Hello NLEX FANS! Ikinalulungkot ko, iaalis ko na ang NLEX dito kasi hindi ko sila masingit sa mga scenes pero!, gagawan ko nalang sila ng sariling fiction~ ! Kyaa!! :) Di ko pa alam kung mga kailan! Bastaa! :)
To all my readers!! Sorry po!! Ang tagal kong hindi nag-update!! Super busy po ako nung March ei, pravtice ng graduation! :D So un! Ito na ang next chapter ko!! Hihi Hayaan niyo! Babaawi ako! :)
Enjoy reading :)
----------------------------------------------------------
Dj's POV
Nag-antay kami ni Michi hanggang matapos ang pag-donate ni Chen ng dugo para kay Taffy
''Hindi ko akalaing siya yung sinasabi mo'' tumingin si Michi saakin at nagpilit ngumiti
''Di mo na kailangang mag-pilit ngumiti kung ayaw mo naman'' sabi ko sa kanya ng nakangiti
''Sorry..'' sabi niya at umiwas ng tingin
''*sigh* Look, I'm sorry, di ko naman talaga al---'' pinutol niya yung pagsasalita ko
''Shhh. ano ka ba! Ang mas mahalaga ngayon, ligtas si Taffy.....sana..?'' sabi niya na may lungkot sa mukha
''Ano ka rin! Ligtas yun, siya pa'' ' trinay kong pasiglahin ang boses ko at nakita ko namang medyo ngumiti siya
''Hay, sana nga okay siya''
Hindi pa rin ako makapaniwala na si Chen ang dahilan kung bakit nag-away si Michi at Taffy
Lumabas na ang doktor
''Okay na, itratransfer nalang kay Taffy ang dugong dinonate ni Mr. Dee and then after nun, ligtas na si Ms. Montes'' sabi ng doktor na may ngiti sa labi
''Maraming salamat po doc'' sabi ni Michi na may ngiti rin sa labi
''At si Mr. Dee nasa loob siya, nagpapahinga, bawal kasi siyang mastress dahil kaka-donate niya lang''
''Pwede po ba kaming pumasok?'' nagulat ako sa tanong ni Michi
''Of course, pero wag niyo lang siyang i-stress''
''Ah sige, salamat po''
''You're welcome. Sige Ms. Bernardo at Mr. Padilla, mauna na ako''
Tumango lang kaming dalawa ni Michi
''Puntahan natin siya'' sabi ni Michi saakin na ikinagulat ko
''Sigurado ka?''
''Oo naman'' sabi niya ng nakangiti pero hindi na pilit
Pinuntahan namin ang room kung nasaan si Chen, kumatok na ako
''Pasok'' narinig naming sabi Chen galing sa loob
Nagulat si Chen nung pumasok si Michi kaya napatayo siya
''No, no! Wag ka ng tumayo, baka mabinat ka niyan'' sabi ni Michi at hinawakan ang magkabilang balikat ni Chen at pinaupo siya
''Ano ka ba! Sa lakas kong toh!'' pinakita pa ni Chen ang muscles niya kay Michi
''Aho.. di ka padin nagbabago'' sabi ni Michi na medyo natatawa (Aho- Idiot)
''Aho?? Naaching ka ba?, gusto mo tissue??'' sabi ni Chen, di ko din kasi naintindihan sabi ni Michi
''AHO!! Hahaha'' tawa ng tawa si Michi
''Ha..?'' nasabi nalang ni Chen
''Wala! Ah. Dj, can you please give us a minute?'' sabi ni Michi sakin ng nakangiti
BINABASA MO ANG
PAST (ON-HOLD)
FanfictionALL OF THEM HAD A HORRIBLE PAST, COULD THEY LET GO OF IT? COULD THEY FORGET ABOUT THE PAST AND MOVE ON? WHAT IF THE PAST ALWAYS HURT THEM? WHAT IF THE PAST IS THE REASON WHY THEY ARE STILL HERE? ..... Read this to KNOW. WHAT. IS. THE PAST