
“Yza. Come.” I looked at Hector. He was offering me his hand. I reluctantly took it. Lumakad kami papasok sa mansyon niya and my eyes widened. Everything inside look expensive. My eyes widened with awe. Ang daming antique pieces sa loob. The one that caught my attention was the Greek Painting hanging on the wall. It is a painting of a Hero. I looked at him.
“Si Achilles.” Sabi ko sa kanya. He just nodded. “Why?”
“He’s strong.”
“He’s weak.” Sabi ko. “Sa ankle. Nanghina siya for trying to save a woman.” Sabi ko sa kanya. “In every man’s fall lies a woman, Hector. Even Hercules fell for Minerva and he weakened. Superman has Louise Lane and he---“
“What are you trying to imply, Yza?” He walked towards me. His hand settled on my cheeks. Sinubukan kong titigan siya nang mata sa mata. “Are you trying to tell me something?”
“If…” I said in a weak voice. “If you fall for me, you’ll be weak.” Finally I was able to say that. Helios smiled at me.
“We’ll… baby, that the risk I’m ready to take anytime.” Walang sabi-sabing bumaba ang bibig niya para hagkan ako. Mainit ang mga halik ni Helios – mas mainit pa kaysa sa kanina. Para bang may nais siyang patunayan sa akin sa pamamagitan ng mga halik na iyon at kahit na anong gawin ko, hindi ko siya maitulak palayo.
BINABASA MO ANG
Stolen (Published)
RomanceIf something got stolen, will you do everything just to take it back? Consunji Legacy # 07