SRC FF 1: Chapter 14

2.1K 36 0
                                    

CHAPTER 14

"MARIE! Vous me manquez tant!"

Mangiyak-ngiyak na niyakap siya ng kanyang mama ng salubungin niya ito sa airport. Binigyan siya nito ng makahulugang ngiti ng mapatingin ito sa kasama niyang si JT na tahimik lamang na pinapanood ang kanilang reunion.

Kasama niya itong sumundo sa airport. Bago sila tuluyang makaalis kanina sa riding club, basta na lang itunulak ni CJ ang lalaki papasok sa loob ng sasakyan. Saying that JT needed to meet his future mother-in-law. Sa tingin niya may lihim na galit ang kaibigan niya dito dahil medyo napalakas ang pagkakatulak nito. Or baka naman sa kanya talaga dahil napayakap sa kanya si JT na ikinataas ng kilay ni Yexel.

"And where is Yexel?"

"Ici."

"Yexel!"

Lumapit ang pinsan niya sa kanyang mama at yumakap ng mahigpit. Nag-umpisang mag-usap ang dalawa in rapid French. She was busy staring at JT to focus on them, he was being unusually quiet.

What has gotten into him?

"Hindi mo man lang ba ipapakilala sa amin iyang kasama mo?" nakangiting tanong sa kanya ng kanyang pinsan na hindi niya namalayang nakalapit na pala sa kanya at niyakap siya mula sa kanyang likuran. "You forgot to introduce him to me earlier."

Bago pa niya masagot ang tanong nito, lumapit sa kanila si JT at inilahad ang kamay sa kanyang pinsan.

"Jio Tyler Cantiller, boyfriend ni Lorence."

"Is that so?" nakipagkamay ang pinsan niya pero hindi pa rin siya binibitiwan nito. "Yexel."

Hindi na maipinta ang mukha ni JT na naglaho ng lumapit ang mama niya dito.

"Ikaw pala yung nabalitaan naming itinatagong boyfriend nitong si Lorence. Take good care of her, hindi namin siya pinalaki para saktan lang."

"Wag po kayong mag-alala, hindi po ako gagawa ng kahit na anong bagay na makakasakit kay Lorence." he said sincerely.

"That's good to hear." sabat ni Yexel. Tumingin ito sa kanya at ngumiti. "I'm a lawyer and I will make sure to throw you in jail if you did. Now, why don't you wait here while I go get the car."

Mabilis na umalis ang pinsan but not before kissing her forehead. Bumaling sa kanya ang kanyang ina.

"Yex, told me about this cafe in Skyland. Why don't we go there before I leave?"

"You're leaving again?" malungkot na tanong niya. "Pero kadarating n'yo pa lang."

Napabuntong hininga ang kanyang mama.

"Well...kailangan kong pumunta sa probinsya. But don't worry, sandali lang naman ako doon. Anyway, paano mo pala nalaman na darating ako ngayon? Balak ko pa namang sorpresahin ka."

Pero bago pa siya makasagot, huminto sa tapat nila ang sasakyan ng pinsan. Kaya ipinagpaliban na lang muna niya ang pagkukwento. That story can wait afterall.

------------------------------------------------

"SO...TOTOO NGANG SA SRC KAYO NAGKAKILALA?" TANONG SA KANILA NG KANYANG MAMA MATAPOS MAKAALIS NG CREW NA NAGHATID NG ORDER NILA.

Sinubukan niyang alalahanin ang kwentong binuo ng triplets. Apparently unknown to her and Vergelyn, hinack ng triplets ang account ng babae para sabihin sa mama niya ang current relationship status niya. At kaya nila itinatago ang relasyon nila ay dahil kilalang-tao si JT, gaya ng aktres nitong ina may mga fans din ito. At para maprotektahan siya mula sa mga ito napagpasyahan nilang dalawa ni JT na ilihim ang relasyon nila. Tanging malalapit lang na kaibigan nila ang nakakaalam ng kanilang totoong status.

STALLION RIDING CLUB FAN FICTION 1: Jio Tyler CantillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon