ConflictExam day. Last exam na namin pero mamaya pa yung kasunod kaya pumunta ako sa school nila. Di siya ang pinunta ko dahil niyaya ako ng mga kaibigan ko na manuod ng street dancing. Alam ni lang gustong gusto ko ang street dance kaya pinapunta nila ako.
Pumunta ako mag isa dun, wala siya sa school nila. Nasa bahay daw siya kaya okay lang di kami magkita dahil baka magsawa yun sa pagmumukha ko. At medyo umuulan na rin.
Nakarating ako at sinalubong ako ng mga kaibigan ko. Dito rin nag aaral ang mga pinsan ko. Tinanong nila kung kasama ko daw siya, sabi ko naman hindi dahil galing ako school. Exam
"Tara doon tayo!" Sabi ni Dia.
Tinungo namin ang malaki at mahabang bleachers nila na marami rami na ring nakaupo. Nakisiksik na lang kami dahil may upuan na kami.
"Oy Amanda maganda!" bati sa akin ni Ley. Naghigh five kami.
"Di daw magpunta si Ivan dito?" Tanong ni Ley.
"Di ko nga din sure. Ang sabi ko lang magpunta ako school niyo para manuod nito." Sagot ko habang tinitingnan ang kabuuan ng school.
Malaki talaga itong school nila lalo ang field. Sa field gaganapin ang street dancing. Di pa rin nagsisimula dahil may inaayos. Di na rin natuloy ang ulan. Hay salamat.
May number na rin ako sa kanya kaya no worries.
Nagtext siya "Saan ka bii? Pupunta ako dyan." text niya. Nagreply din ako kung saan siya. At magtext kung andito na.
"Pupunta daw siya." Sabi ko.
Nagkita na rin. Pinakilala niya ako sa mga kaibig niya. Inasar pa nga ako.
Days went well. Okay kami, walang away o tampuhan.
"Walang hiwalay bii ha." Yan parating sinasabi niya.
Syempre hindi naman ako magpahiwalay sakanya dahil mahal ko siya at wala akong nakikitang rason para hiwalayan siya.
Alam kong seryoso sa akin. Nag away na rin kami dahil sa isang baklang poser. Kainis yun! Ang landi! Nilalandi niya si bii. Ito naman gago, nagpapalandi. Sarap nga kutusan. Tss
Pero naging okay na rin dahil inaway siya ng mga bestfriends ko kaya tumigil ang issue.
Minsan wala na siyang time dahil kasali sa rampa at gaganapin sa school nila. Iba't ibang school ang kasali. Kaya panay parinig na dapat andoon ako, ichecheer ako or basta andun lang ako sapat na daa sakanya yun.
Syempre, as girlfriend, I'll support him no matter what. Nishare ko din yung picture niya thru facebook dahil paramihan daw ng likes.
Sinabihan ko lahat ng mga kaibigan at kakilala ko. Pati mga pinsan at kapatid ko.
Alam ng mga pinsan at kapatid ko na boyfriend ko siya. Okay naman sa kanila dahil mukhang seryoso din daw sa akin. Nakaone month na rin kami nung November *, 2015. Pero walang celebration, thru fb and text lang dahil busy kami pareho. Okay naman yun atleast kami pa rin diba?
Night before the event. Nagtext siya kaumagahan na samahan ko siya magpunta salon dahil magpapakulay siya ng buhok. So as gf, pumunta ako. Sinamahan ko siya at andun na rin yung mga baklang hahandle sakanya.
Medyo nahiya na rin ako dahil inaasar nila ako. Pero okay lang man. After kinulayan ang buhok nito, di ko inaasahan ang sabi nito sa akin.
"Bii. Sama ka sa bahay ha. Please." Sabi nito habang nakikinig ang mga bakla. Maghindi sana ako.
"Ipakilala kita." At mas lalo akong nahiya. Syempre di ko naman iniexpect na sasabihin niya yun sa akin.
"Ganda, sama kana. Maraming tao dun kaya good timing." Tapos tumawa ang bakla.
Kasama namin yung kuya niya ata sa pagpunta ng bahay nila. May mga taong nakatingin sa amin.
Nahihiya na nga ako. Medyo naiwan ako ng dalawa sa sobrang bagal ko maglakad.
Ikaw ba?! Di mahihiya na ipakilala ka sa magulang? Di ko alam ano ang nararamdaman ko. Sobrang kaba na ewan.
Ni hindi nga ako nakaprepared ng maayos, I mean paano magkausap o kamustahin dibaa? Basta kinakabahan ako. Mixed emotions kumbaga.
Nakarating nga kami, at totoo ng ang pagsabi sa akin ng bakla. Maraming tao. At nalaman kong bukas ay ikakasal ang kuya niya. Omg. Ano napasukan ko?
Tumingin sila sa akin. Napangiti na lang ako ng bahagya.
"May kamukha ka. Artista." Sabi sa akin ng isang kuya niya.
Narinig ko pa ang isang kapatid niya na nagsigaw "Mang! Andito na girlfriend ni Ivan!" Mas lalo talaga akong nahiya. What do you expect? Magfefeeling close? Ni di nga ako marunong makipag usap sa matatanda.
"Ah tama! Si Yen ang kamukha mo. Kilala mo?" Sabi niya sa akin habang nakatingin. (Si Yen po, yung sa All of me na palabas. Yung bida ata?)
"Opo." yan lang naman nasabi ko. Syempre nilamon ako ng hiya ko.
Dumating ang nanay niya, napasmiles siya. Pinakilala ako niya. Sa tatay, nanay, kapatid at mga tao dun.
Pinapasok ako at pinaupo dahil daw madami ang tao sa labas.
"Okay ka lang?" tanong ng nanay niya. Wooaa. Nahihiya talaga ako.
"Ah opo Tita." Ngumiti ito at may pinuntahan. Kami na lang ni Bii ang natira sa labas.
Kinuha niya phone niya at nagpapicture kami.
"Our first picture" kaya parang nawala yung kaba at napalitan ng saya. Sayang di ko maexplain. Atleast may picture na kami. Kami lang kasi ang couple na nagkaone month na ay wala pa rin picture.
Pagkatapos nun ay humiga ito sa lap ko at naglaro ng COC -_- diba? Mas mahal niya ang COC kesa sa akin.
Di naman ako nagtanong about sa laro dahil di ko rin maintindihan. Hinahaplos haplos ko na lang ang buhok niya.
"Nakaligo kana ba?" Tanong ko sa kanya. Masaya ako ngayon. Parang natatakot na akong mawala siya sa akin. Kaya iingatan ko talaga kung ano meron sa akin.
"Wala pa. Wait lang bii ha. Maligo muna ako. Dito ka lang ah?" Bumangon siya tapos tumayo na.
"Dyan ka lang. Gamitin mo muna phone ko." Sabi niya. Kinuha ko ito at nagtingin tingin na lang ng picture nang tawagin niya ako.
"Bii!" Tumingin ako sa kanya at nagsalubong ang mga kilay ko. Ano trip niya?
Nakatapis lang ito pero nakatshirt pa rin. Parang baliw.
Nagsimulang nagkilos ng parang wrestler. Pinakita ang nga muscle nito habang tumatawa. Napatawa na lang ako. Hindi ako DM dahil kahit mga pinsan o kakilala ko na lalaki ay nakikita ko lang nakatapis o nakaboxer short lang so parang wala labg sa akin.
Tumabi ito sa akin at nagtaka naman ako.
"Di ka pa maliligo?" Tanong ko sa kanya habang inilapag ko ang phone niya sa mesang nasa harap namin.
"Maliligo na bii." At tumawa naman ito. Pinakita niya ang legs niya sa akin sabay sabing "Ang puti no?" Habang tumatawa siya. Napa "huh" na lang ako. Baliw talaga, eh mas maputi nga ako sakanya. Joke
Tumayo ito at lumakad patungo sa cr pero tinawag na naman niya ako.
"Bii! Dyan ka lang bii ha! Wag kang aalis dyan bii. Madali lang to." Paalam niya sa akin. Ang kulit nang lahi nito.
Kinuha ko ulit phone niya. Tiningnan ko ang mga kachat nya. Karamihan babae. Di pa masyado kasi niya ako napakilala sa mga lahat ng kakilala niya.
Malandi talaga siya kahit kelan. Tss pero okay lang akin bitaw siya.
YOU ARE READING
Love Story Ni Ms. Author
KurzgeschichtenLove story ni Ms. Author is based on true story. Chaaar. I'm not kidding, so if you want to or interested how my love life happened. Ito siya. PROMISE! MARAMING MAKAKARELATE SA LOVE STORY KO. Kung nag work ba siya or easily ended ba or ano ba ang n...