Last two chapters na lang.
Nandito ako ngayon sa wedding ng Kuya niya. Late nga ako nakapunta pero okay lang. Parang nakacouple kami dahil siya ay nakablack shirt dahil bagong palit lang at ako naman ay black and white strip long sleeve.
Nasa photobooth kami. Hinihintay na lang na kami ang sunod, gusto niyang magpicture din kami kaya umoo na din ako.
Panay tawa ako dahil todo suporta ang mga taong nakapaligid sa amin kesyo daw ito daw ang hawakan namin na placard na may nakasulat "I'm his girlfriend, I'm her boyfriend" "Road to forever" etc. Tumatawa lang kami.
Umupo muna kami. Nakakapagod din pala.
"Kain tayo maya Bii ha." Biglang yaya niya sa akin. Okay lang naman sa akin.
Ngumiti ako "Saan?" Sabi ko.
"McDo tayo Bii." Sabi niya na nakatitig saakin at ngumiti ito sa akin. Nawala na naman ang mga mata niya.
"Sige. Gutom na rin ako." hinintay na lang namin ibigay ang picture namin.
Nakuha din namin ito and the rest is sa facebook page lang nila. Titingnan ko lang mamaya.
Pagkatapos nang kasal, dumiretso kami sa McDo kasama ang baklang naghandle sa kanya.
Nag oorder siya ng marami. Napuno ang table namin. Ako lang ba ang gutom or pati siya?
Days went well. Oo maganda na ang sumunod na araw. Wala akong nakitang pwedeng maging rason para humiwalay sa amin.
Wala. As in wala. Mahal ko masyado siya. Seryoso ako sa kanya. Sa sobrang seryoso di ko alam kung bakit..
Isang iglap. Sa isang iglap.
Shit. Sa isang iglap lang talaga.
Nasira kami.
Di ko alam kung bakit. Di ko alam kung ano ang dahilan.
Mamamatay ang gumawa ng "DAHILAN!"
Isang araw, niyaya akong magsama ako sa kanila pumunta sa G******n kasama ang mga pamilya at ibang relatives.
Oo. Ang sweet niya pa sa akin that time. Sa sobrang sweet pwede na kaming langgamin. Fck!
Ang sweet nya.
Pero ano nangyari?!
Sinabi kong magpapaalam ako sa parents ko kung papayagan nila ako.
Sa aking father ako nagpaalam. Marami siyang tinanong about doon. Sinagot ko naman ng mabuti.
Akala ko pumayag siya kaya sinabi kong baka makasama ako. One day lang naman yun, atsaka pupunta din ang mga kaibigan ko kaya doon ako makikisabay sa kanila.
Pero di pala ako pinayagan. Pinagalitan ako. Di ako pinayagan ng tatay parents ko.
Di nila ako binigyan ng allowance that time, natakot ako sa kilos ng tatay ko. Di niya ako pinapansin. Ayaw nya man lang ako makita at kausapin.
Nasaktan ako doon. Sobrang nasaktan dahil Papa's girl pa naman ako. Pati ang kapatid kong babae ay nadamay.
Nalungkot ako. Sinabi kong di ako makasama dahil di pala ako pinayagan. Nag assume lang ako ng sobra.
That day, nagsimula siyang bigyan ako ng cold treatment. Di ko alam kung bakit. Dahil ba sa di ako natuloy sumama sa kanila? Ganoon ba yun?
Ilang araw na hindi kami magkatext o magkachat. Tinatawagan ko siya kaso out of coverage. Natatakot ako na dahil dun ay makipaghiwalay siya sa akin.
Nagdaan ang Christmas.
December 31, 2015. The day my heart turned into million pieces.
Hindi lang million pieces. Feeling ko piniga piga ito hanggang di ako makahinga.
Di ko alam kung yun ba ang rason o meron pa?
Nasaktan ako. Sobrang nasaktan kulang na lang puntahan ko siya kung nasaan siya at magmakaawa.
Oo. I am desperate and dissapointed, too. Nasa stage of denial ako na di ako maniwala na hiniwalayan niya ako ng di ko malaman kung bakit.
Tangnang dahilann yan kung ano man yun. Hindi ko pa rin matanggap. Kinukwento ko sa sa dalawa kong bestfriend kung ano nangyari sa amin. Both of them were shocked. Hindi rin nila matanggap ang nangyari sa amin. Oo masakit.
Di pa ako nakakaranas ng ganitong feeling. Yung iiwan ka ng taong minahal mo ng totoo na wala man lang paalam o explanation na binigay sayo.
Hindi niya man lang inalam kung ano ang magiging reaksyon mo sa desisyon niya.
I texted him in many times and asked him why? What his fcking reason?! Na bakit ganito ang nangyari?
Okay naman tayo. Sa sobrang okay di ko alam may ganitong mangyayari sa atin.
I tried to fixed our relationship again in normal. Pero siya mismo ayaw niya.
Tinadtad ko siya ng tanong. Di ko na alam kung ano ang gagawin ko.
At tangnang rason ito:
"Sorry bii 😭😭 Siguro mangyayari talaga ito sa atin. Mahal na mahal kita. Minahal kita ng sobra bii. Pero bii, siguro kailangan natin ng space at oras para sa isa't isa. Minahal kita sobra. Alam mo yun diba?"
Tangnang rason yan! Nasasaktan ako kapag tinatawag niya akong bii.
Mas lalong piniga ang puso ko.
MAHAL NA MAHAL NIYA PALA AKO EH! E BAKIT KELANGAN PANG HUMANTONG NG GANITO?! PWEDE NAMAN PAG USAPAN YANG TANGNANG SPACE AT ORAS!
AKALA KO WALANG HIWALAYAN! TAPOS IKAW MISMO ANG NAGSABI, SAYO MISMO GALING NA WALANG HIWALAYAN PERO ANO TO?!
Nagtext pa ulit siya. Inopen ko naman yun at nagpray baka ginogood time niya lang ako. O inaasar o tinetest hanggang saan ang makakaya ko.
"Sorry bii talaga 😭 Alam kong nagalit na din sila Iza at Sheena sa akin 😔 pero sana patawarin mo ko. Mahal na mahal kita. Gusto ko muna magfocus sa pag aaral at ikaw din, para makafocus ka din. Kung tayo talaga sa huli. Magiging tayo. Iloveyou bii 😘😔😭😭"
Gusto ko nang magbreak down pero kakayanin ko hanggang mafix ko 'to.
I tried to fix again. At alam kong nagmumukha akong desperado sa ginagawa ko sa pagsuyo sa kanya. Alam kong lalaki ang dapat magsuyo pero tangna! Wala ako pakialam basta maging okay kami. Maging kami ulit. MAGING AKIN SIYA ULIT. Yun ang importante ngayon.
Nagsusumano ako sa kanya na kaya pang ayusin ito. Wag siyang ganun. Mahal ko siya. Kung kailan ako nagseryoso ay doon naman ako ULIT iwan at saktan.
Akala ko ba di niya ako iiwan at sasaktan?
Text pa rin ako ng text sa kanya. Hanggang di na niya ako nireplyan :( Doon ako nawalan ng hope.
Bakit ganun? Wala na ba sakanya lahat? Itatapon na ba agad agad? :'((
Minahal niya ba talaga ako? O panandalian lang?
Ano ba ang totoong rason kung bakit niya ako iniwan sa ere?
Oo. Sinalo mo nga ako. Pero in the end, sasaktan at iiwan mo din pala ako.
Sana maging masaya ka sa desisyon mo. Ginawa ko ang lahat para magkaayos tayo. Pero ikaw mismo ang nag ayaw. Nagmukha na akong desperada sa ginawa ko pero wala pa rin sayo.
Sana. Sana. Kahit sinabi mo man lang ang totoong rason kung bakit hindi yung iniwan mo akong mukhang tanga at nangangapa ng rason mo.
YOU ARE READING
Love Story Ni Ms. Author
Short StoryLove story ni Ms. Author is based on true story. Chaaar. I'm not kidding, so if you want to or interested how my love life happened. Ito siya. PROMISE! MARAMING MAKAKARELATE SA LOVE STORY KO. Kung nag work ba siya or easily ended ba or ano ba ang n...