Malapit ng matapos! Yieee!Rampa
Bago kami makaalis sa bahay nila ay panay bilin sa akin ng nanay niya dapat ganyan ganito. Tingnan mo lang siya dun. Ibigay mo to sa kanya chuchu. Marami pang bilin at karamihan yun at hindi ko maintindihan. Oo lang ako ng oo sa kanya.
Binigay niya sa akin ang limang ticket para sa dalawa kong bestfriend, sa isang pinsan ko at para sa akin. At yung isa ay kung sino gustong humingi nun.
Umuwi ako ng bahay at nagpalit na rin. Ala-sais ang usapan namin ng mga kasama ko. Kaya nagbihis na agad ako dahil past 4 na rin.
Binasa ko pa ang text ni bii
"Pangit kong bii! 😘 Ang babaeng pinakamamahal ko! 😘😘 Ikaw lang ang lakas ko para mamaya. Punta ka talaga bii ha! I love you pangit kong bii! 😘😘"
Napangiti ako sa text niya. Pinasok ko ang cellphone sa bulsa ko. Wag kang mag alala magwawala ako mamaya para sayo.
Pumunta na ako doon. At hinintay ang mga kasamahan ko.
May iilabg texts siya saakin
"Bii. Punta ka ha? Iloveyou 😘"
"Babaeng mahal ko. Nabobored ako dito. Saan ka?"
"Bii. May libro ka dyan? Pwede hanapan mo ko? 😔 Kelangan pala daw."
Nagtanong naman ako sa pinsan ko dahil malapit din naman ang boarding house niya dito.
Kumain muna kami bago pumasok sa school nila. Marami na rin taong andun. Pumasok na kaming apat. At humanap ng magandang maupuan. Nasa pangalawang upuan kami para kita niya agad ako at marinig ang sigaw ko. Hahaha
Malapit na rin magsimula kaya pumunta muna ako sa backstage para ibigay ang librong hinihiram niya.
Bale nakatalikod ako sa mga audience, ang nadatnan ko na lang ay ang baklang nakahandle sakanya.
"Si Ivan po?" Tanong ko sa kanya. Napasmile naman siya. Malapad na smile
"Ikaw pala Hija." nakatodong smile pa ito sa akin. Nagtaka naman ako
"Opo. Naghiram kasi sya ng book. Pwede pong ibigay mo na lang sakanya?" Favor ko sa bakla. Mas lalo itong ngumiti. Kumunot noo na ako.
"Ano muna ang sabihin mo sa kanya?" Sabi niya. Nagets ko naman ang ibig niyang sabihin. Nahiya naman ako.
"Pakisabi pong goodluck." Yan lang naman ang nasabi ko. Mas lalong ngumiti yung bakla. Nakakainis ha.
"Walang I love you I love you Bii? Hahaha." At mas lalo akong nahiya.
"Oy. Wag mong ganyanin si Bii." Napatingin ako sa nagsalita sa likod ko. Leshe kahiya andito pala siya. Bat di ko yun naramdaman?
Todong smile din siya. Syet! Ang gwapo ng boyfriend ko.
"Oh." Sabay bigay ko sa libro.
Kinuha naman nito at tumawa. Pinisil naman niya ang ilong ko. Parati niyang pinipisil ang ilong ko. Ewan kung bakit -__- Siguro nakyukyutan. Haha
"Ano? Ano sabihin mo sa akin? Wala goodluck kiss dyan?" Biro niya sa akin habang nakangisi. Pinalo ko siya. Gago talaga kahit kailan
"Heh! Basta goodluck ha! Magsisigaw ako!" Sabay tawa ko.
Nagsimula na rin ang rampa. Lahat ng tao nagsisigaw kung sino ang bet. Panay sigaw naman kami ng bestfriend kapag lumalabas na siya. Ang pinsan ko naman ay nahihiya sa pinaggagawa namin lalo na sa akin. Yumuyuko naang ito habang tumatawa.
At nasa Q and A na. Bawat contestant ay kinamusta, kung sino gf, sino ang nandito etc hanggang siya na ang tinanong.
"Goodevening Mr. Ivan." Sabi ng emcee sa kanya. Napapatawa na lang kami sa ginagawa namin. Kami lang ata ang grabi umingay at sumigaw.
"Goodevening po." Sabi naman ni Bii.
"So, sino naman ang pinapasalamatan mo ngayon gabi?" Tanong ng emcee sakanya. Nakatitig lang ako at naghihintay kung ano ang sasabihin nito.
"Ah. Nagpapasalamat po ako sa lahat ng sumusuporta sa amin, sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko at lalong lalo na sa girlfriend ko na pinayagan pumunta dito. At todo suporta sa akin" Sagot niya at tumingin sa gawi namin. Nahiya naman ako sa huli niyang sinabi. Nagsisigaw naman ang dalawa kong bestfriend na si Iza at Sheena sa sobrang kilig.
"Ah. May girlfriend kana pala. Pwede mo bang ituro?" Mas lalong tumibok ang puso ko.
"Ayun po." Itinuro niya ako, nagsisigaw naman ang mga tao dun at nagsilingunan ang sa amin banda. Napayuko ako sa hiya kaya ang nakita ng emcee ay ang mga nakahilerang mga bakla sa likod ko.
At ang mas masakit ay sinabunatan ako nila Iza at Sheena sa sobrang kilig. As in sabunutan. Sumakit nga ulo ko doon sa ginawa nila. Mga leshe sila dapat ako ang sobrang kiligin.
Nagtatalon naman ang bakla na nasa likod dahil feeling niya siya ang tinuro ni Bii. Eh sabunutan ko kaya ito?! Nagtawanan ang mga tao.
At mas lalo akong nahiya dahil ang nasa harapin namin ay ang mga tita niya. Di ko man lang napansin sa sobrang suporta! Kahiya! Nginitian lang nila ako. Waah! Lupa! Bumuka ka! Ngayon na! Bumuka kaaaaa!
Natapos ang event. Pinuntahan ko siya, hindi siya nanalo pero okay lang. Para sa akin, siya ang nanalo.
Niyakap niya ako matapos niya akong makita na nagtatakbo sakanya haha. Pero di ko napansin ang mga barkada niya kaya napatayo ako ng mabuti. Nahiya ako syempre.
"Okay lang yan." Sabi ko sa kanya. At nagpaalam na kunin muna yung libro sa likod dahil baka mawala. Pumuyag naman ito.
After the event. Ihahatid niya sana ako kaso di ako pumayag dahil andyan lang naman sa harap ang boarding house ng pinsan ko. Sila Iza at Sheena ay susunduin ng bf ni Sheena.
Hinatid nita kami sa gate lang at nagbabye na rin.
Ngumiti siya sa akin ng todo. Ang gwapo niya lang talaga.
"Ingat ka bii. Magtext ka agad kung nakarating na kayo dun. Babye!" sabi nito.
Nagbabye na rin ako sakanya.
Nakatulog ako ng maayos. Hay salamat!
YOU ARE READING
Love Story Ni Ms. Author
Short StoryLove story ni Ms. Author is based on true story. Chaaar. I'm not kidding, so if you want to or interested how my love life happened. Ito siya. PROMISE! MARAMING MAKAKARELATE SA LOVE STORY KO. Kung nag work ba siya or easily ended ba or ano ba ang n...