*RIING*
5 minutes before Christmas!!! Yehey! Excited na ako magbukas ng regalo!
*RIIING*
Sino naman kaya yung tumatawag sa ganitong oras? Malapit na mag-count down may tatawag pa rin?
"TRIIIIISH! TELEPONO!!!" Ay joke. Para sakin pala hahaha. Weird bakit may tatawag? Baka yung best friend ko 'to.
"Hello?" sabi ko.
"Pats?"
"Hi. Sino 'to?"
"Sino pa ba? Edi yung gwapo mong kaibigan!" Gwapong kaibigan.... Si Marco? or si Patrick?
"Wow ha. Sino nga?"
"SI PATRICK."
"Oh hello! Gwapo ka diyan! EEW!"
"Ang sama nito! Pasko naman eh! Pagbigyan mo na ako"
"Lol whatever. Napatawag ka?"
"Wala lang! Hahaha"
"Ay grabe ha. Ano yun trip mo lang?"
"Hindi. Kasi gusto ko sabay tayo mag-count down habang hinihintay ang Pasko."
"Wow. Lol okay." Okay. Gusto niya sabay kami mag-count down. WAF.
"AYAN NA PATS! 5! 4!"
"3. 2. 1." sumabay na din ako sa pagbilang.
"Merry Christmas Pats! I love you!" sabi niya. Ang saya saya niya, haha. I love you daw.
"Merry Christmas din!" sabi ko.
*BOOM!*
*BOOM*
*BOOM*
Okay bakit may fireworks? Or baka ako lang nakarinig? Pasko diba? Eh sa pagkakaalam ko, sa New Year lang may fireworks? Bakit parang pati sa puso ko, may fireworks? Lol. Ano ba tong pinagsasabi ko. SO NOT ME. Ang corny ko sobra.
"Pats? Still there?"
"Oh yeah haha sorry. Ano ulit sabi mo?"
"Sabi ko Merry Christmas sa family mo!"
"Ah sabihin mo din sa family mo Merry Christmas"
"Yeah sure haha. Open my gift first ha" sabi niya. Bakit ganyan siya magsalita.
"Ang conyo mo naman hahaha! Sige kakain na kami! Bye"
"Bye Pats!"
-- Christmas Day --
"Trish, gising na, magsisimba pa tayo"
"Trish gising na, maligo ka na"
"Trish--"
"Mmm..."
"Pats...' wait ano daw? Pats? Napamulat ako at nakita si Patrick nakatayo sa harap ko.
"Uy bakit ka nandito?"
"Gigisingin ka. Kanina ka pa ginigising ni tita, tulog na tulog ka." pumikit ulit ako. Antok pa ako eh. Kasalanan 'to ni Patrick, hindi ako nakatulog dahil sa kakaisip kung may gusto ba ako sa kanya or wala.
"Uy, maligo ka na!"
"Oo eto na!"
Kinuha ko yung towel at naglakad papuntang banyo, isasara ko na dapat yung pinto pero si Patrick, nakasandal dun sa wall na katapat ng banyo habang nakatingin sakin.
"Uy, ano ba yang ginagawa mo, bakit ka nandyan?"
"Sige na, pumasok ka na sa banyo."
"Eh kung umalis ka kaya diyan? Mukha kang manyak eh" umiwas siya ng tingin.
"Manyak ka diyan. Mukha mo! Dalian mo na male-late na tayo sa misa" umalis na siya at nagsimula na akong maligo.
Pababa na ako ng hagdan, si Pats nakaupo sa sofa mag-isa. Nagkatinginan kami tapos grabe napaiwas na ako ng tingin tapos nung tumingin ulit ako sa kanya, nakatingin pa rin siya sakin! Okay kinikilig ako please.
"Uhmm uy, nasan sila?" sabi ko habang nakatingin sa labas. Hindi siya sumagot kaya napatingin ulit ako sa kanya. Okay. nagka eye to eye nanaman kami.
"Tara na, nasa labas na ata sila," sabi ko.
"A-ahh oo sige oo nga tara na."
Sa simbahan, buti nalang nasa likod namin sil Pats, hindi ko kakayanin kapag nakatabi ko siya. Paano yun kapag 'Our Father', edi magho-holding hands kami. LOL.
Ayun, nagbonding ang mga pamilya namin, halos kami nalang nga ni Patrick naguusap dun eh, hindi na naubusan ng kwento mga magulang namin hahaha. The whole time, hindi ako tumitingin sa kanya, na-awkward ako eh. Feeling ko kasi bigla akong maiilang.
"Hija, Merry Christmas, mauna na kami. Sa New Year Eve's ulit ha? Sama sama tayo sa Medya Noche"
"Sige po tita haha" sabi ko.
"Sige, magingat kayo!" hinatid nila mama at papa sila tito at tita sa labas ng bahay, si Patrick, nasa banyo pa, ako nasa may pintuan.
"Paaaats."
"Uy." yan nalang ang nasabi ko, kinilig ako bigla eh, ang gwapo niya kasi tignan ngayon. Lalo na sa suot niya ngayon.
"Una na kami Pats, sa New Year ulit ha. papaputok tayo." sabi niya habang nakangiti
"Sige! Bye ingat! Merry Christmas!"
"Merry Christmas Pats." sabi niya tapos hinalikan ako sa noo. Hinalikan sa noo. Lagi nalang ako hinahalikan sa noo.
.
..
...
CONFIRMED: I like him.
BINABASA MO ANG
Best Friend Lang Ba Talaga?
Teen FictionKaramihan sa atin ay hindi maiiwasan ang ma-in love sa best friend natin. Pero mahirap din kapag sa kanila tayo na-fall eh. Paano kung BEST FRIEND LANG TALAGA ang tingin niya sayo?