"Tricia! Wake up na! 6 'o clock na!" Sigaw ni mama
Haaaaay. Tinatamad akong puma---
OHMYGOSH! INTERACTION PALA NAMIN!!!!!
Dali dali akong bumaba at kumain ng breakfast.
"Ganyan dapat kumain sa umaga. Madami dapat kumain" sabi ni papa. Madalas kasi kapag kumakain ako ng breakfast, mga isa o dalawang kutsarang subo lang. Wala kasi akong gana pag umaga. Pero ngayon, parang gutom na gutom ako eh! Hahaha pasensya, excited eh!
After kumain diretso na sa banyo. Shampoo mabuti. Sabon mabuti. Brush ang ipin ng maigi. After nun, diretso sa room and magbihis na. Patuyo ang hair tapos i-braid. Wear the best uniform and bathe with perfume. Haha siyempre joke lang yung bathe with perfume. Tinitipid nga yung pabango eh! Mamahalin kasi :)
"Ma alis na po ako" sabay kiss sa cheek ni mama
"Bye"
"Papa tara na po" si papa ang naghahatid sa akin papuntang school.
Nang makarating na kami sa school, nagkiss na ako sa cheek ni papa.
"Bye po"
"Sige ingat"
Papasok na ako ng gate nang may nakasalubong ako.
"Hi Pats!"
"Hello ate!"
"Ngayon interaction niyo diba?"
"Yep."
Siya nga pala si Ate Ren. Uhmmm, idol ko siya.
Arrgh! Fine! Oo na! Crush ko siya! Alam niya yun! Pero friends kami :) Oh diba ang saya ng love life ko? :D
Paano ko siya naging crush?
Kasi super galing niya kumanta! Plus, ang galing niya mag-guitar! Plus, nagd-drums din! And! Photographer din! And last! Super galing niya mag-drawing!! At hindi lang yun! Nagp-piano din, violin, basta lahat ng instruments! Galing 'no?
"Sige ate, akyat na ako."
"Sige Pats! Bye! Enjoy sa interaction!"
Pagdating sa classroom, grabe ang ingay. Pinaguusapan nila interaction.. Hindi naman halatang excited 'no?
Nagpunta ako sa locker ko at kinuha ang books at notebooks para sa morning classes. Sa umaga kasi, may lessons pa rin kami pero AM subjects lang. Tapos after lunch, dun na mags-start yung interaction.
So ayun. First subject, second, recess, third, and so on.
*Kriiiiiiing*
Nagring na yung bell for lunch. Yay!!! Excited na ako!
Hoy! Baka iniisip niyo, atat ako sa lalaki ah! FYI, gusto ko lang makipagkaibigan! Wala kasi akong guy friend. Well, meron naman pala pero hindi na kami masyadong close. Pero dati naman close kami. Pagnagkakasalubong nga kami sa kalye, super awkward. Pero siya yung unang pumapansin sakin. :"> Crush ko kaya yun nung bata pa ako! Hahaha :)
"Saan tayo kakain? Sa gym?"
"Tara"
Nagring na ulit yung bell kaya pumila na kami sa corridor. pagkatapos nun, nagdasal na kami at pumunta dun sa venue. Dun sa malaking Multi-purpose hall. :) Wala pang tao. Pinaupo kami by class number. Hindi pa dumadating yung makaka-interact namin kaya nag-instruct muna yung teacher namin.
"Oh ladies, manners niyo ah. Wag yung *beautiful eyes* 'hi'. "
"HAHAHAHA" tapos lahat kami sabay tingin sa malandi naming kaklase! Aynako! Lahat kaya ng tibo and yung ibang pretty girls, crush niya! Landi right?
"Wag maaarte ah! Kung sino man ang makapartner niyo, maging friendly ha? Ladies?"
"Yes miss!"
"Okay--"
*knock knock* Lumabas yung teacher namin.
"WAAHHH!!!!!" Lahat kami nagtilian kasi may kumatok sa pintuan! Haha lalandi eh! Joke :D
"Sshhhh!!! Quiet!!"
"Oy quiet nga kayo! Mahiya kayo! Nasa labas na sila"
Pumasok yung teacher namin at yung tingin niya na nakakatakot.
"Ano, ladies? Itutuloy pa ba natin 'to o wag nalang? Umayos kayo" Ayun, natameme lahat. Tapos lumabas ulit siya.
After ilang minutes, pumasok na yung teacher namin at teacher nila at pumasok na rin ang mga boys. Grabe! Anak mayaman 'tong mga 'to! Walang pangit! :"> Sorry! Sabik eh! Hahaha joke lang!
Bumunot yung boys ng papel dun sa garapon, class number ata namin yun eh. Tas ayun umupo na sila. Yung iba nga nagbilang pa ng upuan eh. Ganito kasi yun. First line, boys ang nakaupo dun. Second line, girls. Third, boys. Fourth, girls. Basta alternate! Tas ayun lumapit yung isang guy sakin. Gwapo!
"Hi.. Uhmmm is this your classnumber?" Taray! Englishero! Pinakita niya sakin yung paper na hawak niya.
"Uhmm. Yes" then we smiled at each other.
Then a guy called my name.
"Pats!!!!!!"
Reny Jae Loroso a.k.a. Ate Ren =========>
-----------------------------------------------------------------------------------------
Wonder who that guy is? Abangan sa susunod na kabanata! :) Thank you for reading!
Oh diba bilis ko mag-update ngayon? Haha bumabawi lang. Di ako nakapag-update kahapon eh. Dapat kahapon pa ako nag-update tsaka ngayon! :)
Please Vote, Comment, and Be a Fan! Thank you :) .xx

BINABASA MO ANG
Best Friend Lang Ba Talaga?
Fiksi RemajaKaramihan sa atin ay hindi maiiwasan ang ma-in love sa best friend natin. Pero mahirap din kapag sa kanila tayo na-fall eh. Paano kung BEST FRIEND LANG TALAGA ang tingin niya sayo?