Dedicated to her!! Ang ganda ng story niyang The Lust Marriage! Feeling ko kada chapter na binabasa ko ay may luhang pumapatak sa mga mata ko! :)
I LOVE YOU GIRL! MORE BLESSINGS!! :) <3
------------------------------------------------------------------------
Enrique's POV
Ganun nalang ba talaga ang tingin niya sakin? Hindi porket nakakainis siya eh ganun nalang ang gagawin ko, excuse me, may puso ako noh! Hindi ako pumapatol sa babae, at lalong hindi ako nagpapaiyak ngmga babae, kasi kapag may nakikita akong umiiyak na babae, naalala ko ang mama ko... Dahil sakin nasaktan siya ng sobra, sobra....
12 years old ako ng masaktan ko si mama, kahit pinatawad niya na ako ay hindi ko padin makakalimutan ang mga nasabi ko sa kanya, dala ng galit..... Kaya ayokong umiiyak ang isang babae lalong lalo na ng dahil sa akin...
*flashback*
''Enrique!!'' sigaw ni mama mula sa itaas
''Mama, saglit lang, naglalaro pa ako ng video game dito eh!'' pagrereklamo ko, haayy nakakainis talaga pag sumisigaw siya... nakakarindi!
''Tignan mo tong kwarto mo! Ang gulo gulo!'' sigaw niya ulit mula sa itaas
''Ano pa bang silbi ng katulong?!'' naiinis na ako
Narinig kong bumaba siya at lumapit siya saakin, nakapamewang, hindi ko siya pinansin dahil masyado akong focus dito sa nilalaro ko! level 100 na toh ei!
''Puro ka nalang ba video games?''
''Ha?'' hindi ko naririnig ang mga sinasabi niya, kunwari'y pasok sa tenga, labas sa kabila
Lumapit si mama sa tv at pinatay ito, nainis na may halong galit ang naramdaman ko noon
''Kumain ka na'' sabi niya habang pumunta sa kusina, 3:00 pm na kasi pero hindi pa din ako kumakain, kahit breakfast wala pa... Pagkagising ko kasi sa umaga, ON ng TV, saksak ng video game, upo then focus, ganun nalang ang ginagawa ko araw araw sa bahay, si daddy? wala siya kasi madami daw siyang aasikasuhhin sa ibang bansa, Oo, ganun siya ka-busy, parang walang oras samin, I really miss him.
''NAGLALARO PA AKO! HINDI NIYO BA NAKIKITA!'' sigaw ko
''Hindi, kumain ka muna, eh hindi ka din kumain kaninang umaga baka mamaya magkasakit ka!'' sigaw niya din sakin pero hindi kasing lakas ng sigaw ko sa kanya
''''mas mabuti ngang mamatay na ako para wala ka na sa tabi ko'' pabulong kong sabi at yumuko pero alam kong narinig niya iyon
''Ano?'' inangat ko ang ulo ko at nagtama ang mata namin, nakita kong nagtubig ang mata niya, nawala ang kunot ng noo ko
Yumuko siya at hinanda na ang pagkain ko, pagkatapos nun hindi na siya nagsalita pang muli, umakyat nalang siya sa taas pag katapos niyang ihanda ang aking makakain...
Nasaktan ba siya?
Lumapit na ako sa table at nagsimulang kumain, nalulungkot ako, nasaktan ko ang mama ko...
Pagkatapos kong kumain ay niligpit ko na ang aking pinagkainan kahit pinipilit ako ng yaya ko na wag na daw, sabi ko hindi na ako bata para hindi maghugas ng pinggan, kaya ko namane eh, sadyang tamad lang ako. Pagkatapos kong maghugas ng pinggan ay nagisip isip ako.
''Kailangan kong manghingi ng sorry'' sabi ko sa sarili ko, umakyat na ako ng dahan dahan at pinuntahan ang kwarto ni mama, hindi ito naka-lock kaya naman binuksan ko ng dahan dahan, naririnig kong humihikbi siya, umiiyak nga siya, pakiramdam ko, wala akong kwentang anak dahil sa mga sinabi ko
''Ma...'' sabi ko habang pumapasok sa kwarto ni mama, nakatalikod siya sakin, alam ko naman na ayaw niyang makita kong umiiyak siya
''Ma...'' tawag ko
''Tapos ka na bang kumain? Teka lang at ililigpit ko'' tumayo siya sa kama pero nakatalikod padin sakin, aalis na sana siya pero pinigilan ko siya, niyakap ko siya sa likod
''Ma, I'm sorry, I shouldn't say that to you, I'm sorry ma, please forgive me, I didn't ment to hurt you'' napaiyak na din ako
Medyo matagal kami sa pusisyong iyon hanggang sa tinanggal ni mama ang kamay ko sa bewang niya, akala ko aalis siya pero bigla siyang humarap sakin.. Wala ng luha sa mata niya
''Huwag ka ng umiyak anak'' lumuhod siya ng onti para makaharap ako, pinunasan niya ang luha ko
''I'm sorry, ma'' tapos umiyak na naman ako at niyakap siya
Niyakap niya din ako at hinahaplos niya ang likod ko
''Shhh...'' naririnig kong pinapatahan ako ni mama habang nakayakap sa kanya
*end of flashback*
Kaya ayun, nagbati kami ni mama at pinangako ko sa sarili ko na hindi na ako magpapaiyak pa ng kahit sinong babae kaya nga ayun ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi padin ako nagkakagirlfriend, naatatakot pa ako eh, baka masaktan ko lang sila... Pero nung unang met namin ni Taffy, hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko sa kanya, hindi katulad ng ibang babae pag nakakaharap ko...
Kakaibang babae si Taffy, alam kong matapang siya pero sa loob looban niya ay may tinatago siyang hinanakit, kitang kita sa mga mata niya nung nagtama ang tingin namin nung bumugsak kami sa sahig..
Nung bumagsak kami sa sahig ni Taffy, hindi ko alam pero parang gusto kong titigan ang mukha niya, hindi ko pa siya natititigan ng ganoon ka lapit, pero nung nakita ko siya ng malapitan, dun ko lang napansin na ako......
''....Ang ganda niya'' sabi ko sa sarili ko habang iniisip padin ang nangyri kanina, bumalik na ako sa office pagkatapos ng pagsasagutan namin ni Taffy kanina sa labas, hindi ako makapagkoncentrate sa ginagawa ko dahil iniisip ko siya
Naguguluhan ako sa nararamdaman ko, parang ang sakit sa damdamin na tignan siyang umiiyak.. Ilang taon na din ang lumipas nung nasaktan ko si mama, kaya naman ngayon lang ulit ako nakakita nga babaeng umiiyak sa harapan ko.... Masakit talaga...
''Haaayyy!! TAFFY GET OUT OF MY MIND!!'' naka-picture sa utak ang itsura ni Taffy habang umiiyak (nasa side po ang gifpicture ni Julia habang umiiyak) kaya napasabunot nalang ako ng buhok ko at hinilot ang sentido ko
''Sir.. Okay lang po ba kayo?'' tanong ng sekretarya ko nung binuksan ang pinto
''Ahh..yes'' nag-nod nalang siya at sinara na ulit ang pintuan at umalis na
''Ano bang pakay mo sa buhay ko? Bakit mo ako pinapahirapan ng ganito?'' bulong ko sa isip ko.... Hindi ko din alam ang sagot
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nyahahaha, nagdadrama si author XD So ganito kasi, medyo comedy (weh.. di nga?) at madrama tong storya ko, kaya kung bored kayong basahin toh, shuppii shupii shupii nalang! :)
May twist na magaganap, next chapters are revealing! So kung intresado kayo sa Revealing Chapters, keep on reading :) Hihihiihi
Aneybey! Nakakalimutan ko na, meron din palang NLEX sa storya ko! Hayy XD Soiiree naman kung nakalimutan, lola na nko eh! XD Hahaha jK
-The baliw author
BINABASA MO ANG
PAST (ON-HOLD)
FanfictionALL OF THEM HAD A HORRIBLE PAST, COULD THEY LET GO OF IT? COULD THEY FORGET ABOUT THE PAST AND MOVE ON? WHAT IF THE PAST ALWAYS HURT THEM? WHAT IF THE PAST IS THE REASON WHY THEY ARE STILL HERE? ..... Read this to KNOW. WHAT. IS. THE PAST