20. It will

174K 3.5K 475
  • Dedicated kay e-gurls
                                    

Three months later.

My heart is throbbing so fast. I couldn’t even find the air I need to breath. Nakaupo lang ako sa isang mahabang bangkito habang naghihintay . Dama ko ang tingin sa akin ng ibang tao sa loob ng lugar na iyon. Hindi ko alam kung dahil kakaiba ako o kung dahil nakilala nila ako. I stood up right after seeing him walking towards me. Nakasuot siya ng kulay dalandang damit – those shirts the prisoners wear. Nakakunot ang noo niya habang papalapit siya sa akin. Naikuyom ko naman ang mga palad ko.

In front of me is the man who has stolen everything away from me.

“Zachary Drew.” Binanggit niya ang pangalan ko na para bang may galit na namuo sa kanyang lalamunan. Napangisi ako. Bakit siya magagalit? Kung tutuusin ako ang may galit sa kanya. Kinuha niya sa akin ang pinakaimportanteng bagay sa buhay ko – ang dahilan kung bakit ako humihinga.

“Bakit ka nagpunta? Are you enjoying the fact that I am behind bars?” Sarkastikong wika niya. Huminga ako ng malalim. Hector Santillan or Helios Demitri or whatever he wanted to call himself – but for me he’s just the devil who stole the love of my life – was found guilty without reasonable doubt. Habambuhay ang sentesya sa kanya. Masaya ako sa kaalamang iyon pero ang totoo – parang pareho lang kaming nahatulan – sa kanya pagkakakulong, sa akin ay kamatayan dahil hindi ko na maibabalik pa si Yza.

“Yes I am.” Mahinang wika ko.

“Take a picture, it will last longer.” Wika pa niya. Umiling ako.

“Kulang pa ito sa ginawa mo, Helios.” Inis na sabi ko. “Ninakaw mo ang lahat sa akin. SI Yza, ang pagmamahal niya at ang buhay ko. Hindi pa sapat ang habambuhay na pagkakakulong sa’yo.”

“Oo, ninakaw ko si Yza. Pero kung matalino ka at kung mahal mo siyang talaga, gagawan mo ng paraan ang lahat. If something got stolen, will you do everything just to take it back?”

He said those words as if he was challenging me. I stood up. Kinuwelyuhan ko siya. Napatingin sa amin ang mga pulis at ang ibang naroon na dumadalaw lang sa pamilya nila.

“Ang kapal ng mukha mo, demonyo ka!” Sigaw ko sa kanya.

“Make her fall in love again, Zach.” He said while gritting his teeth. Naramdaman ko ang mga kamay ng isang pulis sa balikat ko. May humawak na rink ay Helios. Pinaglayo kaming dalawa. Hindi pa rin ako tumigil.

“Even if you didn’t say those words. I’ll do it! I’ll make her fall for me! Just like what I promised to her father!” Gigil na gigil na sabi ko. I looked at him. Walang ekspresyon ang mababanaag sa mukha niya. “Hindi mo alam kung anong pakiramdam ng nawalan!”

“Do you hear yourself, Zach?” He started. “I could’ve been happy living in Greece by now. I could’ve done something to take Yza with me pero nasaan ba ako? I’m in jail paying for what I did to her. My father once said that love makes a person weak – and he’s right. Love makes a person weak. Yza is my weakness but she is also my strength. She made me who I am. She made me remember who I was and she made me realize who I want to be. Kaya kung sinasabi mo na nawalan ka, mas malaki ang nawala sa akin. I lost my chance with her that night I violated her. You have your chance, Zach – you never lost it – all you have to do is wait – kahit gaano ka katagal maghintay, nandyan siya. Samantalang ako, kahit na gaano ako katagal maghintay wala na. She will never be with me. She’ll never be mine.”

Hindi ako nakakibo. He looked at the police officer behind him. “Pakibalik na ako. If ever he visits again, wag ninyo na lang akong palabasin.”

Tinalikuran niya ako. Gustong-gusto ko siyang saktan pero naisip ko na wala na rin namang kwenta dahil lahat ng sinabi niya ay tama. He will never have Yza, he lost his chance at him at ako, malaki ang pag-asa ko. Mahal ko si Yza at kahit gaano ako katagal maghintay – maghihintay ako para lang makasama siya.

Stolen (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon