7. A Consunji never breaks a promise

172K 3.7K 641
                                    

Hindi ko na alam kung anong araw na. Kung sabagay, I have forgotten to count the days ever since that monster took me to this island. I was again, sitting on the big rock adjacent the vast ocean thinking again. Hindi ko alam kung nasaan ako o kung parte pa ban g Pilipinas ang pinagdalhan sa akin. Ang alam ko lang malayo ako sa mga taong mahal ko at sa araw-araw na dumaraan, lalo lang lumalakas ang kagustuhan kong makaalis sa lugar na ito.

I don't even know what time is it now. I was just looking at the ocean reminiscing the moments I have spent with my family. I missed being a kid. Noon kasi madali lang ang problema. Madadapa lang ako, iiyak tapos darating si Nanay, patatahanin ako sa pamamagitan ng yakap at halik. Sana ganoon na lang kadali ang lahat. Sa tingin ko, hindi kaya ng yakap at halik lang ang mga nangyayari sa akin.

I wiped the tear that escaped my eye. I missed my family so much. Iniisip ko hanggang ngayon kung anong nangyari kay Yto at Tatay. I want to know if they're okay, kung may nasugatan ba sa kanila tulad noong nangyari kay Demitri.

I sighed. Ilang araw din siyang nilagnat nitong huli. Sa tingin ko ay epekto iyon noong tama ng baril niya. He didn't want to be rushed to the hospital. He kept on thinking that if he's rushed to the hospital, aalis ako o tatakas. Gagawin ko talaga iyon. Kapag nakahanap ako ng pagkakataon, tatakas talaga ako at hindi na babalik sa kanya.

Again, a tear escaped from my eye. I remembered Zach's face when he tried saving me. Napangiti ako nang maalala ko iyong happiness na nakita ko sa mga mata niya noong magtama ang mga tingin namin. I knew that moment that he really loves me. Iyon naman talaga ang totoo, mahal ako ni Zach at mahal na mahal ko siya kaya nga gusto kong makaalis dito, gusto ko nang bumalik but the monster is making it hard for me to comeback.

I took a deep breath as I climbed down the rock. Tapos na ang sunset, gabi na naman pero hindi ko pa rin alam kung anong araw ngayon. Naglakad ako papasok sa loob ng bahay na iyon. Napansin ko lang na napakahilig ni Demitri sa salamin. The house on the top of the hill was designed with glasses and revolving doors, itong bahay na tinutuluyan namin ngayon ay ganoon din. Halos walang ipinagkaiba. The only difference between the two is the view and the furniture inside of it.

Umakyat ako sa itaas para magkulong sa silid. Ayokong makipag-usap kahit na kanino. Habang naglalakad ay narinig ko si Manang Bining na kausap ang assistant ni Demitri. They were – I think – talking about him. Puno ng pag-aalala ang boses ni Manang.

"Hindi ko na alam, Kathryna. Kapag hindi pa siya nagpadala sa ospital baka kung anong mangyari sa kanya."

 

"Okay na yata siya, Manang. Nagtatrabaho na kami kanina. Although nilalagnat pa rin."

They were outside his room. Nakadama ako ng kaba. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya okay? Sa tingin ko naman ay hindi malala ang tama ng bala sa balikat niya.

"Ayokong mag-isip. " Sabi ni Manang Bining. "Kailangan madala ni Hector sa ospital, Kathryna, kung hindi..."

Natigil sila sa pag-uusap nang mapatingin sa direksyon ko. "Nandyan ka pala. May kailangan ka ba?" Tanong niya sa akin. Umiling ako. Tumalikod akong muli para pumasok sa silid ko. Naupo ako sa kama at saka napabuntong hininga. Habang tumatagal ay lalo akong natatakot na baka hindi na ako makabalik.

I sighed again. Lahat ng plano ko habang nandoon ako sa bahay niya sa burol ay nagback-fire. Hindi ako makatakas. Tuwing gabi kasi ay may mga guards na umaaligid sa buong kabahayan. May mga hawak silang baril. Sa labas naman ng silid ko ay may isnag lalaki rin na hindi umaalis doon hangga't hindi nag-uumaga. Paano pa ako makakatakas?

I only have one plan left but I really don't want to do it. It involves my heart and my feelings. Hindi ko kayang magkunwari ng ganoon. Namumuhi ako sa kanya at kahit kailan hindi ko makita ang sarili ko na sinusubukan siyang paibigin.

Stolen (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon