Prologue

7.6K 121 5
                                    

Nagising ako nang maramdaman kong may umaalog sa braso ko. Pagmulat ko ng mga mata ko, sumalubong saken ang mukha ng kapatid kong si Neisha. "Hay naku, kuya! Kanina pa kita ginigising dyan! Bumangon ka na nga! May pasok pa tayo!" Sermon niya saken.

Ngumiti ako sa kanya at bumangon na din. Ready'ng-ready na ang little sister ko. Naka-school uniform na kasi siya. Ako na kang yata ang hindi pa.

"Morning, little sis."

"Morning din. Maligo ka na nga. Amoy panis na laway na yang katawan mo. Kadiri ka kuya. Handa na yung breakfast sa ibaba. Dalian mo okay?" Nakapameywang niyang sabi.

"Opo, ma'am." Ginulo ko ang buhok niya. Umalis ako ng kama at nagpunta ng banyo para maligo.

Pagkatapos kong maligo bumaba nako para sumabay kumain ni Neisha.

"Hmm. Ang sarap talaga magluto ng kapatid ko." Sabi ko sabay subo ng fried rice na niluto niya.

"Syempre. Mana ako kay mama eh." Proud niyang sabi. Of course, wala akong tutol dyan. Manang-mana nga siya kay mama. Magaling kayang magluto si mama. I must say na siya ang pinakamagaling na cook sa buong mundo. Pangalawa naman 'tong kapatid ko.

Pagkatapos naming kumain, syempre ako ang naghugas ng pinggan. Si Neisha na kasi ang magluto ng breakfast namin.

"Tara na kuya!" Sigaw ni Neisha.

"Andyan na." I smile. Pinunasan ko ang basa kong kamay sa suot kong apron pagkatapos ay hinubad ko na ito at sinabit sa gilid ng ref. Kinuha ko ang bag ko sa mesa at pinuntahan si Neisha na nakatayo sa may pinto.

"Sandali, nakapag-paalam ka na ba kay mama?" Tanong ko.

"Ay oo nga pala! Hindi pako nakapag-paalam kay mama!"

"Tara sabay na tayo." Bumalik kami sa itaas. Binuksan namin ang panghuling pinto. Dahan-dahan naming binuksan ang pinto at nakita namin ang litrato ni mama katabi nito ay isang jar kung saan andun ang abo niya.

Tumayo kami sa harap niya.

"Mama, aalis na po kami ni kuya papuntang school. Gabayan niyo po sana kami. Ilayo niyo po sana kami sa kapahamakan. I love you po, mama." Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi ni Neisha. Inakbayan ko siya.

"Bantayan niyo po sana kami, mama. Lalo na 'tong si Neisha. Lapitin pa naman 'to ng gulo." Bigla niya akong siniko sa tyan.

"Hindi kaya! Mama oh, si kuya inaasar ako!" She pout her lips. Natawa na lang ako.

Pagkatapos naming magpaalam kay mama ay umalis na kami.

Normal lang naman ang takbo ng buhay ko. Gumising para pumasok sa paaralan. Meet some friends. Lessons. Quizzes. Activities. Mga gawain ng isang fourth year high school student.

~Canteen, Luch Break~

"Dude, may bago akong video na ipapakita sayo." Sabi ni Ken tapos inakbayan niya ako.

"Ano na naman ba yan? Rated X ba?" Poker-face kong tanong. Kahit kelan ang pervert talaga ng lokong 'to.

"Hindi! Bagong model kasi 'to. And damn! Ang sexy at ang hot niya, dude!" Namumulang sabi niya. Konti na lang tutulo na lang dugo niya sa ilong.

"Ewan ko sayo, Ken. Tigilan mo nga ako sa kamanyakan mo." Inalis ko ang pagkakaakbay niya saken at pinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa. Nang biglang may dumaang dalawang babae sa harap namin.

"Hi, Neo!" Sabay nilang bati saken. They gave me their cute smile.

Hindi ko sila pinansin, kunwari wala akong narinig. Nilipat ko sa ibang pahina ang binabasa kong libro.

"Hi, girls!" Narinig kong bati ni Ken sa dalawang babae. Pero inirapan lang siya nung dalawa at umalis na.

"Ang aarte! Sila na nga ang binati tapos sila ang may lakas ng loob na irapan ako?! Tsaka bakit ikaw na lang palagi ang binabati ng mga babae dito, Neo? Di hamak na mas gwapo ako kesa sayo!"

"Ewan ko. Hindi ko alam." I shrugged and flip the book to the next page. "Itanong mo sa kanila."

"Sandali, miss!" Tawag ni Ken nang may dumaan ulit na babae sa harap namin. "Sinong mas gwapo? Ako o si Neo? Diba ako?"

"Excuse me? Ambisyoso ka rin noh? Di hamak na MAS GWAPO sayo si Neo! Feeler ka!" Binalingan niya ako at ngumiti ng pagkatamis. "Hi, Neo." She tucked the strands of her hair behind her ear.

"Amputek! Umalis ka na nga bago pa kita mahalikan dyan!"

"Eeew! Kadiri ka! Mas gusto ko pang si Neo ang humalik saken kesa sa isang panget na tulad mo! Hmp!" Then she walks away.

Pasimple kong tinakpan ang bibig ko ng kamay ko. Kunwaring umubo ako kahit na ang totoo ay gustong-gusto ko matawa.

"Pinagtatawanan mo ba ako?" Tiningnan niya ako ng masama.

"Nauubo lang ako." Palusot ko.

"Pambihira naman. Bakit ba lahat na lang ng babae diti sa paaralan natin, ay crush na crush ka at patay na patay sila sayo? Sabihin mo nga, ano bang meron ka na wala ako?"

"Uh, hindi ka kasi gwapo?" Tinigngnan ko siya at nakita ko ang mukha niyang mukhang iiyak na.

"Magkaibigan ba talaga tayo?" Pinaniningkitan niya ako ng mga mata.

I shrug. Sa totoo, hindi ko din alam kung bakit ako yung pinagkakaguluhan ng mga babae. Ayoko naman ng ganun. Hindi ko gusto na pagkakaguluhan ako ng mga babae. Tinawag pa nga nila akong 'CAMPUS CRUSH'. Tsh, like I care. Nandito ako para mag-aral. Hindi para maglandian.

Kinuha ko ang juice ko ng mapansin kong biglang gumalaw ang juice. Kumunot ang noo ko. Then the next thing I knew, biglang lumindol ng malakas. Napahawak ako sa mesa. Ilang segundo din bago tumigil ang lindol.

"Ano yun?! Bakit biglang lumindol?" Takot na tanong ni Ken.

Nakita kong nagtakbuhan palabas ng mga building ang nga estudyante. Takot na takot sila.

Si Neisha!

Tumayo ako at nagmadaling umalis.

"Neo!" Hindi ko nilingon si Ken nang tawagin niya ako.

Nagpunta ako sa elementary area kung saan andun ang kapatid ko. Shit, sana walang masamang nangyari sa kanya.

Pagdating ko, nagkagulo din sila. May ilang mga elementary students ang nalalabas na ng building. Pero hindi ko man lang nakita ang kapatid ko.

Tumakbo ako papasok ng building. May ilang teachers ang tumwaga saken pero hindi ko sila pinakinggan. Nasa 3rd floor ang room ni Neisha. Kaso, pag-akyat ko na ng third floor sumalubong saken ang naglalakihang mga semento na nakaharang.

Pero ang nakaagaw ng pansin ko ay ang isang kamay na natabunan ng mga naglalakihang mga semento. Nanginginig ang katawan ko, hindi pwede. Hindi..

Lumuhod ako at pilit na inaalis ang mga sementong nakadagan. Please, sana mali ang akala ko!

Nang maalis ko na ang ilang mga semento, nagulat ako sa nakita ko. No...

A-ang kapatid ko, nakadapa at puno ng dugo ang katawan niya. H-hindi maaari 'to...

Nanginginig na kinuha ko ang katawan ni Neisha, pinahiga ko siya sa binti ko. Patuloy na umaagos ang dugo mula sa ulo niya.

"Neisha. Uy, Neisha. Gising na. Andito na si kuya." Marahan ko siyang niyugyog pero hindi siya nagigising. Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko. "Neisha.." Pumatak ang mga luha ko sa mukha niya. "Hindi.. Neisha.. NEISHAAA!!" Niyakap ko na lang ang kapatid ko.

Wala na.. Wala na ang kaisa-isang pamilya na meron ako...

**

Prologue is a bit...ugh! Boring. But yeah, hope you enjoy it. =)

Sorry for the typos. Aayusin ko na lang 'yan kapag natapos ko na 'to.

New story? Yes. Fantasy? Absolutely, YES. Support, support, support! Yey!

Stonefield Academy: School of Special AbilityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon