Chapter 8

40 1 0
                                        

*Tenen tenen*

From: Pats

GOOOOOD MOOORNING PAAATS! GISING NA! MASAKIT PA BA PAA MO? OH WAG MO KALIMUTAN, INGAT MAMAYA BAKA MADAPA KA HAHAHAHAHA

Ayos din 'tong si Patrick eh. Ang aga mambwiset! -__-

To: Pats

Aga mo naman mambwiset..... 

From: Pats

Yun ba talaga ang tingin mo sakin? Yun ba ang role ko sa buhay mo? Ang pagiging bwiset sa buhay mo? Ouch. </3

Nag-drama pa talaga 'tong kaibigan kong ito. Lol.

To: Pats

Drama mo! Bahala ka nga diyan. Bye. Punta na ako sa school.

Hindi pa talaga ako papasok. Ang aga pa kaya! Iniiwasan ko lang masira ang araw ko.

From: Pats

Talaga? Aga mo naman pumasok? Sige na nga. Bye! Goodluck mamaya! Galingan mo sumayaw para worth ang pagpunta ko mamaya! Ingat! ;D <3

"All second year students, please proceed to the covered court now." sabi ng president ng Student Council sa mic.

"Oh guys! Galingan natin! Kahit general rehearsals palang, give your best!"

Nagline up na kami sa may corridor at bumaba na papuntang covered court. Habang naglalakad, tanaw ko si Ate Ren na sumasayaw. Grabe naiinggit ako sa ka-partner niya. Sa dance nila, lalaki siya. Sa ngayon, mapapanood namin lahat ng sayaw na napili ng bawat class sa second year. Iba ibang dance pero pare pareho ng genre. Mamayang hapon, buong high school naman ang mapapanood namin sumayaw with their costumes na. Mamayang hapon din pwedeng manood ang parents and guardians and friends and lahat ng taong gustong manood ng general rehearsal ng DanceFest namin. Which means mamayang hapon pa manonood si Pats.

"Oh guys! Formation na! Next na tayo! And don't forget to smile!" sigaw ng choreo namin. Woo grabe! General rehearsals palang, kinakabahan na ako!

"Presenting second year section 3!" naglakad na ang class namin papunta sa gitna ng court.

"Woo!! Go II-3!!!" sigaw ng sister section namin. Champion dati yung sister section namin eh! Ang galing nila! 

"Di naman maganda yung sayaw." sabi ng isang taga section 4

"Di sabay sabay" sabi ng isa pang section 4.

"Losers" sabi ng isang haliparot na linta na malandi na epal basta lahat ng pangit na description nasa kanya. Annoying talaga ng section na yun! Una, gaya gaya sila ng dance steps. Pangalawa, nandun yung crush ni Ate Ren, si Frances. Bwisit na Frances yun! Kami, losers? Eh runner up kaya kami last year! Nagtataka nga ako kung ano nagustuhan ni Ate Ren sa Frances na yun! Laki laki naman ng tenga nun, parang daga!! 

"Woo! Galing ng II-3!" sigaw ng sister section namin pagkatapos ng sayaw namin.

--LUNCH BREAK--

"Guys! Pag tapos na kayo kumain, braid your hair, then change into your costumes!" 

Grabe! Kinakabahan na ako! Madami nang tao mamaya! Buong high school manonood, both teachers and students, and yung guests. 

Maya-maya, natapos na rin ang lunch at lahat ng students ay naka-costume na. Ang cute ng costume nung class ni Ate Ren!

"All students, please proceed to the covered court now." 

Best Friend Lang Ba Talaga?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon