Chapter 12

518 14 1
                                    

Hi to all silent readers! Shout out naman kayo dyan! Wootwoot! XD

--

"Okay, this formula here is..." and the discussion goes on.

Wala man lang akong naintindihan sa mga sinasabi ng teacher namin. Lumilipad ang utak ko sa kung saan. Yumuko ako at inikot-ikot ang ballpen sa daliri ko. Inangat ko ang ulo ko at tumingin kay Alexis sa kaniyang upuan. Naka-cross ang mga braso niya habang nakikinig sa professor.

Bakit kailangan pa niyang pumasok kung alam na niya lahat ng leksyon ng mga propesor namin? Halos masaulo na nga niya ang mga nasa libro eh. Pati siguro encyclopedia memorize din niya.

Napatingin siya sa'kin kaya agad akong umiwas. Yumuko na lang ako at kunwaring nagsusulat sa notebook ko.

Hindi ko maintindihan kung paano ako napunta sa dorm ko pagkagising ko.

May nagbuhat ba sa'kin papunta sa dorm ko?

"Excuse me.." dinig kong boses ni Alexis.

Inangat ko ang ulo ko at tumingin sa kaniya. Nakataas ng bahagya ang kamay niya upang kunin ang atensyon ng propesor.

"Y-yes, Ms. Nightwalker?" Pansin ko ang kaba ng propesor ng magtaas ng kamay si Alexis.

"May I answer the equation, Mam?" Walang ganang tanong ni Alexis.

"O-of course. P-please do.."

Tumayo si Alexis at naglakad patungong blackboard. Lahat kami nakatingin sa kaniya. Kinuha niya ang chalk mula sa propesor at sinagot ang equation. Napanganga kaming lahat dahil sa haba ng equation na sinulat niya. Ang iba ay hindi pa nga naituturo ng propesor pero sinali na niya.

"Great job, Alexis." Dinig kong sabi ni Asuza sa likod.

See? Told you. Hindi na niya kailangang um-attend ng klase kasi alam na niya lahat.

"Bakit kailangan pa niyang um-attend ng klase kung alam na niya lahat ng tinuturo ng mga propesor?" Tanong ko sa sarili.

"Dahil isa pa rin siyang estudyante." Nilingon ko si Asuza ng sumagot siya.

"Why? I mean, she's a freaking genius. Sa katunayan, siya dapat ang nagtuturo sa mga propesor dito eh."

Nagkibit-balikat lang si Asuza.

Hindi na lang ako nagtanong pa. Hindi ko mapigilang mamangha sa sobrang talino niya. She's good in almost everything. Nagawa pa niyang magsalita ng espanyol at japanese pati na rin french. Damn. She's almost perfect.

Pagkatapos ng mga klase namin, as usual naunang lumabas si Alexis. Alam kong pupunta 'yun sa SC.

"Come on." Biglang sabi ni Asuza tsaka siya tumayo.

Napatingin ako sa kaniya na may pagtataka. "Where?"

"To get another mission. What else?" Natatawang sagot niya sa'kin.

Mission ko? Ngayon na?

Tumayo din ako at sumunod sa kaniya. Nakita kong sumunod din sina Kleiton at Melanie.

Habang naglalakad kami sa hallway, nakasalubong ko si Belle kasama ang mga kaibigan niya. Ngumiti siya sa'kin ng makita niya ako at ganun din ako sa kaniya.

"Hi, Neo." Sabay wave ng kamay niya sa'kin.

"Hi.." I greeted her back.

Naramdaman kong may umakbay sa'kin. Paglingon ko, si Kleiton pala na ang lapad ng ngisi habang nakatingin kay Belle. Lakas ng tama ng kumag na 'to kay Belle. Pero pasensya siya dahil hindi ko hahayaang mapunta si Belle sa kaniya.

Stonefield Academy: School of Special AbilityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon