Natapos na ang New Year and we still remained friends. Lmao hindi ko pa rin alam kung ano ba tong nararamdaman ko para sa kanya pero these past few days hindi na kami masyadong naguusap. Yeah, unfortunately. Minsan iniiyak ko nalang kasi miss na miss ko na talaga siya eh. Ewan ko ba bigla nalang kaming hindi nagusap.
Okay inaamin kasalanan ko talaga kung bakit hindi na kami naguusap. Kasi naman siya eh ang kulit kasi eh nahihirapan na nga ko sa feelings ko edi ayun nasigawan ko tuloy. Nagtampo ata kaya simula nun hindi na siya nagtext or tumawag.
"Should i text him? Ano naman sasabihin ko, 'hello?' or 'yo patrick musta buhay'" napatingin ako sa bago kong kaibigan na si Ree, seatmate ko siya for this 4th quarter at sobrang close na namin ngayon.
"Hoy ree hindi ka naman nakikinig eh!"
"Itext mo na kasi ikaw may kasalanan magsorry ka lang!"
"Ehhhhh..." reklamo ko. Nahihiya kasi ako kay Pats di ko dapat siya sinigawan nun eh.
*flashback*
"Patsss oy busy ka ba punta ko sa inyo ha" text sakin ni Patrick eh wala akong load nun kaya di ako nakareply agad. Ayun nagayos nalang ako ng sarili syempre, nagpalit pa ko ng maayos na damit tapos humiga muna, pinakalma ko sarili ko at malalim na nagiisip kasi kinakabahan ako baka ma-awkward ulit ako eh. Maya-maya nagulat ako biglang may pumasok sa kwarto ko aba naman dire-diretso!
"HOY ANO BA NAMAN YAN DI KA BA MARUNONG KUMATOK" hindi niya ko pinansin bigla nalang humiga sa tabi TAPOS BIGLA BA NAMAN AKONG NIYAKAP NAKAKAINIS!!
"ANO BA PATRICK P*NY*TA NAMAN OH" inalis ko yung kamay niya na nakayakap tapos natulak ko siya ayun nahulog sa kama. Di ko naman sinasadya eh nagulat lang ako.
"ARAY KO NAMAN ANO BA PATS PAG AKO NABALIAN"
"EH IKAW NAMAN KASI BAKIT BIGLA KA MANGYAYAKAP"
"BAKIT MASAMA BA"
"OO BAKIT"
"ANO NAMAN KINASAMA NG PAGYAKAP HA"
"FCK YOU UMALIS KA NA NGA AYAW KITA MAKITA OKAY"
"WHAT?!"
"I DONT WANT TO SEE YOU OKAY DONT YOU EVER TOUCH ME AGAIN. STAY AWAY FROM ME SO CAN YOU JUST PLEASE LEAVE ME. NOW."
"okay. fine." humina yung boses niya nung pagkasabi niya nun tapos tumalikod na sakin at lumabas na siya ng kwarto padabog.
*end of flashback*
Naguilty ako bigla. Ano ba naman kasi tong nasabi ko eh. Hindi ko naman talaga sinasadya na sabihin yun ugh.
"Text mo na jusko naman Pat."
"Eh nahihiya nga ako baka di ako pansinin ayoko naman mareject." tbh ayoko kasing narereject. Ewan ko wala pa naman akong experience pero ayoko lang lol.
"Eh ano iiwas ka nalang habang buhay ganun?"
"Hindi ah wala kayang forever"
"Edi kausapin mo na kasi magsosorry ka lang naman. Pinapahalagahan mo ba friendship niyo?"
"Syempre naman 'no.. Baka kasi hindi niya ko replyan, baka hindi na niya ko tinuturing na kaibigan, baka kinalimutan na niya ko, eh ugh ano ba naman to ang hirap" di ko maiwasan hindi maluha kasi nasasaktan na talaga ako. Miss na miss ko na siya eh alam niyo yun but i dont have the guts to send him a message.
"Text mo na. Kung importante siya sayo, wala kang pakielam kung papansin ka o hindi, kung rereplyan ka o hindi. Just take the risk. Kung hindi ka pansinin, edi okay just move on. Kung papansinin ka edi congrats. If you love someone, you need to take risks for that person." Woah there ang haba ng speech ni ateng hugotera lang lmao. But i guess she's right, kung importante siya sakin, kailangan ko nang gumawa ng move para magkaayos kami. At para na rin hindi ko siya iniiyakan 'no, para masaya na ulit ako.
"Thanks Ree sa mga hugot mo, kelan ka pa naging ganyan nak. Pero fyi, crush ko lang siya, hindi LOVE." kinuha ko na yung phone ko at nagsimula na magtype.
" Hi patrick :))) musta na—" yan yung una kong tinype pero binura ko.
"Uhm hi :) Pats sorry nga pala—" binura ko ulit.
"Dear Patrick, —" binura ko nanaman, ano to diary?
"Pat ano ba nobela ba yang itetext mo at kanina ka pa nagtatype diyan," lumapit siya at tinignan yun screen ng phone ko, "ANO BA YAN BAKIT WALANG NAKASULAT KANINA KA PA NAGTATYPE!!"
"EH KASI NAMAN DI KO ALAM SASABIHIN KO"
"haynako bahala ka nga, aalis na muna ako ah see you tomorrow bye!" okay siguro makakapagconcentrate na ko nito mag-isa nalang ako.
After 2 hours, finally nasend ko na din kay Patrick yung message, oo dalawang oras ako nagisip, eto sinabi ko,
" Uhm hi patrick :) first of all, gusto ko sana magsorry sa lahat ng mga nasabi ko sayo dati hindi ko naman talaga sinasadya yun eh i swear im so sorry talaga, medyo wala lang ako sa mood nun kaya kita nasigawan. Maiintindihan ko naman kung galit ka pa rin sakin eh kasalanan ko naman. Okay lang kahit di ka magreply pero i'll be waiting. Sorry na Pats please. I hope you're doing great right now. I miss you :( x "
Hinintay ko tumunog yung phone ko pero 4 hours na ang nakalipas pagkatapos ko isend kay Patrick, wala paring reply. Hinintay ko parin, pagtingin ko sa oras 11:11pm na, nagwish ako, "Sana naman maging okay na ulit kami ni Patrick please."
12 am na, wala parin, siguro galit parin siya. Matutulog na lang muna ako, maghintay lang ako sa wala.
Pinilit kong matulog haha guess what di ako makatulog. Tinignan ko yung phone ko pero wala pa rin talagang reply. Di na ako aasa magkakaayos kami. :(
"🎶 Waking up beside you im a loaded gun i cant contain this anymore im all yours i got no control 🎶" ano ba yan madaling araw may nagtetext nakatulog na nga ako nakakainis naman eh, buti nalang 'No Control' by One Direction ang ringtone ko nakakabuhay ng diwa, pakinggan niyo yung kantang yan promise matutuwa kayo, pwede niyo idownload sa iTunes or pakinggan niyo sa Spotify, sorry nagpromote ako hehe. PERO WAIT WHAT MAY NAGTEXT OHMWYDJS.
Agad agad kong tinignan kung sino nagtext, GUESS WHAT IT'S HIM.
—————————————————————————————————————————————————————
hi im really sorry kung ngayon lang nag-update feeling ko kasi walang nagbabasa :( im planning to delete this pero kung may nagbabasa itutuloy ko yung story :) please let me know if you are still interested to read, thank you so much :) x
by the way, pakinggan niyo yung 'No Control' by One Direction, tapos comment kayo pag pinakinggan niyo hahaha salamat!! :) x
BINABASA MO ANG
Best Friend Lang Ba Talaga?
Novela JuvenilKaramihan sa atin ay hindi maiiwasan ang ma-in love sa best friend natin. Pero mahirap din kapag sa kanila tayo na-fall eh. Paano kung BEST FRIEND LANG TALAGA ang tingin niya sayo?