"Tama na ang water break!! Go back to your positions!" sigaw ng choreographer namin. DanceFest na kasi in 3 days. Ngayon ang first day ng whole day practices, puspusan ang pagpractice ng buong high school.
Isa sa mga major event ang DanceFest sa High School Department, kung saan maglalaban-laban ang bawat section each year level. Get niyo ba? Kunyari, sa batch namin, kalaban ng class namin yung iba pang sections sa second year. Last year nga eh, 2nd place ang class namin! Lahat kami nakakuha ng grade na 90 sa P.E. Kapag 1st place naman, 92 pataas ang grade sa card. Pero sa iba, hindi naman grade sa P.E. ang pinaglalaban eh. Ang pinaglalaban dito ay ang pride ng class. And now, we're gonna prove the others na hindi lang kami pang-runner up. We aim for the championship, and we'll make sure that we're gonna win this.
"Guys, ayusin niyo naman! Hindi tayo sabay sabay eh! Gusto niyo ba talaga manalo?! SAGOT!!"
"YES!"
"Yun pala eh! Ulit! From the top!"
Hay grabe na ito! Pagod na pagod na kami! Every 30 minutes lang ang water break, tapos yung venue ng class namin sa arawan pa! Di bale malapit naman na ang dismissal!
Speaking of dismissal, one week na akong sinusundo ni Patrick dito. Nasigawan ko pa nga siya nung unang beses niya ako sinundo eh! Kasi ganito yun...
*FLASHBACK*
Hay sa wakas at dismissal na! Si Pats pala ang susundo sakin ngayon! Hay grabe pagod na pagod na ako. Kakagaling lang namin sa PE class, tinuro na samin yung steps for DanceFest. Grabe gusto ko na magpahinga.
Dumiretso na ako sa may gate pero pagdating ko dun, wala pa si Patrick. Siguro na-traffic lang yun.
After 15 minutes...
Wala pa rin si Pats. Ano ba yan! Bakit ang tagal! Hindi naman na traffic! Ngawit na ngawit na ako dito! Ang bigat pa naman ng bag ko ngayon! May makapal na Bio book ang dala ko ngayon eh.
After 25 minutes....
Aba hindi pa dumadating yung Patrick na yun ah! Nakakainis naman! Ang tagal ko nang nakatayo dito ah! Nakakabad trip! Ano ba naman yang lalaking yan! Bagal bagal!
"Pats! Sorry na-late ako! Kanina ka pa ba diyan?" Finally! Jusko po! Nangaasar ba 'to?!
"Kanina pa? Ay hindi! Kakapunta ko pa nga lang dito eh!" I said sarcastically. Bwiset na 'to! Halos 30 minutes akong nakatayo dito sa may gate tapos tatanungin niya ako kung kanina pa ako?! Inirapan ko siya habang nilagpasan ko siya ng lakad.
"Wait Pats sorry! Naligaw kasi ako eh." hinawakan niya ang kamay ko para patigilin ako sa paglalakad.
"Naligaw? Eh diba malinaw ang usapan natin na susunduin mo ako sa gate na ito?! Alam mo bang 30 minutes akong nakatayo diyan hinihintay ka?! Ngawit na ngawit na ako kakaintay! Tapos kakagaling pa namin sa PE class at sobrang pagod na pagod na ako! Idagdag mo pa yung mabigat na bag kong bitbit dahil sa makapal na libro!" Hay bwiset! Pumasok na ako sa loob ng kotse at padabog na sinara ang pintuan, sumunod namang pumasok si Patrick at umupo sa tabi ko. Nakayuko lang siya, nasobrahan ko ata ang pagsigaw ko sa kanya.
Eh kasalanan naman niya diba?
"Manong, daan po tayo sa Drive Thru ng Mcdo." sabi niya sa driver. Wala ba siyang balak tanungin ako kung ano gusto ko?
"Oh Pats, para sayo. Meryenda ka muna. Sorry kung pinag-intay kita ng matagal." sabi niya habang nakayuko. Nakokonsensya tuloy ako kasi sinigawan ko siya.
"Uh, thanks. Btw, sorry din pala kasi nasigawan kita kanina. Pagod lang kasi ako. Sorry."
"Ano ka ba Pats! Wala ka namang kasalanan. Basta sorry. Di na mauulit. Promise."
*END OF FLASHBACK*
"Okay guys! Tomorrow, do not forget to bring your costumes! General Rehearsals na bukas! Guys! Before kayo umuwi! One last round!"
Habang sumasayaw kami, narinig kong may nagchi-cheer sakin.
"GO PATS!!!" napalingon ako kung sino sumigaw nun at nakita ko si Ate Ren! Omg! Kinikilig ako!
After ng last round practice, dumiretso na ako sa gate, good thing, nandun na si Patrick.
"Hey Pats, what's with the face? Pagod na pagod yung itsura mo pero ngiting ngiti ka." sabi ni Pats. Eh kinikilig eh! Ahihihihi :3
"Wala lang, tara na!"
Dumaan muna kami sa Mcdo at nag-meryenda. Nakatulog naman ako sa kotse dahil sa sobrang pagod at sobrang sakit ng paa.
"Sige Patrick, thank you sa paghatid. Ingat!"
"Wait, kaya mo ba maglakad? Parang hindi eh. Buhatin na kita."
"Hindi na, okay la---"
"Wag na umangal! Mamaya di ka pa makapagsayaw niyan eh." binuhat naman niya ako papunta sa kwarto.
"Uhmm, thank you. Sige bye, ingat."
"Bye Pats. Rest ka na ha? Baka mamaya magkasakit ka pa niyan eh." Okay. Bakit ang gentleman ni Patrick ngayon? Anong meron sa kanya?
*Tenen tenen*
From: Pats
Hey Pats! Sabi ni Ate Ren, ang galing mo daw sumayaw ah! Totoo ba yun? Parang hindi naman. Tss. Btw, see you tomorrow! Manonood ako ng rehearsals niyo eh! :)
Nangaasar ba 'to?! Pero sinabi ba talaga ni Ate Ren yun? Ahihihi!
To: Pats
Che! Mamaya maging idol mo ako sa sobrang galing ko sumayaw!
From: Pats
Ewan ko sayo! Bahala ka kung ano gusto mong isipin! Basta ingat ka bukas, baka mamaya madapa ka pa habang sumasayaw! :P See you tomorrow!
To: Pats
Bwiset ka talaga! Hahaha sige see you tomorrow!
From: Pats
Okay! Btw, masakit pa ba paa mo?
Wow ah, biglang naging concerned?
To: Pats
Oo. :'(
From: Pats
Okay. Rest ka na para hindi na sumakit paa mo nang hindi ka madapa bukas! >:D
Lol. Nakakatawa + nakakabwiset = Patrick.
------------------------------------------------------------------------------------------------
May nagbabasa po ba nito? Feeling ko wala, pero feeling ko din meron. Weird.
Vote or Comment, okay na sakin!
Thank you for reading! .xx

BINABASA MO ANG
Best Friend Lang Ba Talaga?
Ficção AdolescenteKaramihan sa atin ay hindi maiiwasan ang ma-in love sa best friend natin. Pero mahirap din kapag sa kanila tayo na-fall eh. Paano kung BEST FRIEND LANG TALAGA ang tingin niya sayo?