*Tenen tenen*
Aga aga may nagtetext! Di ako sanay okay?! Pagtingin ko, galing kay Pats. Ano nanaman bang kailangan nun sakin?! Ah! Tinatamad pa ako tignan! Later nalang.
*Tenen tenen*
Kulit ah! Nang tignan ko, siya nanaman! 10am palang nagtetext na! Nangaasar ata 'to eh!
*Tenen tenen*
"Sh*t!"
"Ano ba Trish. Sagutin mo na nga! Ingay ingay ng telepono mo!" See? Pati si kuya naiistorbo na.
Binuksan ko yung message niya.
From: Pats
Hoy Pats! Gumising ka na! Tulog mantika ka nanaman eh!
From: Pats
Bad morning! Gising na hoy!
Parang tanga 'to! Sinira na nga yung umaga ko tapos sasabihing 'Bad Morning' Tama ba naman yun?!
From: Pats
Hoy! Gumising ka na! Papunta na kami diyan sa bahay niyo! Pag naabutan kitang tulog, humanda ka sa panggising ko sayo! :P
WHAT WAS THAT?! Papunta sila dito?! Sino sila?!
To: Pats
Teka! Anong papunta na kayo dito?! Sino kayo?!
*Tenen tenen*
Buti naman mabilis 'to magreply.
From: Pats
Malapit na kami! Sabi kasi ng magulang ko, gusto ka nila makilala, puntahan ka daw namin ngayon. Tapos tumawag ako sa landline niyo kanina, tulog ka pa daw. Edi sinabi ko nalang sa Mama mo na pupunta kami diyan. Pumayag naman sila eh.
WHAT?! Seriously?! Pumayag sila Mama na pumunta 'tong pamilya ni Patrick dito?! Malas nga naman oh!
To: Pats
What the hell?! Ano ba naman yan! Where the hell did you get our landline? And, di mo naman alam address namin! :P
From: Pats
Secret! Madami akong source! :P
Napaka-epal talaga nito! Haynako! Inaantok pa ako eh! Bwisit talaga!
From: Pats
Oy Pats! Pats! Pats! Maligo ka na! You should look presentable sa harap nila Mom at Dad! Ayokong mapahiya! Baka sabihin nila, ang baba ng standards ko pagdating sa friends. :P
Eh g*go pala 'to eh! Mukha naman akong tao kahit papano! Ako pa ang hindi presentable ngayon?! Jusko ang aga aga, umiinit ulo ko!
To: Pats
Alam mo, ikaw, napakakapal ng mukha mo! Ang aga aga pinapainit mo ulo ko! Bwisit ka! Don't talk to me!
From: Pats
Tsss. Arte mo! Magayos ka na nga lang diyan! Ilang streets nalang, nandyan na kami.
At ako pa ang maarte?! Makaligo na nga! Bwisit talaga! Bahala siya! Di ko siya papansinin mamaya para mapahiya siya! :P
BINABASA MO ANG
Best Friend Lang Ba Talaga?
Teen FictionKaramihan sa atin ay hindi maiiwasan ang ma-in love sa best friend natin. Pero mahirap din kapag sa kanila tayo na-fall eh. Paano kung BEST FRIEND LANG TALAGA ang tingin niya sayo?